Cory Quirino wants to win P1 million for her foundation

"I know that I am not a very good singer, but I ama performer. I consulted lots of people about me joining Celebrity Duets. They said nga na I should go for it kasi kungsakaling manalo ako, the money will go to my foundation. Marami pa kamingbatang mapag-aaral at maililigtas sa kapahamakan. Kaya I agreed to be one ofthe contestants," relates Cory Quirino.


Ang pagtulong sa mga batang pinag-aaral niya angunang naisip ng Health and Wellness icon na si Cory Quirino nang isali siyabilang isa sa mga contestants ng CelebrityDuets Season 2.

May isang foundation nga si Cory na tumutulong sapagpapaaral sa maraming street children. Malaking tulong nga raw ang isangmilyong pisong premyo sa kanyang foundation kapag siya ang nanalo.

"I know that I am not a very good singer, but I ama performer," ngiti pa ni Cory.

"I consulted lots of people about me joining Celebrity Duets. They said nga na Ishould go for it kasi kung sakaling manalo ako, the money will go to myfoundation. Marami pa kaming batang mapag-aaral at maililigtas sa kapahamakan.Kaya I agreed to be one of the contestants."

Para kay Cory, ang gusto niya sanang makasama kungsakaling makaabot siya sa Top 3 ay sina Melanie Marquez at Carlene Aguilar.Gusto nga raw nilang maiwan silang mga babae at maalis ang mga lalake.

"Yun ang naging usapan namin nina Melanie andCarlene. We want to ease out the boys to make room para sa aming mga babae. Butof course, you will never know how people will vote, ‘di ba? Iba-iba ang tasteat preference nila kaya mahirap masabi kung sino talaga. Kaya we will justenjoy ourselves sa show. It's a good way to entertain people."

At sa pagsali niya ng Celebrity Duets ay pagkakataon na niyang ma-promote na rin angkanyang beauty and health product na CocoZen. Ito ay mga produkto na guaranteedna magpapaganda sa kanila in a healthy way.

"Forever Young nga ang aking motto sa buhay and byusing all-natural ingredients like Virgin Coconut Oil, we are safe in purifyingourselves. Kaya lalabas na maganda at bata tayo sa paningin ng marami."

Magiging available ang kanyang mga produkto saibubukas na health store ni Cory na Cory's World Of Wellness sa second floor ngV Mall in Greenhills. Isa itong one-stop-shop para sa mga all-natural productspara sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lifestyle show din pala si Cory sa ANC Channeltitled The Good Life With Cory Quirino. Every Sunday ito at10:00 to 11:00 a.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN