Dingdong Dantes overwhelmed by success of birthday concert with Marian Rivera

"Kahit alam nating may pasok kinabukasan and it's notweekend at hindi rin ganoon kaganda ang panahon, nagpapasalamat kami ni Mariansa lahat ng mga taong dumating. Maging sa mga kasamahan nating Kapuso nanaki-celebrate sa amin," says Dingdong Dantes.



Kung ang sorpresa sa Let's Celebrate: The Dingdong andMarian Birthday BlowOut! kagabi, August 27, sa Araneta Coliseum para kay MarianRivera ay ang pagbati ng kanyang ama na limang taon na niyang hindi niyanakikita—sorpresa naman for Dingdong and all the people at the Big Dome angbiglang paglitaw sa video ni Dan Railey, ang executive producer ng E!Entertainment.

Bukod sa certification letter na ipinadala ng E! sa managerni Dingdong na si Perry Lansigan, pormal nang in-announce ni Mr. Railey ang pagkakapili saKapuso young actor bilang isa sa 25 Sexiest Men of the World sa gagawing TVspecial ng E! Bukod pa rito ang pagbati ng mga staff ng E! kay Dingdong ng happy birthday.

Ang reaction agad ni Dingdong ang tinanong ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa kanya right after ng show.

"Well, very thankful. Kasi ako naman, hindi ko namanine-expect ito. Para sa akin, isa siyang pribilehiyo. Sobrang ipinagpapasalamatko naman ang kanilang citation kasi wala, e, wala kang ine-expect. I never sawthis coming. And for me, this is a very pleasant surprise," pahayag ng isa sahottest male actors ngayon sa bansa.

Masayang-masaya nga si Dingdong at halatang hindi rinnaiwasang maging emotional nang magbigay na ng mensahe ng pasasalamat at theirconcert.

"Kahit alam nating may pasok kinabukasan and it's notweekend at hindi rin ganoon kaganda ang panahon, nagpapasalamat kami ni Mariansa lahat ng mga taong dumating. Maging sa mga kasamahan nating Kapuso nanaki-celebrate sa amin. Sa lahat po ng hindi nakapasok sa loob ng Araneta,mapapanood n'yo naman po ito sa SNBO sa Sunday [August 31], pero nagpapasalamatpo kami sa inyong lahat for coming."

Parehong humataw nang husto sina Dingdong at Marian sakanilang birthday concert, pero ayon sa young actor, lahat daw ng ginawa nilais for fun.

"Yes, sabi nga namin, hindi naman kami mga concertperformers talaga. We're just having fun. It's a celebration for everybody,"saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very visible din ang presence ng kanilang direktor saMarimar at Dyesebel na si Joyce Bernal, na kasama pa angkanyang anak. Si Direk Joyce din ang direktor ng pelikulang For The FirstTime, na pilit ngang iniintriga at ginagawan ng anggulo ang pagkakasabay ngopening day ng movie at ng birthday concert nila.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Oo nga, nakikita nga namin, sumasayaw at palipat-lipat pang lugar. Yung samahan namin is beyond work. Kakaiba yung friendship namingtatlo. Alam namin na darating siya," ani Dingdong.

Puwede rin bang sabihin na statement ang pagdating ni DirekJoyce sa kanilang concert, na wala naman talagang dapat na isyu sa pagkakatapatng date ng birthday concert nila sa first day ng pelikula nina RichardGutierrez at KC Concepcion?

"Well, for me, it just goes to show na trabaho ni Direk yungginawa niya at gusto niya yung ginawa niya roon. At ginusto rin namanniyang pumunta rito. Pero wala namang ibang kahulugan yun. At saka noongnag-taping kami, sinabi niya talagang susuportahan niya kami kung kayat alamnamin na darating talaga siya," masayang pahayag ni Dingdong.

Bukod kay Direk Joyce, nasa audience din ang isa pa nilangdirektor na si Direk Mac Alejandre at halos lahat ng GMA executives, sa pangungunang SVP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN