Ogie Alcasid to stage a back-to-back concert with "American Idol" finalist Ramiele Malubay

Although Ogie Alcasid has yet to stage his anniversary concert twenty/Twenty, he has already a follow-up major concert to be held on December, this time with American Idol finalist Ramiele Malubay.



Noong August 27 ang actual 41st birthday ngsinger-comedian na si Ogie Alcasid, pero ngayong araw, August 31, lang siyanakapag-celebrate. Noon kasing mismong araw ng kanyang kaarawan ay nag-guest si Ogie sabirthday blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum.

Nasa rehearsal ng Let's Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blowout! ang PEP nang batiinnina Direk Louie Ignacio, Marian, at Dingdong si Ogie ng happy birthday overthe phone. Katabi rin namin ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong, nang batiinnito ang singer-composer ng happy birthday.

Through Perry, inalam ng PEP kay Ogie kung ano ang birthdaygift sa kanya ng kasintahan niyang si Regine Velasquez. Pero maliban sasinabing "mahal," wala na itong ibang sinabi. Kinulit namin ang singer-comedianhangga't hindi nalalaman kung ano ang regalo ni Regine sa kanyang "honey."Finally, may nakapagsabing Nikon camera ang ibinigay ni Regine sa nobyo, perobawal nang alamin kung magkano.

Nagpo-promote pa lang si Ogie ng kanyang Twenty/Twenty concertsa September 27 sa Araneta Coliseum, pero pinaghahandaan na rin ang susunodniyang major concert na gagawin sa Aliw Theater saDecember 20 and 21.

Billed as Ogie Sings with the Idols, makakasama niyarito si Ramiele Malubay, ang Fil-Am na pumasok sa Top 12 ng Season 7 ng AmericanIdol. Ang unang balita sa PEP ay back-to-back concert ito nina Ogie atRamiele at kaya plural yung Idols sa title ay dahil kasama rin si DannyNoriega, na nakasama ni Ramiele sa Top 24 ng American Idol at BFF o BestFriend Forever ng Fil-Am singer.

Guests din ang first Pinoy Idol winner na si Gretchen Espinaat si Robby Navarro, isa sa bets ni Ogie na pumasok sa Top 12, pero agadnatanggal.

Ipagpu-produce ni Ogie ng album si Robby together with KidCamaya and Penelope. Hindi rin na siguro magugulat ang mga tao kung isama narin ni Ogie sina Kid at Penelope sa Ogie Sings with the Idols. Advancepromo na rin ng album ng tatlo na sabi ay inaayos na and, hopefully, ma-releasethis year dahil hinihintay ng fans ng tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang hindi pa nakukukumpirma ng PEP ay kung totoong bukod satwo-night concert nila ni Ogie, kaya bibisita ng Pilipinas si Ramiele ay parapumirma ng recording contract. Aling record company kaya ang nag-offer ngrecording deal sa dalaga?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN