John Lloyd Cruz says quick follow-up to "A Very Special Love" not good idea

"Hindi.Kasi, yun nga sinabi ko, parang, kasi nakakatakot na ‘pag naging successful pa,nakakatakot na yung pressure na kung hindi mo mapantayan, dapat lampasan mo. E, di ba bihira sa mga sequel yung mapantayan o malampasan yung partone? ‘Tsaka parang tinodo mo na yung kilig, ano pa ang maibibigay namin?" John Lloyd Cruz explains why he objects to a sequel for "A Very Special Love."


"All of a sudden, I'm a star!" bulalas na biro ni John Lloyd Cruz nang kunin ngPEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon niya sa maraming titulo na ikinakabitsa pangalan niya, gaya ng Box-Office King at ng "Billion-Peso Man" dahil sa matagumpay na endorsement niya ng Biogesic.

Sa kabila nito, walang pressure na nararamdaman si John Lloyd sa mga title na ibinibigaysa kanya.

"Ano lang ‘yan, title. Pero, siyempre, laging masarap ang pakiramdam kapag may mgamagagandang title na naa-associate sa pangalan mo. Pero, siyempre, katumbas noon,may mabibigat din na expectations. Kasi para bang ang susunod mong pelikula,kung hindi niya mapantayan, dapat malampasan man lang. Dapat malampansan yunghuli mong ginawa.

"So, hindi siya madaling marating. Maganda po pero hindi siya madaling marinig,and, ah, well... pasalamat. Maraming salamat dahil tuluy-tuloy ang blessings.Tuluy-tuloy ang magagandang nagyayari. Para bang hindi tumitigil.

"Pinag-usapan nga ng makeup artist ko at ako nung isang beses, parang kapagnagkatrabaho, sunud-sunod. Parang hindi puwede yung tama lang. 'Pag nagkaroonka ng trabaho, dagsa naman. Yung sa akin, when it rains, it pours."

Mas okey na yun kesa wala siyang ginagawa, di ba?

"Oo, pero ayoko namang mangyari na mapabayaan yung iba, yung ibang trabahobecause more often than not may nasasakripisyo ka, e. May isa nanapapabayaan. So, dapat mas maalaga. Doble ang effort. So, ganun na lang kesa wala."

BETTYLA FEA. Dahil sa sunud-sunod na success ni John Lloyd this year, maramiang umaasang magiging Number One din ang bagong teleserye nila ni Bea Alonzo sa ABS-CBN, I Love Betty La Fea, na magsisimula na sa September 8.

"Ewan ko lang. Kagaya ng ano, kahit na anong project na lumalabas, hindi namantayo nag-e-aim na maging head, e. Ang gusto lang namin na maibigay, yungmapagdaanan muna yung project bago ka umasa na maging Number One or magingbox-office. Kumbaga, nandun ang focus namin. Nandun ang focus na pagandahinmuna. Ngayon, kung medyo confident ka na sa maibibigay mo, then you hope na sanapo tangkilikin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napilitan lang ba siya na tanggapin ang role na Armando sa I Love Betty La Fea?

"Ay, hindi. Sino ba ang tatanggi sa ganito kalaking project?

"Ang daming pangalan na sumulpot dito, e. May Gabby Concepcion, may Diether Ocampo; of course, may JakeCuenca. May Sam Milby pa. Pero ano, e,kung ano yung dumating sa ‘yo, siyempre trabaho ‘yan, gagawin mo. Pero ito yungmga tipo na gusto mo talagang magawa kasi hindi naman...sa tingin mo sageneration namin, makakagawa kami ng BettyLa Fea?

"Kumbaga, somehow this will go down in history, e. So, siyempre gusto mongmapasama. Gusto mong hindi ka lang basta napasama, ang laki pa ng role mo. So,I couldn't be happier."

Kabilang din sa mga dahilan kung bakit gusto niya talaga ang proyektong Betty La Fea ay bilang suporta sa kanyang leading lady na si BeaAlonzo.

"Hindi kasi, maraming nagkukuwestyon noon na parang bakit ka pumayag? Eightyears kaming magkasama, nagtulungan kami. May mga naibigay ako sa kanya at siya,may naibigay sa akin na hindi ko maaaring naibigay sa kanya along the process.Kumbaga, ngayon nagkakaroon ka ng pagkakataon, gusto mong magbalik doon sa tao.‘Eto kulang pa ‘to. Kulang pa itong isang show. Yun lang.

"Pagbabalik lang kay Bea. Kasi ganun naman ‘yon, e. Kumbaga, nagtulungan kami.Tinulungan niya ako. Itong Betty La Feana ito, parang isang project lang ito at hindi pa...kung anumang tulong angmagawa kong tulong dito, sa show niya na ‘to, kulang pa ‘yan."

So, kinu-consider niya na show ito ni Bea at hindi sa kanilang dalawa?

"Oo, ito, show niya talaga. Walang kaso sa akin yun. Ako naman kasinagagawa ko pa rin ang gusto kong gawin, lalo na sa pelikula. Mas malawakang option ko sa pelikula. Ito, sustaining namin and kasama siya, and Idon't mind kung siya ang bida dito."

BILLION-PESO MAN. Ano namanang feeling na tinawag siyang "Billion-Peso Man"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, nagkataon lang na ako ang napiling endorser, pero ang ugat naman nitoyung campaign na ‘Ingat,' e. Sobrang lakas nung ‘Ingat' campaign, nung impactnoon. Sa tingin ko, kahit na sinong ilagay mong endorser, naku...papatok!

"Ang laki ng naging papel nung campaign, e. Yung ‘Ingat' campaign.Nakatulong ng konti ang pangalan ko, konti lang. Pero hindi, ‘no. I'mhappy na umabot nga nung lumabas yung campaign namin, nag-skyrocket daw yungsales. To a point na umabot siya ng P1 billion worth."

Ano ang mas feel niya na title, Box-Office King, Billion Peso Man oMulti-Awarded Actor?

"Ang gusto ko yung ano, Star of the Night," biro ni John Lloyd.

"Mahirap po kasi yung may mga title, e. Masarap pakinggan yung may mga title,pero kumbaga, e, title lang yun. Kasabay noon ay mabibigat naexpectations. Kagaya noon, may title ka nga na ganyan, wala ka namangpinupuntahan."

EXCITED TO DO THE SECOND. Excited naba siya sa second movie nila ni Sarah?

"Excited ako kasi galing kami sa napalaking success nung A Very Special Love.So, may mga tao na parang siyempre nabitin, so, parang gusto mo pang bigyan.Kami in a way, parang nabitin din kami. Parang gusto pa rin, kami."

Masasabi ba niya na nabitin siya kay Sarah?

"Hindi...he-he-he. Sa pelikula."

Sa second movie ba nila ni Sarah may kissing scene na sila at hindi na siyamagnanakaw ng halik?

"E, na kay Tita Divine [Sarah's mom] yun. Wala na sa aking mga kamay ‘yan."

Nag-uusap pa ba sila ni Sarah after the movie?

"Oo, nagkikita kami sa ASAP '08 everySunday."

Napag-usapan na ba nila ang tungkol sa follow-up movie ng A Very Special Love?

"Oo, pero siyempre, hindi na kagaya nung dati. Kasi dati, halos araw-arawmagkasama kami. ‘Tsaka talagang magkalapit kami. Lagi kaming nagkikita sa set,sa mga standby areas, sa dressing room. Ngayon kasi sa ASAP kahit nagkikita kami, walang masyadong time namakipagkwentuhan, kasi si Sarah mismo, gusto niyang mag-focus sa ASAP, e. Kasi hindi biro yung ginagawaniya sa ASAP. Ilang numbers siyadoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT YET. Personally, gusto rin baniyang magkaroon sila ulit agad ng movie ni Sarah?

"Hindi. Kasi, yun nga sinabi ko, parang, kasi nakakatakot na ‘pag nagingsuccessful pa, nakakatakot na yung pressure na kung hindi mo mapantayan, dapatlampasan mo. E, parang...di ba bihira sa mga sequel yung mapantayan omalampasan yung part one. ‘Tsaka parang tinodo mo na yung kilig, ano pa angmaibibigay namin?

"So, sana, nakakatakot lang. Pero kung ako talaga ang papipiliin, huwag na muna. Iwan muna natin doon sa ganun kataas. Pero hayaan momuna na makagawa kami ng ibang pelikula na iba ang kapartner tapos kamiulit. Pero siyempre kagaya ng kahit na anong successful na movie,kailangan mong sundan. So, ayun," tapos ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN