FIRST READ ON PEP: Ely Buendia rushed to hospital in the middle of Eraserheads reunion concert

Rock singer Ely Buendia was rushed to the hospital in the middle of his reunion concert with Eraserheads earlier tonight, August 30, at the Global City Open Field The Fort, Taguig City.



Nakatanggap ng report ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) kani-kanina lang na isinugod daw sa hospital ang frontman ngPupil na si Ely Buendia sa kalagitnaan ng reunion concert ng Eraserheadsngayong gabi, August 30, sa Global City Open Field The Fort, Taguig City.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP, paos at mukhangmatamlay si Ely habang nagpe-perform kasama ng kanyang mga dating kabandasa Eraserheads na sina Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro. Pagkatapos ng 15 songs ay nagkaroon daw ng break bago angsecond set.

Dapat sana ay magtatagal lamang ng 20 minutes ang break, pero ilang minuto pagkatapos ng takdang oras ay lumabas sina Raimund, Buddy, at Marcus kasama ang kapatid ni Ely na si Lally, na siyang nag-announce na hindi na rawtatapusin ang concert dahil isinugod sa hospital ang singer.

Ani Lally, "Because of the emotional and physical stress that he's experiencing, we apologize for cutting the concert short. My brother had to be rushed to the hospital for medical attention. Again we apologize and we thank all of you for coming here tonight."

Dinala si Ely sa Makati Medical Center for treatment and observation.

Matatandaang noong January 7, 2007 ay inatake sa puso si Ely nang minsangmag-perform ang bago niyang banda na Pupil sa Laguna.

Dalawang araw bago ang reunion concert ng Eraserheads, noongAugust 28, ay sumakabilang-buhay ang ina ni Ely na si Mrs. Lisette Buendia.

Abangan ang mga karagdagang impormasyon sa kalagayan ni Elysa mga susunod na report ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN