Ruffa Gutierrez plays mean boss to Bea Alonzo in "I Love Betty La Fea"

"Well, yung pagiging kontrabida ko rito, hindinaman ako yung nananampal. Hindi ko naman tinutusok ang mga mata ni Bea.Talagang kinaiinisan ko lang siya kasi nga gusto kong maging presidente ng EcoModa. And si Betty is getting in my way sa paghihiganti ko kay Armando [JohnLloyd Cruz]. So, gusto ko siyang mawala sa buhay ko. Medyo mean ako kasisinasabihan ko siya ng pangit. Pero walang masyadong pisikalan," Ruffa Gutierrez describes her role in I


Medyo nag-aalala pala si Ruffa Gutierrez samagiging reaksyon ng mga anak niyang sina Lorin at Venice kapag napanood na angnot-so-good-girl role niya sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, I Love Betty La Fea.

"I'm sure magre-react sila kasi every time there'sa bad person, sasabihin nila, ‘Mommy, that person is bad!' Natatakot ako nabaka sabihan nila ako na, ‘Mommy, you're so bad!' So, ni-ready ko na angsarili ko sa isasagot ko, ‘Mommy is bad today, but tomorow I will begood.'" Ito ang pahayag ni Ruffa nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal ).

As Daniella Valencia, si Ruffanga ang numero unong kontrabida ni Betty (Bea Alonzo).

"Yes, pero sa umpisa lang naman mataray ang roleko. May redeeming factor din in the end kung bakit ganun ang character ko, kayakailangang panoorin nila.

"Well, yung pagiging kontrabida ko rito, hindinaman ako yung nananampal. Hindi ko naman tinutusok ang mga mata ni Bea.Talagang kinaiinisan ko lang siya kasi nga gusto kong maging presidente ng EcoModa. And Betty is getting in my way sa paghihiganti ko kay Armando [JohnLloyd Cruz]. So, gusto ko siyang mawala sa buhay ko. Medyo mean ako kasisinasabihan ko siya ng pangit. Pero walang masyadong pisikalan."

Nilinaw din ni Ruffa ang intriga na una rawin-offer kay Gretchen Barretto ang role na Daniella.

"You know, when I asked Deo [Endrinal, ABS-CBNBusiness Unit Head] about it, he said 'No'. It was really meant for me. Pero ifthis role was offered to anyone else, I'm sure this role will be veryinteresting to portray. Ang importante, hindi naman kung sino ang unang choice,e, kundi kung sino ang final choice at kasama talaga sa show."

Bilang beauty queen, certified model, at fashionicon, talagang perfect kay Ruffa ang role ng maganda, sopistikada, atistriktong superior ni Betty sa Eco Moda.

Sa press launch nga ng I Love Betty La Fea sa 11th floor ng ELJ Bldg. saABS-CBN, na nagsisilbi ring Eco Moda office, kitang-kita ang pagiging glamorosani Ruffa sa kanyang suot na damit at mga alahas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, para ma-feel ko talaga na Daniella angrole ko," ani Ruffa.

Excited na nga raw siyang makipagtagisan ng galingwith Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, and the rest of the cast.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN