Wendell Ramos feels this is the right time for him to play leading man

"Kaka-thirty ko lang this August 18. Actually,hinintay ko rin ang right age for me. Parang feeling ko, ‘eto na angpang-leading man. So, that's why, nailagay rin ako sa mga ganitong roles.Parang feeling ko kasi, hindi naman sa inaano ko, pero kung 22 or 25 years old,para magdala ng mabigat na problema sa mga eksena, parang hindi pa napaka-realistic.So, feeling ko, itong age ko na ‘to, itong time ko na ‘to, ideal age sa mganamumroblem


First time ni Wendell Ramos na makatrabaho siMaxene Magalona. As for Angelika dela Cruz, nagkatrabaho na raw sila nito noongmga dating GMA shows pa like CampusRomance, bago lumipat ang mestisang dalaga sa kabilang istasyon.

For Una KangNaging Akin, Angelika plays the first woman na inibig at pinangakuan ngkasal ni Wendell, habang si Maxene naman ang pangalawang inibig ng character niWendell matapos itong mawalan ng memorya dahil sa isang sakuna.

KISSING SCENES. Nangiti si Wendell bagosinagot ang tanong na kung ano ang pakiramdam kapag may bagong ka-kissingscene. Aniya, "Ako kasi, kapag ganoong eksena, like mga kissing scene, forexample, ako ang Darwin [his character in the soap] doon. So, ang feeling ko,bago lang ulit.

"At saka, lahat naman ng ginagawa ko, in characterako kasi, kung hindi, hindi rin naman lulusot kay Direk Joel Lamangan yun."

Aminado si Wendell nailang siya nung una sa kissingscene nila ni Maxene.

"Well ako, nailang ako ng konti...siyempre, si Maxeneyun, ‘tapos, kilala ko ang dad niya. Yun lang naman ang pumasok sa akin. Perofirst take lang naman, usually ganoon naman kasi, simple lang naman ang kissingscene. Yun na nga ang sinasabi ko na, kapag nandoon ka sa character mo,makikita na totoo ang ginagawa mo. Ngayon, kung hindi ka masyadong naka-focus,baka makita rin."

Ayon pa kay Wendell, kalog din daw pala si Maxenetulad ng daddy nito na si Francis Magalona. Hindi rin daw niya nakitangnadadala ni Maxene ang kung anumang mabigat na nararamdaman nito dahil sakalagayan ng ama ngayon.

"Well, yun ang hindi ko naman nakita sa kanya.Hindi ko naman alam kung bakit. Actually, sinabi pa nga niya sa akinbefore kaming mag-start ng kissing scene, ‘Uy, kamusta ka raw sabi ni Daddy.'

"Sabi ko, ‘Okey naman...' nag-joke lang siya siguro.Which is okay naman, at least, relaxed lang kami pareho," natatawa niyangkuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOING HIS OWN ATTACK. In playingthe role of Darwin, Wendell opted not to watch Gabby Concepcion's portrayal ofthe character in the original movie version. Nagiging style na nga yata ng mgaartistang nagre-remake ng movie na huwag manood ng original version tulad nganitong si Wendell.

"Hindi ko pa pinanood yung original na Una Kang Naging Akin dahil baka magingconscious ako sa mga scenes na gagawin ko. So, nag-rely lang ako sa script atsa story. At sa tingin ko, mas effective na yun."

Sey pa niya, "Kung hindi man maging ganoon kabigat yungmagagawa mo sa isang eksena, at least, may sariling atake mo. Kung hindi moalam, at least, hindi ka magiging conscious."

Nagulat si Wendell nang sabihin sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) during the press launch of Una Kang Naging Akin sa Mandarin Suitessa Gateway in Araneta Center, na very vocal si Gabby sa pagsasabing ang Una Kang Naging Akin ang isa sa favoriteniya among his films.

"Wow! Talaga?! E, di mas masarap! Masgagalingan ko pa siguro."

STEADY LOVE LIFE. Masaya si Wendell dahilsa mga nangyayari raw sa kanyang career. He felt so blessed as far as hiscareer is concerned. Although, when it comes to his love life, halatangnapakatipid na nitong magsalita after sabihing "steady" lang ang love life niya.In-attempt bigla ni Wendell na ibalik ang usapan sa Una Kang Naging Akin sa pamamagitan ng pagsasabing maganda talagaang soap.

Kinumpirma naman niyang ang tinutukoy niyang steadylove life ay hindi na ang ina ng anak dahil matagal na raw silang wala nito.

Basta masaya raw siya na at this point, he's stillgetting good roles.

"Kaka-thirty ko lang this August 18. Actually,hinintay ko rin ang right age for me. Parang feeling ko, ‘eto na angpang-leading man. So, that's why, nailagay rin ako sa mga ganitong roles.Parang feeling ko kasi, hindi naman sa inaano ko, pero kung 22 or 25 years old,para magdala ng mabigat na problema sa mga eksena, parang hindi pa napaka-realistic.So, feeling ko, itong age ko na ‘to, itong time ko na ‘to, ideal age sa mganamumroblema on love life, life..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakapag-guest na rin daw siya before sa ilangshows ng Kapamilya network, pero Wendell can claim na he's really a Kapuso eversince kaya masasabi raw niyang it pays to be loyal talaga.

"Sobra! Kaya sobrang thankful ako na part ako ngKapuso."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN