Krista Ranillo's dad wants her to marry at age 40

"Minsansabi ko, ‘Ano'ng nangyayari dito?' Parang nababaliw na ‘ata siya. Sabi ko,‘Daddy, paano ‘yan hindi na ako puwedeng mag-anak? Sabi niya, ‘Hindi, okey lang yun.Ganun talaga ang buhay.' Sinasabi niya namagtatago na raw siya sa Amerika. Hindi ko raw siya mahahanap ‘pag nag-asawa naako," relates Krista Ranillo about dad Matt Ranillo III. Krista says her fatheris overprotective and actually wants her to


Ginulat ni Krista Ranillo ang showbiz sa kanyang pagbabalik with a moremature image, di tulad ng nakilala ng publiko four years ago. Patiang ama niya at dating matinee idol na si Matt Ranillo III ay nag-react saginawa niyang pagpapaseksi sa kanyang comeback movie na Paupahan at sa sexy men's magazine na FHM. Kinuwento agad ni Krista kung bakit siya pumayag sa sexy photoshoot ng nabanggit na men's magazine.

"Bakit ako pumayag? Kasi maganda yung concept nila. Yung concept nila Sports Illustrated, so, nag-shootkami sa beach. ‘Tapos two piece lang, ganun," simula ni Krista nangmakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Your Song Presents Someone Like You, na magsisimula na ngayong Linggo at mapapanod sabuong buwan ng Setyembre sa ABS-CBN.

May bayad ba siya sa pag-pose niya sa FHM?

"'Pagcover, wala. Pero ngayon nagpo-promote kami. Kunyari radio tour,autograph signing may bayad na po siya. Thankful nga ako dahil tatlo ang autographsigning ko. Yung iba nga isa lang, e."

Binigyan na ba siya ng ultimatum ng Daddy Matt niya na last na angpagpapaseksing ginawa niya sa FHM?

"Hindi, hindi naman. Yun nga ang sabi ko sa kanya, ‘Buksanmo na, tingnan mo na. Kasi kapag hindi mo nakikita kung ano yung sa loob,lalo kang mag-iisip.'

"Hay, naku, ano kaya yun? Ayaw niyang buksan yung magazine. Cover lang angnakita niya. Pero ang mommy ko, okey siya. Mas supportive naman siya."

THE "PASAWAY" RANILLO. Okey din baang ibang members ng Ranillo family sa ginawa niyang pagpapaseksi?

"Ewan ko. Galit na ‘ata sila," natatawang sabi ni Krista.

"Yung lola ko [veteran actress Gloria Sevilla] kasi, nasa States.Babalik pa lang ‘ata this week. Nung lumabas yung magazine medyo nagulat dinsiya."

So, siya ang pasaway sa mga Ranillo?

"Yun ang feeling nila, oo. Kasi feeling nila hindi naman kailangan dahilkasi nga nakapagtapos naman ako. ‘Tapos they are all saying na, ‘O,mag-office work ka na lang.' E, hindi ko naman talaga hilig."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Feeling siguro ng mga kamag-anak niya, nilagyan niya ng bahid-dungis angpangalan ng mga Ranillo sa showbiz.

"Well, siguro sa impression na kasi dahil sa pelikula, sa FHM. Pero in the end naman, doon sa mga nakapanood ng pelikula,nagandahan naman sila. Hindi naman sila nalaswaan. Siguro first impressionlang."

BakitInterdisciplinary Studies ang kinuha at tinapos niyang kurso sa Ateneo deManila University?

"Uhm... Com [Communications] and Psychology. Kasi nga gusto kong pumasok sahosting, ganun."

Ano naman ang nakakagulat na susunod niyang gagawin?

"Wala na. ‘Tsaka ayoko na puro ganun ang gagawin ko. Kaya nga after that,nakapag-MMK [Maalaala Mo Kaya]ako with Direk Don Cuaresma rin [direktor din niya sa Your Song Presents Someone Like You]. ‘Tapos nakapag-Your Song ako. Nag-host din akotwice sa TV Patrol World."

Type ba ni Krista na maging regular host ng TV Patrol World?

"Oo naman."

DIREK DOM IS COOL ABOUT IT. Samantala,kung tutol ang kanyang Daddy Matt sa sexy image niya, wala namandaw limitasyon sa kanya ang boyfriend niya na si Direk DominicZapata.

"Ay, wala. Sa kanya naman, thankful ako na supportive siya. Nakakaloka rin kungpati siya ganun [like her dad]. Pero ano, medyo conservative din naman si DirekDom.

"Sabi niya, bibilhin daw niya lahat ng magazine para wala nang ibang makakita.‘Tsaka in fairness pinu-promote naman niya sa staff, ‘O, bili kayo pero huwagninyong buksan. Kung gusto ninyong magpa-autograph, bigay n'yo sa akin. Dapatnaka-seal pa rin ‘yan.' Ganun siya."

MARRYING AGE: 40. Seven years na angrelasyon nina Krista at Direk Dom. Pero gusto ng Daddy Matt ni Krista na mag-asawasiya at the age of 40.

"Ganun talaga siya. Marami siyang threat sa akin na seryoso talaga siya. Kasisiya yung type na kapag nakakapanood ng mga Father of the Bride, tatabi ‘yan sa kama ko, iiyakan ako.

"Minsan sabi ko, ‘Ano'ng nangyayari dito?' Parang nababaliw na ‘ata siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘Daddy, paano ‘yan, hindi na ako puwedeng mag-anak?'" Dahil nga anggusto ni Matt ay 40 na siya mag-asawa. "Sabi niya, ‘Hindi, okey lang yun. Ganuntalaga ang buhay.' Sinasabi niya na magtatago naraw siya sa Amerika. Hindi ko raw siya mahahanap ‘pag nag-asawa na ako."

Bakit overprotective ang Daddy Matt niya sa kanya?

"Hindi ko nga alam, e. Panganay kasi. ‘Tapos nag-stop talaga siya sapag-aartista. Nung ipinanganak ako at the peak of his career, nag-stop siya.Kasi he wanted to be a father. May mga ganun siya."

Payag ba si Direk Dom na pag-40 na sila magpakasal?

"Well, si Dominic malapit nang mag-40 kaya hindi ko alam sa kanya."

Sa Daddy Matt pa rin ba niya siya nakatira?

"Yes. Doon pa rin naman ako umuuwi talaga."

May tsismis na nagli-live na sila ni Direk Dom.

"Ay, hindi. No. Doon pa rin ako umuuwi sa bahay ng parents ko."

Pabor ba ang Daddy Matt niya sa relasyon niya kay Direk Dom?

"Hindi, pero matagal. Kasi magse-seven years na kami. Siguro first five yearsmahirap talaga. May curfew. Dati wala akong curfew. Nung naging boyfriendko si Dom, curfew ko, 12 pm. Kasama ang kapatid ko, si Kevin."

DIREK DOM PAYS FOR EVERYTHING? Maytsismis din na si Direk Dom daw ang gumastos sa pag-aaral niya. Totoo ba?

"Ay, hindi. Ako yung, actually, yung na-save ko nung nag-aartista ako, ‘yun angpinanggastos ko sa school ko. Hindi niya ako tinutustusan."

Dagdag pa sa tsismis na si Direk Dom na rin daw ang gumagastos sa pamilyaniya.

"Ay, hindi naman. Hindi naman siya ganun kayaman."

Pero marami bang pera si Direk Dom?

"Hindi ko alam. Siguro naman, kasi matagal na siyang nagdidirek. Pero in termsof house, he doesn't have his own house pa naman. Nakatira pa rin siya saparents niya."

Gusto na ba niyang magpakasal?

"Hmmm... 24 pa lang ako, e. Hindi pa naman. Gusto ko ngayon, focus na lang munasa pagka-comeback."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN