Iwa Moto goes topless in latest FHM issue

"Iba na talaga ngayon, like dito nga sa FHM Septemberissue na cover ako, makikita ninyo na mas sexy ako rito. Actually, malakiang kaibahan doon sa unang naging cover ako noong 2006, e. Dito saSeptember issue, mayroon pa nga na topless ako, na ang nakatakip lang sa dibdibko ay yung parang lambat lang," says Iwa Moto who just celebrated her 20thbirthday.



Naging masayang-masaya ang young star na si Iwa Moto sa ginanap na 20thbirthday celebration niya yesterday sa Jiao Ming Café sa A. Bonifacio cornerAraneta Avenue Quezon City.



Naging abala sa pagharap sa mga bisita ang kanyang Mommy Precy, at stepdad nasi Jerry pati na ang dalawang kapatid na sina Miki at Zennith. Dumalo rinsa naturang okasyon ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan at mga taongnagmamahal kay Iwa, specially ang boyfriend niyang si Michael Ablan.



Kabilang din sa mga panauhin sina Chariz Solomon,ang bandang K247 ni Mark Gamboa, ang grupong Art & Soul ng kapatid ni JessaZaragoza na si Lloyd Zaragoza, at iba pa. Hindi na nakahabol ang mga taga-GMAACna mayroong benefit show sa Zirkoh Timog.



Na-late pa ang aktres ng more than two hours dahil galing pa siya sa isangtaping na typical na ugali ng aktres—ang pagiging priority lagi ang trabaho.



Pero pagdating na pagdating ni Iwa ay nagpaunlak na agad siya ng interviewsa PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Ang birthday wish ko, sana ay more work at saka sana ay gumaling iyong dad ko,iyon lang," panimulang pahayag ni Iwa.



Mayroon ba siyang wish na para sa sarili niya talaga?



"Actually, wala, e. Lahat puro para sa family ko,e, sa mom ko, sa dad ko, sa mga kapatid ko, iyon... puro ganoon lang. ‘Tsaka sabiko nga, iyong trabaho, importante iyon siyempre. Para kapag may pera ako,may panggastos din sa bahay, so, para rin sa family ko, e, ha-ha-ha-ha!"nakatawang saad pa niya.



GOODBYE TO "TEENS." Sinabi rin ni Iwa ang kaibahan ng 20thbirthday celebration niya sa mga nakaraang celebration niya.



"Ang kaibahan nitong birthday ko ngayon, hindi ba last year, sinorpresa nilaako? So, for a change, ako yung isa sa mga tumulong mag-organize atmag-isip nitong party ko ngayon. Kaya lang, si Mark [Gamboa] pa rin iyonggumawa ng lahat. For a change din, hindi ako na-surprise, yung hindi nilaako ginugulat na lang, dahil alam ko na may party, e. At alam ko kung ano yungmangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Isa pa sigurong kaibahan ngayon, kasi ngayon dalaga na ako talaga, e. Imean hindi na ako teen dahil 20 na ako, e. Kaya dalaga na talaga at mas maturedna. Kasi noon, tipong bata pa talaga na makulit.



"Pero iba na talaga ngayon, like dito nga sa FHM September issue nacover ako, makikita ninyo na mas sexy ako rito. Actually, malaki angkaibahan doon sa unang naging cover ako noong 2006, e. Dito sa Septemberissue, mayroon pa nga na topless ako, na ang nakatakip lang sa dibdib ko ayyung parang lambat lang," dagdag pa ni Iwa.



NO CHANCE OF GOING JAPANESE. Sa naturang okasyon din, sinabi ni Iwa nabaka malabo na siyang magkaroon ng dual citizenship.



"Parang hindi na po ako magiging Japanese citizen. Hindi na raw umabot. Sabikasi, 20 years old na ako, e. Kailangan daw, below 20. Dapat, pupunta rawako ng Japan, dapat ay nasa Japan ako by now para asikasuhin yung papersko.



"Nung last na nag-meeting kami, sabi ko, sige give-up na ako, yung kapatid kona lang. Actually ang benefit lang naman na makukuha ko roon, is anywhereI want to go sa Japan ay madali lang. Pero, dahil nga parang medyo malabona, ang kapatid ko na lang. Malay natin, maipetisyon niya ako, he-he-he.

"Okey lang po sa kin na yung kapatid ko na lang, siyemprepo, yung gusto ko, yung mga bagay na hindi ko nakukuha, ay makuha naman ng mgakapatid ko, na kung may mga bagay-bagay na ako na hindi maa-achieve, gusto koay yung family ko ang makakuha nun."



Pero sinabi naman ng Mommy Precy ni Iwa na may chance pa rin na maging Japaneseat Filipino citizen ang kanyang anak at hindi pa lang naaabisuhan si Iwa.



Nagpasalamat din si Iwa sa lahat ng mga tumutulong at patuloy na sumusuporta sakanya kabilang na ang GMA-7, GMA Artist Center, ang FHM, ang mgataga-press, ang kanyang "Tatay" Rommel Gacho at sa lahat ng fans nawalang-sawang nagmamahal sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN