Angel Locsin avoids talking about Claudine Barretto, but insists they're "okay"

"Actually, kapagnagsalita ako, medyo foul na rin because importante sa akin okey na kami. Ayokona talagang pag-usapan. Sa tingin ko, mas okey na rin. Kung may problema kayosa isa't isa, nadadala yun sa usapan na hindi naman kailangan i-involve ninyolahat ng tao sa paligid ninyo. So, ayun. Pero may respeto ako kay Ms.Claudine," says Angel Locsin about Claudine Barretto, whom she had an encounter before.


Fresh from thesuccess of For The First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion,in-announce agad ng Star Cinema Productions ang susunod na proyektongipo-produce nila. Pagbibidahan naman ito ng inaabangan ding tambalan sa bigscreen sa unang pagkakataon nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

More than two weekssina Piolo at Angel sa isang probinsiya sa South, kung saan sila magsisimulangmag-shooting next week. Pagkatapos aylilipad na sila papuntang Australia para mag-shoot sa bandang Outback area ngnaturang bansa for almost a month. Pero bago pumunta ng Australia, pupunta muna ng Bangkok, Thailand si Angeldahil may raket siya roon.

Sa tagal nila namagkakasama ni Piolo, hindi kaya makalimutan ni Angel ang rumored boyfriendniya na si Luis Manzano?

"Hindi naman posiguro ganun kabilis yun o kung anuman," nakangiting sabi ni Angel sa PEP(Philippine Entertainment Portal).

MORE KISSING SCENES. Walang duda nanaging successfula ng first team-up sa telebisyon nina Piolo at Angel sateleserye nila na Lobo. This time, ano ang abangan sa kanila ng mga manonood sakanilang first movie?

"Kissing scenes!"sabay tawa ni Angel. "Hindi, kasi parang ano, e... Siyempre nenerbyusin ka, diba? Gagawin, 'tapos papagalitan ka pa ng direktor mo. ‘Tapos hindi ka raw marunong humalik. ‘Ang pangit nghalik mo!' Parang kasi ano yun, akala ko dati bubuka lang ang bibig mo, kissingscene na ‘yon. E, may art pala ‘yon. Dapat sabay kayo, depende sa ganun."

Ngayon ba masasabiniya na sanay na sanay na siya sa kissing scenes?

"Hindi naman. Peroalam mo yun? Inaaral pa siya. E, kami lagi kaming palpak ni PJ [palayaw niPiolo] kapag nagki-kissing scene. Di ba, first kissing scene namin take five,take six ‘ata? Kaya sabi, na-blurp ako? Hindi naman."

Ayon sa survey,lahat daw ng leading ladies ni Piolo ay sinasabi na masarap humalik ang aktor.Ano naman ang masasabi ni Angel dito?

"Ganun? Pero kasonga lang, in character ako kaya hindi ko masyadong pinapansin. ‘Hindi, as Lykaito, as Lyka,' sinasabi ko sa sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masarap ba ang lipsni Piolo?

"Yeah, it'smalambot!" tawa ni Angel.

Mabango rin ba siPiolo?

"Oo, lagi," ngiti niAngel. "Kahit pinapawisan ‘yan, ‘tsaka palit nang palit ng damit. Kung maytime, ligo, ganun."

LOVE SCENES WITH PIOLO. Balita rin na masmaiinit ang mga eksenang kukunan sa kanila ni Piolo for their first filmtogether.

"Oo nga, e.Ine-expect ko na, e. I think may dalawaor ano ‘ata kaming love scenes. Sabi ko pa, ang yabang ko pa, e, ‘Nakapag-lovescene na ako Direk [Rory Quintos], e, sa The Promise [her movie with RichardGutierrez].' Sabi ni Direk, ‘Okey.'

"'Tapos binigay koyung DVD ko. ‘Tapos, ‘Gel, wala pa saten percent yung ini-imagine ko, e.' ‘Hindi Direk, grabe na ‘yan!' ‘Hindi, walapa sa ten percent ko ito.' Actually, pag-uusapan pa lang namin ‘yon ni DirekRory. Pero siyempre, si Direk Rory ‘yan, malakitiwala ko sa kanya."

Kinakabahan ba siyasa love scene nila ni Piolo?

"Kinakabahan perotingin ko, mas kinakabahan si Piolo sa akin!" natatawang sabi ni Angel.

ON GOVERNOR VI. Sa huling interviewng PEP kay Batangas Governor Vilma Santos, sinabi niya na type niyang makasamaulit sa movie si Angel. Unang nagkasama sina Governor Vi atAngel sa Mano Po 3: My Love.

"Ay, ako po sobra!Kaya lang na-starstruck na naman ako!" bulalas ni Angel tungkol sa ina ni Luis.

Nakita rin daw niGovernor Vi ang mga estrella sa mata ni Luis dahil kay Angel.

"Sana," ngiti niAngel. "Pero sana hindi naman hilo stars yun!"

Gustung-gusto rindaw si Angel ng ibang kaanak ni Governor Vilma tulad ng kanyang ina dahil"disente at magalang" daw ang young actress.

"Wow! Naku,sobrang happy po ako na natatanggap ngpamilya! Ganun din naman si Luis sa bahay namin," reaksiyon ni Angel.

Ayon pa kay GovernorVi, inspired daw ngayon si Luis at may mga pagbabago silang nakikita ngayon saTV host-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, e. Ewan ko. Wala naman akongbinago sa kanya. Hindi naman ako nagbabago ng tao. Siyempre nakilala moyung tao na ganun na, bakit mobabaguhin?" sabi ni Angel.

Ano naman angreaksiyon niya sa binigay sa kanya na rating ni Governor Vi na eight from oneto ten?

"Wow! Common!Salamat po."

Isa pa sa nagustuhan daw ni Governor Vi kay Angel ay ang pagpupurisgi nito namakakita ulit ang tatay niya kahit matanda na.

"Siyempre, tatay koyun. Hindi kasi, isa ‘yan sa frustration ko, e. Buong Pilipinas alam yung mukhamo, di ba? Tatay mo, hindi. So yun, nag-aantay pa rin ako ng technology."

Agree ba si Angel sasinabi ni Governor Vi na "exhibitionist" si Luis?

"Ah, oo, mahilig talaga siya noon!"pagsang-ayon naman ni Angel. "Actually, joke niya yun, e. ‘Pag inaantok na angmga tao, siyempre kung ikaw ba naman kunwari bading, mapapatingin ka o kayamatatawa ka na lang sa mga pinaggagawa niya."

SILENT ON CLAUDINE. Kumusta na sila niClaudine Barretto na nakaalitan niya noon?

"Ay, hindi po talagaako magsasalita!" iwas niya. "Okey na po yun. I'm happy na. Okey na ang lahat.Natapos na lahat. Once in a while nag-uusap kami, pero hindi pa kami nagkikita.Kasi siyempre busy pa si Ms. Claudine sa mga taping-taping."

Gusto ba niyangmakasama sa trabaho si Claudine?

"Sana, ‘pag anonabigyan ng opportunity, why not?"

Ano ang natutunan niyasa nangyaring kontrobersiya sa kanila ni Claudine?

"Actually, kapagnagsalita ako, medyo foul na rin because importante sa akin okey na kami. Ayokona talagang pag-usapan. Sa tingin ko, mas okey na rin. Kung may problema kayosa isa't isa, nadadala yun sa usapan na hindi naman kailangan i-involve ninyolahat ng tao sa paligid ninyo. So, ayun. Pero may respeto ako kay Ms.Claudine," saad ni Angel.

THE REAL PRINCESS OF ABS-CBN. Hindi ba siyanai-insecure sa ibang artista ng ABS-CBN, like sina Bea Alonzo at KC Concepcion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kasi ang tao nalang yung makakakita. Like kami ni KC, hindi namin...walang ganun, e. Nag-uusapkami. Ako suporta sa movie and si KC nanood ng Lobo. Sa amin, ginagawa langnamin ang trabaho namin and proud kami kapag meron kaming na-achieve na magandaor tama because alam naman namin kung gaano kahirap yun, di ba? Wala namangisyu-isyu. Trabaho lang naman, di ba? ‘Tsaka yung usapang prinsesa-prinsesa,kalokohan yun. Sa totoo lang, ayokong maging prinsesa," paliwanag ni Angel.

Ano ang gusto niya?

"Muse!" sabay tawani Angel. "Hindi, loko lang. Hindi, seryoso, walang ganun. Nagtatrabaho lang poako."

Siya naman angprinsesa sa buhay ni Luis, di ba?

"Yeah, sana!" sabaytawa niya.

Hindi ba reyna siyasa buhay ni Luis?

"Ay, hindi po. SiGovernor po ang reyna."

Payag ba siya namakasama si KC with her ex-love team na si Richard Gutierrez sa pelikula?

"Oo naman," ngiti niAngel. "Maski nga cameo payag ako, pero imposible ‘yon. Tingin ko hindi akopapayagan. Pero feeling ko, hindi rin papayag ang kabila [GMA-7] to work withme. Basta mahal ko silang dalawa [KC and Richard]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN