Michelle Madrigal breezes through Central Jury's Killer Question and Killer Task

In ShowbizCentral yesterday, Michelle Madrigal gamely answered the Killer Questionand the Killer Task in the show's "Central Jury" portion. The Killer Question involvedher mother former sexy star Karla Kahlua, while the Killer Task involved her Dyesebel co-star Bianca King.


Bongga si Michelle Madrigal. Hindi siya pumili between Killer Question at KillerTask nang humarap siya sa "Central Jury" ng ShowbizCentral kahapon, August 31. Instead, sinagot niya ang Killer Question at ginawa rin niya ang Killer Task.

Pero bago 'yon, in-interview muna si Michelle ng "CentralJury" hosts na sina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister.

Inintriga agad ng dalawang hosts si Michelle nangtanungin kung nagbatian daw ba sila ni Pauleen Luna, na guest naman sa"Don't Lie To Me" portion ni John "Sweet" Lapus that same afternoon. Nakita naraw kasi nina Rufa Mae at DJ Mo si Pauleen na nasa backstage na, bago pa sumalang sa "CentralJury" si Michelle. Nilinaw rin ng dalawang hosts kay Michelle kung si JC de Veraba ang dahilan ng away nila ni Pauleen.

"No, hindi kami nagpansinan," nakangitingsagot ni Michelle. "Hindi si JC ang dahilan ng pag-aaway namin. Ayokona sanang ungkatin pa, pero para sa ikalilinaw ng lahat, naunang naginggirlfriend ni JC si Pauleen bago naging kami ni JC. Ang pinag-awayannamin, iyong pinagbintangan niya [Pauleen] akong tumatawag daw ako kay JC noong sila pangdalawa. Pero hayaan na natin 'yon."

Si Yasmien [Kurdi], nagbabatian ba sila, hindi basiya nagseselos na ito ang laging ka-love team ni JC?

"Si Yas, hindi man kami best of friends, perofriend ko siya at nagbabatian kami kapag nagkikita. Wala akong pagseselossa kanya, 'tsaka matagal na rin kaming wala ni JC. Friends na lang talaga kamingayon," paliwanag ni Michelle.

Gusto pala siyang alisin ng manager niyang siAnnabelle Rama sa Dyesebel dahilgusto raw siyang ilayo kay Marco Alcaraz na kasama niya sa show, pero hindi rawpumayag si Michelle.

"Hindi totoo 'yon, hindi naman nanligaw saakin si Marco. Masaya lang kaming magkakasama sa pagte-taping ng Dyesebel," ani Michelle.

Ang alam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)noon pa, mula na rin kay Annabelle, gusto raw sana niyang ipapatay angcharacter ni Michelle sa Dyesebel, dahilgusto niyang ilipat ito sa Codename:Asero ni Richard Gutierrez sa GMA-7. Pero hindi pumayag si Michelleat sinabi niya sa kanyang manager na type niyang gumanap na sirena, at sakanaghirap na rin siya sa pagte-training noon, with Marian Rivera, ng paglangoyng isang sirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagagalit na raw sa kanya ang mga fans ninaDingdong Dantes at Marian dahil sa halik siya nang halik kay Dingdong sa mgaeksena nila sa Dyesebel.

"Huwag sana kayong magalit dahil work lang 'yon," nakangiting sagot ni Michelle. "So far, wala pa namanakong nai-encounter na mga fans na nagagalit sa akin o may violent reactions saakin kapag nakikita nila ako."

Sa rate daw na 1 to 10, 8 ang rating niya kayDingdong na isa sa 25 Sexiest Men of the World, according to E! Entertainment Television.

Matapos parehong basahin ni Michelle ang KillerQuestion at Killer Task, minabuti na nga niyang sagutin at gawin na pareho angmga ito.

Ang Killer Question, totoo ba na lagi rawsilang nag-aaway ng mommy niya, ang dating sexy actress na si Karla Kahlua, atdumating 'yon sa punto na sinugod daw siya ng mommy niya at pinalayas pa sakanilang bahay.

"Not true," sagot niMichelle. "Open book naman na madalas talaga kaming hindinagkakasundo ng mommy ko, pero hindi pa naman 'yon dumating sa puntong nagkatulakanat nagsabunutan kami. Magkasama kami ng sister kong si Ehra [Madrigal] sa bahayat ngayon, magkasundo na kami palagi ng mommy ko."

Sa Killer Task naman, pinasagot si Michelle sa intrigana may gap daw sila ni Bianca King, na supposedly ay siyang kontrabida sa buhayni Dyesebel, pero bakit si Michelle anglumalabas ngayong main kontrabida?

"No, walang ganoong intriga. Wala kaming gap niBianca, she's a good friend. At saka nang magsimula kaming mag-taping ng Dyesebel, written na ang character ko asBerbola, isang sirenang magkakaroon ng paa at gagawin ang lahat para maagaw siFredo [Dingdong] kay Dyesebel. Saka sa story, na-comatose si Betty[Bianca] kaya hindi muna napanood ang character niya, kaya ako muna ang nagingkontrabida sa buhay nina Dyesebel at Fredo," paliwanag ni Michelle.

Doon naman pumasok ang phone patch kay Bianca atnagbatian pa ang magkaibigan. Barkada kasi sila ng kambal na Richard at RaymondGutierrez at si Bubbles Paraiso, na isa rin sa talent ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kaming gap ni Michelle dahil sarole," sabi ni Bianca. "Saka paano kami magkakaroon ng gap, hindi nga kami nagkakasama sataping dahil hindi magtatagpo ang mga characters namin. Kung magkakaroonman, it will be a healthy competition.

"But, sad to say, wala talaga dahil kapagwala na ang character niya as Berbola, saka naman babalik si Betty. Kayahumanda na sa akin sina Dyesebel at Fredo, abangan ninyo ang pagbabalik kodahil pahihirapan ko sila talaga," natatawang patapos ni Bianca satelepono.

Nagpasalamat sina Rufa Mae at Mo kay Michelle sapagiging professional at pagpapakatotoo nito sa pagsagot sa Killer Question atKiller Task.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN