Jericho Rosales talks about ex-girlfriend Heart Evangelista and leading lady Carmen Soo

"The set loves her. She's friendly sa lahat ng mga tao. [To Carmen Soo] Youhave to excuse me if I talk in Tagalog sometimes," Jericho Rosales describes his Kahit Isang Saglit leading lady, Carmen Soo.



Maituturing na memorable para kay Jericho Rosales angpinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN na magsisimula na sa September 15, angKahit Isang Saglit. Bukod sa malaking effort na ibinigay ni Jericho habangginagawa ang Asianovela na ito na kinunan pa sa Malaysia at dito sa Pilipinas,very sentimental at personal rin ito sa kanya.

Una na rito ang pagpanaw ng direktor ng Kahit Isang Saglitna si Gilbert Perez, na pinalitan eventually ni Jerry Sineneng.

"Ngayon, medyo naka-recorver na kami from Manong's death. Seventy-five percent na yata complete sa shownamin," saad ni Jericho nang makapanayam siya ng The Buzz last Sunday, August31.

Pangalawa, kasabay ng mga pinagdaraanan niya sa paggawa ngKahit Isang Saglit ang pagwawakas ng relasyon nila ni Heart Evangelista.Inulat ng The Buzz na hindi na suot ni Jericho ang singsing na nag-uugnay sakanila ni Heart.

"I guess, it helps to put some things aside for awhile paramaayos ko yung sarili ko, di ba?" sabi ng young actor.

Buong loob na hinarap din ni Jericho ang mga isyung hindipa niya nabibigyang linaw. Ipinahayag ni Jericho na wala siyang regret natumigil muna siya sandali sa pag-arte at hinarap ang pangarap niya na magingisang singer. Naging worth it naman daw ang pansamantalang pagtigil niya sapag-arte at mas pinili ang pagkanta.

Dahil sa kanyang pagtigil sa pag-arte, naging malayo tuloyang agwat ng kasikatan niya kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Pero sakabila nito, hindi raw nakaramdaman si Echo ng insecurity sa dalawang aktor nanamamayagpag sa paggawa ng teleserye sa panahon na wala siyang TV projects.

"I'm very happy for Piolo. He is my very good friend. Hindikami close ni John Lloyd, but I am happy for the guy."

Nagsalita rin si Jericho sa kasalukuyang kalagayan ngrelasyon nila ni Heart.

"Tumawag ako sa kanya at sabi ko, ‘Is it over?" sabi niJericho.

"Yes, it is over," ang isinagot daw ni Heart sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil doon, binura na ni Jericho ang number ni Heart para hindi na niya muling abalahin angdating kasintahan.

Itinanggi rin ni Jericho ang isyu na sinisigawan at minuraniya raw noon si Heart. May time lang daw na mataas ang boses niya kapag yunang mood niya, lalo't may konting problema sa trabaho. May mood din naman daw si Heart na mataas din angboses, pero hindi raw sila nagmumurahan at nagsisigawan kapag nag-aaway.

Tungkol sa diumano'y third party sa hiwalayan nila ni Heart, wala raw siyang magagawa kung yun ang inisip niHeart. Pero ipinagdiinan ni Jericho na wala talagang ibang babae sa buhay niya.

CARMEN SOO. Pagkatapos ng solo interview kay Jericho ni Boy Abunda, tinawag na angleading lady niya sa Kahit Isang Saglit, ang Malaysian actress and model na siCarmen Soo.

Tinanong ng The Buzz host si Carmen kung nangyari na ba in her life nahindi niya gusto ang lalaki, pero mahal niya?

"I'm sure it happened in real life," umpisa ni Carmen. "Topeople, generally."

Naramdaman ba niya ito kay Jericho?

"It does happen when we're doing the scene." Pero hindi rawoff-cam.

Si Carmen ang isa sa mga sinasabing dahilan ng hiwalayangJericho at Heart. Natawa muna ng bahagya si Carmen bago sumagot.

"Well, we are friends. We work very well together. He's beensomewhat a mentor to me. Every time we do a scene, he helps me out and I'm awayfrom home," sabi ni Carmen.

Sila ba ni Jericho ang magkaibigan na nagiging close andeventually will get married?

Unang sumagot si Jericho. "Carmen is a very nice person,very likeable, and I thought you said you like me, e," biro ni Jericho kayCarmen. "No, no, no, no. She's very nice, very professional, and ayaw ko nahihiyaako."

Tinanong ni Boy si Carmen kung may posibilidad ba na ma-inlove siya kay Jericho.

"Well, I don't know. It's not something that I think aboutand right now, it's just we're friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open ba si Carmen sa lahat ng possibilities in life?

"I try to, but also a degree of care. But working with him, he'sgreat."

One word to describe Jericho?

"Okey, guwapo!" tawa niya.

Kasunod nito, si Jericho naman ang naglarawan kay Carmen saisang salita.

"Gorgeous," ngiti ni Echo.

Pinuri naman ni Carmen si Jericho.

"Ah, he's brilliant, very intense. He helps me out, too."

"Crazy" naman ang paglalarawan ni Carmen kayJericho off-cam.

Sumunod ay si Echo naman ang nag-describe kay Carmen habangginagawa nila ang Kahit Isang Saglit.

"The set loves her. She's friendly sa lahat ng mga tao. Youhave to excuse me if I talk in Tagalog sometimes," sabi niya kay Carmen.

"Para siyang Pilipina," patuloy ni Echo. "May kalidad siyana parang Pilipina. She tries very hard to blend in and to understand whateverwe are in. She's very respectful, hardworking, and she's tough, you know."

Nagbigay rin ng mensahe si Carmen para kay Jericho.

"I said thank you for all the help that you've given meall this time. And thank you for taking good care of me."

At para sa Pinoy audience na nag-aabang na ng teleserye nilani Jericho, ito ang sabi ni Carmen: "Well, we had amazing experience shootingthis in both countries. We went through a lot and are still going through a lot. Ihope that you enjoy as much as we enjoy filming it, and it's a great story."

ECHO'S LAST WORDS. Bago matapos ang show, nagbigay ng kanyang huling pananalitasi Jericho.

"Bago ang lahat, bago ako pumunta doon sa mga... Punta muna ako sa isang mahalagang tao, ‘no. Uhm,this is guess the last time I'm gonna talk about Heart on TV, maybe as a friend, puwede pa sa susunod. I'll always be a friend and at this time, I'll stop it na.I wanna let her move on. Thank you sa lahat ng tumulong sa amin, lahat ngsumuporta sa amin. Sa Heartthrob, thank you very much. I love you guys, thankyou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi mo, Kuya Boy, sabihin ko na ang gusto kong sabihin, sainyo na po muna ako. Sa inyo po muna ako magpo-focus and sa lahat po ng mgamanonood ng Primetime Bida ng ABS-CBN at sa lahat po ng manonood sa primetime, ‘eto po, pinaghirapanko po talaga. Lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa noon, nagawa ko rito, offand on cam. Para sa inyo po. Handog po sa inyo ng ABS-CBN.

"Isang pribeleheyo ko na makasama sa isang ganitong kalakingproject na ipapalabas hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa Malaysia atSingapore. I take pride. Maraming, maraming salamat at para po sa inyo ito. Atipagpatuloy po ninyo ang suporta ninyo kasi marami pong natutuwa na magsilbipara sa inyo. Galing po sa amin ni Carmen Soo and the whole thing of KahitIsang Saglit, ah, September 15 na po," pahayag ni Jericho.

Makakasama rin nina Jericho at Carmen sa Kahit Isang Saglit angiba pang mga bigating artista tulad nina Albert Martinez at Christopher deLeon. Kasama rin sa cast si Cristine Reyes, sa kanyang unang teleserye sa ABS-CBN,na magiging ka-love triangle nina Jericho at Carmen sa teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN