Bea Alonzo sank into depression before ABS-CBN gave her "Betty La Fea"

"Kasi after Maging Sino Ka Man, wala silang [ABS-CBN] nilatag na project para saakin. Si Sam [Milby] at Anne [Curtis], may Dyosa na. Si John Lloyd, may A VerySpecial Love. Na-depress talaga ako noon. Sabi ko, ‘Ano ang gagawin ko? Hindiako puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan ko ng money para sa pamilya ko.' Soayun, na-depress ako," relates Bea Alonzo.



Kinontra ni Bea Alonzo ang sinabi ni John Lloyd Cruz na showlang ng young actress ang bagong primetime series ng ABS-CBN, ang I Love BettyLa Fea. Ayon kay Bea, show nilang lahat ang Betty La Fea. John Lloydplays Bea's love interest, Armando.

"Sa title pa lang, I Love Betty La Fea, siya [JohnLloyd] yung nagsasabi nun, e, si Armando. Kagaya ng sinabi niya, kung anumanyung success na nakukuha namin or our individual projects, isini-share dinnamin ‘yon. Kung anuman yung success ng A Very Special Love [John Lloyd's moviewith Sarah Geronimo], yun din ang success ko. Kasi proud ako sa kanya kasi sabaykaming nag-start, e. Sabay kaming nag-start sa soap opera.


"I mean, lahat ng shows namin, pareho lang kami. So, dito, comingfrom him, sobrang na-appreciate ko talaga na sinabi niya na matagal ko nanghinihintay ito, itong project. ‘Tsaka alam n'yo naman kung gaano ko kamahal‘to, at kung gaano karami ang isinasakripisyo ko dahil sa proyekto na ito,"lahad ni Bea sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I Love Betty La Fea kagabi, August 28.

Masaya ba siya na tinanggap ni John Lloyd ang role naArmando sa Betty La Fea?

"Oo naman, sobra! Kasi parang konting adjustment na lang ang gagawin ko."

Naisip ba niya na paghihiwalayin na ang tambalan nila ni John Lloyd nangitambal sa iba ang kapareha?

"Oo, siyempre nakakalungkot din. Ikaw, may officemate ka for ten years or eightyears, ‘tapos biglang aalis? E, di ba, parang nakakalungkot naman ‘yon? E, kungsa PBB [Pinoy Big Brother] nga at sa PDA [Pinoy Dream Academy] kontingspan pa lang yung napagsamahan nila, naiiyak na sila. E, ano pa kaya yungsa amin," pahayag ni Bea.

Hindi pa ba siya handa na mawala ang love team nila ni John Lloyd?

"Siguro hindi pa handa, at hindi pa handa ang lahat ng supporters namin paratanggapin. Sana nga hindi na mag-end," asam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero na-threaten ba siya nang malaman niyang naging successful ang love team niJohn Lloyd with Sarah?

Ani Bea, "Sa totoo lang, tinawagan ako ni Tita Mariole [Alberto] to tell me na,‘Oy, okey yung movie ni John Lloyd at ni Sarah!' Ang naramdaman ko noon ishappiness. Siguro po kung nangyari ‘yon nung depressed stage ko, siguro maslalo akong mate-threaten o mas lalo akong kakabahan. Pero since I am doing this[Betty La Fea], alam ko na ito ang ibinigay sa akin ng Diyos. ‘Eto muna, ditomuna ako magko-concentrate. Siyempre, happy ako at mahal na mahal ko si DirekCathy [Garcia Molina], sobra!"

BEA'S DEPRESSION. Bakit siya na-depress?

"Kasi after Maging Sino Ka Man, wala silang [ABS-CBN] nilatag na project para saakin. Si Sam [Milby] at Anne [Curtis], may Dyosa na. Si John Lloyd, may A VerySpecial Love. Na-depress talaga ako noon. Sabi ko, ‘Ano ang gagawin ko? Hindiako puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan ko ng money para sa pamilya ko.' Soayun, na-depress ako.

"So, I had to ask sina Mr. M [Johnny Manahan] at si Tita Mariole paramakipag-meeting, para sabihin lang kung meron po ba kahit support lang.Wala silang masabi sa akin," kuwento niya.

Hindi siya nahiyang sabihin yun, considering na isa siya satop young actresses ng Kapamilya network?

"Oo, yun ang sinabi ko. Meron kasing meeting talaga. Wala silang masabi saakin. Yun pala, all along, alam na nila na gagawin ko yung Betty. Hindi langnila sinasabi sa akin."

Ano ang ginawa niya nung time na depressed siya?

"Nag-ano ako, belly dancing class ako. Nag-Singapore ako. Hindi naman sobrangdepressed na nagrebelde out of depression, ha. Yung depression na nasa utak ko,all the time iniisip ko kung ano ang gagawin ko. ‘Tapos meron pa akong naisipnoon na ano kaya kung mag-aral muna kaya ako? May ganung moment," pagsisiwalatni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman niya naisip na lumipat ng network?

"Hindi, loyal talaga ako sa Kapamilya. Naniniwala ako sa produkto natin," sagotniya.

Kailan nawala yung depression na naramdaman niya?

"Nung sinabi na nila sa akin, nung binigyan na nila ako ng re-assurance na,‘Dahil sa loyalty mo at dahil mahal na mahal mo ang trabaho mo, we're givingyou this. Eto yung reward namin.'"

Ano ang ginawa niya nang malaman niya na sa kanya na ibinigay ang I Love BettyLa Fea?

"Nag-party ako!" tawa niya. "Sumayaw ako ng belly dancing! Kasi sinasabi ko yunsa mga kaibigan ko. Sila yung mga ka-share ko. Sila yung mga kasama ko sa mgatrips ko."

Kasama ba rito ang kaibigan niya sa showbiz na si Shaina Magdayao?

"Hindi. Si Shaina kasi busy noon sa Lobo. ‘Kumare, ako na si Betty!' Ganun.Tuwang-tuwa kami. Nagkaroon kami ng drinking session sa bahay. For girls only,pero may mga guys din na classmates ko nung high school," saad ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN