Maxene Magalona talks about daring scenes in "Una Kang Naging Akin" and dad Francis's condition

"The doctors weresurprised on how well he's responding with the treatment. Very strong siyatalaga. Kahit nawawalan siya ng appetite to eat, he still forces himself to eatbecause he knows that his body needs it," relates Maxene Magalona about the condition of her father, Master Rapper Francis Magalona.



First serious and mature role ng young actress na si Maxene Magalona ang bagong Sine Novela ng GMA-7, angUna Kang Naging Akin. Gagampanan ni Maxene dito ang role na unang ginampanan niSharon Cuneta sa pelikula ng Viva Films, natinampukan din nina Gabby Concepcion at Dawn Zulueta at idinirek ni Laurice Guillen.

Kilala si Maxene sa pagigingconservative, pero this time, hindi na maiiwasan ang mga kissing scenes at lovescenes sa pagitan nila ng leading man niyang si WendellRamos, na siya namang gumaganap sa dating role ni Gabby; si Angelika dela Cruz naman ang gaganap sa role ni Dawn.

Naitanog ngaagad kay Maxene during the presscon of Una Kang Naging sa Mandarin Suites saGateway Mall kagabi, August 28, kung may mga limitasyon ba siyang isine-setbefore she accepted the role.

"Well, I respect kasi the production and I respect DirekJoel Lamangan. Kung ano ang gusto nila atmakakayanan ko, I try myself to do it. But I think, even sila, alam naman nilana this is my first mature role at alam naman nilang hindi pa ako ready to doall out talaga na out there, daring talaga.

"I don't think ifI'm gonna be ready for that anytime soon. But I think, iba talaga ang makikitanila sa akin dito. Ibang-iba from what I've done in the past," pahayag niMaxene sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

SELF-RESTRICTIONS. Contrary to what others think na ang mga magulang daw niyana sina Francis Magalona at Pia Arroyo ang masnagbabawal sa kanya to do mature roles, siya raw talaga ang maramingrestrictions.

"Actually, sila, they don't have any problem with it," sabini Maxene. "It's me talaga at ako ang nagsasabi before na hindi pa ako ready namakipag-kissing scene. So, ako na mismo ngayon ang nagsasabi na I want to tryand take the next step, which is next level na. Yung parents ko, they arealways supportive at never silang nagsabi na bawal ang ganito at bawal ang ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Yung mom ko lang, kaya lang niya sinasabinghindi pa puwede, kasi ayoko pa. And as my manager and as my mom, shesupports me and respect me kung ano ang gusto ko."

KISSING & LOVE SCENES WITH WENDELL. Nagkaroon na rawsiya before ng kissing scene sa Kamandag with Richard Gutierrez. Pero firsttime daw na may love scene na siya at pagdating naman sa kissing scene, masdefined daw ngayon with Wendell.

"Actually, siyempre yung love scene ang pinaka-daring scene.But I have to accept na ito ang show at napanood ko yung movie and it's reallylike that. Ang ganda-ganda ng movie kaya I cannot say no to that. Angganda ng story at siyempre, ginampanan ito ni Ms. Sharon Cuneta and to beoffered that role, tatanggi ka pa ba?

"I was really shocked at first, but I accepted it na langand looked at it as a challenge. At saka, gusto ko na mapasaya ang mga tao naoriginal fans ng movie na ‘to. Gusto ko, kung anuman ang nakita nila sa movie,magustuhan din nila ang TV show."

Malaking tulong daw na si Wendell ang kapareha niya.

"Kung uunahan ko ng kaba, papangit, e. I know naman na kasiWendell is mabait and comfortable ako. So, wala nang malisya. Kaibiganniya ang tatay ko. Palagi nga ‘yang takot na takot at sinasabi, ‘Pakisabi hi satatay mo,'" tawa ng young actress.

Kinumpirma rin ni Maxene na kahit nasa hospital ang ama nasi Francis, ito pa raw ang nagpahatid ng pangungumusta kay Wendell nang malamanna may kissing scene sila.

"Oo! When I was in the hospital, yung dad ko nga, ‘O, ano,kumusta na ang taping n'yo? Sabihin mo kay Wendell, kumusta! Alam na niya yun!'" natatawang kuwento ni Maxene.

PEP asked Maxene kung pagbabanta ba yun sa part ni Kiko forWendell?

"Hindi naman, hindi naman," sagot niya. "Magkaibigan naman kasi sila. Theyplay basketball. Kaya naman ang dad ko, hindi siya nagdalawang-isip. Alam niyathat I'm in good hands with Wendell."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung age gap daw nila ni Wendell was never an issue; Maxenebeing 21 and Wendell is already 31. Mas gusto raw ni Maxene yung ganoon.

"That's the thing, e, kasi he's more experienced," sabi niMaxene. "He's more matured. Mas gusto ko yun. Kesa yung wala kaming alam na pareho.It's really better na si Wendell ang ka-partner ko rito because he knows fullyand I trust him a lot at talagang gina-guide niya ko."

SECOND CHOICE. Tinanong din namin si Maxene kung aware basiya na may balitang her role was first offered to Iza Calzado,pero tinanggihan daw ito ng aktres.

Ayon kay Maxene, wala raw siyang alam pero, wala rin namandaw problema kung totoo nga.

"I didn't know that. But, thankful ako na sa akin napunta.And it didn't matter kung meron man na ibang na-offer-an. Sa akin napunta and, yunlang, thankful ako for that. Siguro feeling ko, meant to be and it came at theright time kasi nga, I feel more grown up now. I'm 21 already so feeling kotalaga, it's time to make that next move, to the next level."

MASTER RAPPER'S CONDITION. Mas magaan na ring naikukuwentoni Maxene ngayon ang kalagayan ng kanyang ama na si Francis Magalona, who wasrecently diagnosed with leukemia. Ayon kay Maxene, okey naman daw angpapa niya but he's still in the hospital dahil sa treatment nito.

Ipinakita rin ni Maxene ang MMS picture ng ama na kuha ngmismong oras na ginaganap ang presscon niya. Ito raw mismo ang nagsabi kayMaxene na ipakita sa press ang picture niya para mapabulaanan ang iba't ibangbalitang lumalabas about his condition na nandiyang may nagsasabi na na kalbona ito at sobrang payat na payat.

Base sa MMS picture ni Francis na kuha lang ng 6:50 p.m.kagabi ay iisipin mong wala itong malubhang sakit dahil walang masyadong ipinagbagosa physical appearance niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Maxene, "Okey naman siya. He's undergoingtreatment. We're awaiting yung orders ng doctor kung kailan siya puwedengma-release and to continue yung recovery at home.

"So, naghihintay na lang talaga kami. Pero the doctors weresurprised on how well he's responding with the treatment. Very strong siyatalaga. Kahit nawawalan siya ng appetite to eat, he still forces himself to eatbecause he knows that his body needs it," positibong lahad ni Maxene tungkol sakanyang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN