Diana Zubiri knows nothing about the real score between Katrina Halili and Marvin Agustin

"Kami naman ni Kat, nagkakausap lang naman kamikapag may mga events ang GMA-7 at kapag sabay kaming nagge-guest sa isang show.Okey naman kami pero hindi kami super close. Kaya nakakahiya naman na bigla kona lang siyang tanungin about Marvin, ‘di ba? Parang hindi tama. Baka iba paang isipin niya, mahirap na. Kaya pabayaan na lang natin sila na mag-enjoy saisa't isa," says Diana Zubiri about Katrina Halili and Marvin Agustin.


Nangingiti na lang si Diana Zubiri kapag tinatanongsiya tungkol sa nababalitang panliligaw diumano ni Marvin Agustin kay KatrinaHalili.

Noong magsimula kasi ang GMA Sine Novela na Gaano Kadalas Ang Minsan ay nabalitangpinopormahan daw ni Marvin itong si Diana. Kahit nga may bali-balitang maynon-showbiz boyfriend si Diana, marami pa rin ang pumatol sa Diana-Marvin link atnakatulong naman iyon sa magandang ratings ng show.

Ngayon nga ay nabaling na ang pagtingin ni Marvinkay Katrina at ayon na rin kay Katrina ay madalas daw ang communication nilangayon ni Marvin.

Nang hingan ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ng komento si Diana, sinabi na lang nito na wala raw siyang alamtungkol sa Marvin at Katrina ligawan.

"Dapat ang tinatanong n'yo diyan si Marvin at hindiako," sabay ngiti ni Diana.

"Napanood ko naman yung mga sinabi ni Katrina atsiguro yun na nga ang nangyayari sa kanila. Pero as far as I am concerned,hindi naman nanligaw si Marvin sa akin, e. Gano'n lang talaga siya. Mabait atmalambing lang na tao si Marvin sa mga babae."

Dagdag din ni Diana na hindi naman daw sila gano'nka-close ni Katrina para matanong niya ito regarding kay Marvin. Kaya awkwarddaw kung bigla niya itong kausapin tungkol sa kumalat na tsismis.

"Kami naman ni Kat, nagkakausap lang naman kamikapag may mga events ang GMA-7 at kapag sabay kaming nagge-guest sa isang show.Okey naman kami pero hindi kami super close. Kilala n'yo naman ang mga closeko, ‘di ba?

"Kaya nakakahiya naman na bigla ko na lang siyangtanungin about Marvin, ‘di ba? Parang hindi tama. Baka iba pa ang isipin niya,mahirap na. Kaya pabayaan na lang natin sila na mag-enjoy sa isa't isa."

Tinanong na ba niya si Marvin tungkol dito?

"Hindi naman, kasi wala naman ‘yon sa isip ko kapagnagte-taping kami. Not unless si Marvin ang mag-open up, baka maging topic ofconversation namin iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman siya nagsasabi kaya bakit ko paiyon itatanong sa kanya, ‘di ba? Baka isipin pa niya na naninita ako! Bakitnaman, ‘di ba?" sabay tawa niya.

Anyway, natutuwa si Diana dahil ang taas ng ratingsparati ng Gaano Kadalas Ang Minsan.Magsu-shoot nga raw sila ng ilang eksena sa Hong Kong at doon kukunan ang ilangmatitinding highlights ng sine novela na ito ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN