John Lloyd Cruz is happy playing support to Bea Alonzo

"Oo naman, kayang-kaya kong sabihin na walangproblema sa akin yun. Without batting an eyelash. Wala kasing kaso sa akin yun.Kasi ako, alam ko, ngayon kami ni Bea mula pa noon hanggang ngayon and in thefuture, gagawa kami ng project or separately, alam ko sa sarili ko, kahit titlerole, pareho lang tayo. Ganoon kami. Hindi namin pinaparamdam sa isa't isa namas mataas ako sa ‘yo or show ko ‘to," says John Lloyd Cruz regarding playingsup


Noong huling makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz, he was sovocal saying na kung meron man daw siyang gustong gawin ngayon, ito ay angmatuloy na niyang gawin ang pelikula niya with Gov. Vilma Santos-Recto.

Sa pagkukuwento nga ni John Lloyd during the pressconference for I Love Betty La Fea saEcomoda Manila Studio sa 11th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN, mukhangmaga-grant na nga ang wish na ito ni John Lloyd.

Aniya, "Mauunang mag-shoot yung movie with Gov. Vi.By November, pupunta kami ng New York para mag-shoot. Ang huli kongnarinig sa Star Cinema, mauunang mag-shoot ang Vilma movie in terms of filming,pero, sa ipapalabas, kasi, Valentine's presentation yung Sarah Geronimo movienaming muli."

Dahil sa sinabing yun ni John Lloyd, pumasok agadsa isipan ng entertainment press ang possibility na magkakatapatan angKC-Richard movie na pang-Valentine's offering at produce naman ng GMA Filmsthis time sa isang Star Cinema Valentine's offering.

Pero ayon kay John Lloyd, "Well, hindi ko alam kunghead-on talaga ang pagtatapat. Feeling ko naman, may magbibigay."

JOHN LLOYD IS ARMANDO. Wala nangang duda, si John Lloyd Cruz na nga ang official na napili to play the roleof "Armando" in I Love Betty La-Feaas Bea Alonzo's leading man. At dahil ilang beses na siyang tinanong tungkoldito in the past, pero, patuloy niyang sinasabing wala pa siyang alam, idinipensani John Lloyd ang sarili na hindi naman panloloko yun sa part nila.

"Hindi naman kami nanloko. Nalaman ko naman talagabago ipalabas yung A Very Special Loveand siyempre, kailangan din naman akong maintindihan na kailangan kongpangalagaan yung kapakanan ng pelikula.

"Secondly, ginawa nilang in sequence, e. Inuna siBea na ipakilala dahil siyempre, siya si Betty La Fea. Then, si Ruffa Gutierrezand then, Vhong Navarro. ‘Tapos, ako. So, parang may ganoong effect."

Binigyang-linaw rin ni John Lloyd ang impression sakanya noong una na tila hindi siya ganoon ka-happy na ang role ni Armando anggagawin niya at ang Betty La Feaang next project niya. May nagsabi pang kung si John Lloyd ang masusunod, masgusto niyang iba naman sana ang material na gagawin niya at makakapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yung dati kasi, noong hindi ko pa alam, kungpapamiliin ka, baka puwedeng...kasi, meron kang sarili na gusto mong mangyari.Pero, kapag hinarap na sa ‘yo, sa palad mo. Yung offer, yung story, yungcharacter, mapapaisip ka rin, e. Parang sa part mo, maggo-go rin yung isine-setmo.

"At sa akin, malaking impact talaga sa akin namarami ang naghihintay sa amin. Marami ang naghahanap ng project na kami pa rinni Bea ang magkasama."

Pero hindi nga maikakaila na ang clamor talaga ngtao kahit maraming leading men ng Kapamilya network na pinagpipilian, siya parin talaga ang majority choice. At natutuwa nga raw rito.

"Ang balita ko nga, nagkaroon ng parang voting, at yun,lumabas nga raw na ang laki nga raw ng diperensiya sa boto. E, siyempre,ako naman, gusto ko lang ibalik. For eight years nga, sinuportahan kami ni Beabilang team-up."

Dugtong pa niya, "Kasi, hindi sila naging masaya saMaging Sino Ka Man, yung expectationnila, parang hindi na-meet. So, ito, panibagong vehicle para sa team-up naminna talagang nanggigigil sila na please, gawin n'yo ‘yan, gawin n'yo yan!

"At ayaw naman naming i-let down yung mga sumuportasa amin sa loob ng ganoong kahabang panahon. And somehow, we owe it tothem. Ang laki ng ginampanan nilang papel sa amin kung kaya kami tumagal ngganito katagal na panahon."

HAPPY SUPPORTING BEA. Masaya namandaw siya na this time, lumalabas na mas suporta naman siya ngayon kay BeaAlonzo kung ikukumpara nga naman from their past soap-opera na tila siya yungmas title role or mas highlighted.

"Oo naman, kayang-kaya kong sabihin na walangproblema sa akin yun. Without batting an eyelash. Wala kasing kaso sa akin yun.Kasi ako, alam ko, ngayon kami ni Bea mula pa noon hanggang ngayon and in thefuture, gagawa kami ng project or separately, alam ko sa sarili ko, kahit titlerole, pareho lang tayo. Ganoon kami. Hindi namin pinaparamdam sa isa't isa namas mataas ako sa ‘yo or show ko ‘to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman niya inalis na malaking factor din saconfidence na meron siya ngayon, ang pagiging super hit ng recent movie nganiya with Sarah kunsaan, na-test niyang kahit outside the love team, kaya namanpala niya.

"Oo, siguro malaking factor rin yun. Kasi kunghindi ko pa kaya, parang baka medyo may insecurities ng konti. Parang bakitganyan? Pero siyempre, in every team-up naman, lalaki at babae, unahin mo angbabae, suportahan mo ang babae. Lalaki ka, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN