Singer Ronnie Liang denies courting Sarah Geronimo

"Ang masasabi ko lang, crush ko talaga si Sarah. Ayoko nalang magdagdag pa ng statement kasi ayoko namang masabihan na ginagamit ko langsi Sarah for my publicity. Meron na ngang lumalabas na isyu na ganun kaya ayokonang lumaki pa. Dahil hindi naman po totoo," says Ronnie Liang about rumors that he is courting Sarah Geronimo (inset).



Malakas ang ugong-ugong na isa sa mga masugid na manliligawngayon ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo ay ang Pinoy Dream Academy Season 1third placer na si Ronnie Liang. Magkasama rin ang dalawa sa Sunday varietyshow ng ABS-CBN, ang ASAP '08.

Nang matiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Ronnie sa press launch ng I Love Betty La Fea, kung saan isa siya sa cast,ay hiningan namin siya ng pahayag tungkol dito.

Totoo bang nililigawan niya si Sarah Geronimo?

"Ang masasabi ko lang, crush ko talaga si Sarah. Ayoko nalang magdagdag pa ng statement kasi ayoko namang masabihan na ginagamit ko langsi Sarah for my publicity. Meron na ngang lumalabas na isyu na ganun kaya ayokonang lumaki pa. Dahil hindi naman po totoo," paliwanag ni Ronnie.

Dagdag niya, "Kasi kapag love mo ang isang tao, hindi ganun,e. Ako kasi naniniwala na kapag mahal mo ang isang tao, dapat walang gamitan.Dapat nandun yung respect, yung devotion."

Nagbabatian ba sila ni Sarah sa ASAP?

"Lagi naman po kaming nagbabatian. Wala namang nagbago sapagkakaibigan namin."

So, may ginagawa na ba siyang move?

"Ayoko nang mag-elaborate about my love life kasinapi-preempt lang minsan. ‘Tapos sasabihan ka pa na nanggagamit. Ang masasabiko lang, friends kami ngayon ni Sarah. We respect each other. Happy naman kamisa friendship namin," saad ni Ronnie.

Sinceayaw nang pag-usapan ni Ronnie ang tungkol sa panliligaw kay Sarah,hiningi na lang ng PEP ang komento niya tungkol sa pagkakasama niya sa I LoveBetty La Fea.

"Masayang-masaya ako. First time teleserye ko ito, 'tapos isapang malaking project. Hopefully magampanan ko nang maayos yung role ko asEnrique. Yung role ko rito is mabait na HR Manager. Isa ako sa mga boss niBetty. Una kasing role ko dapat is yung womanizer, pero pinalitan nga ngpresent role ko," pagtatapos ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Wish din ni Ronnie na masundan pa ito ng iba pangacting projects.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN