KC Concepcion and Richard Gutierrez thank fans for watching "For The First Time"

When KC Concepcion and Richard Gutierrez were asked by TheBuzz if they have already fallen in love with each other, Richard answered,"Ayaw po naming lagyan ng titulo, ng marka or ng kung anuman. Para sa amin kasiit's not the destination, but the journey. Kung paano kami makakarating doon."



Sa huling pagkakataon ay nagpasalamat sina KC Concepcion at RichardGutierrez sa lahat ng sumuporta sa first movie nila together na ForThe First Time sa The Buzz last Sunday. Umabot na sa mahigit P50million ang kinita ng For The First Time pagkatapos ipalabas nungMiyerkules, August 27.

‘CHARD'S HAND ON KC'S KNEE. Habang nagpapasalamat sa TheBuzz napansin ng host na si Boy Abunda angpaghipo ni Richard sa tuhod ni KC. Kaya tinanong siya ni Bong kung bakitnakapatong sa tuhod ni KC ang kanyang kamay.

"Yung kamay ko po sa tuhod? Yung stockings kasi ni KCmasarap yung feeling, e. Para sa akin lang po yun. Kakatakbo lang naminsa premiere night at sumakit yung tuhod po niya. Minamasahe ko lang,"nakangiting sagot ni Richard.

Mas lalo ba silang naging close pagkatapos nilang gawin ang ForThe First Time?

"I think so, definitely, we did.A, siyempre ang daminaming pinagdaanan sa pelikulang ito at talagang pinaglaban namin angpelikulang ito from the start and nakilala namin yung isa't isa nang husto,"pahayag ni Richard.

"Yung mga naging eksena po namin siguro talagang na-buildyung trust namin sa isa't isa. Dahil hindi naman po namin magagawa yung heavyscenes, yung mga eksena namin na mabibigat," lahad naman ni KC.

Sumingit naman ng tanong ang ate ni Richard at host din ng TheBuzz na si Ruffa Gutierrez, kinumusta nitoang ginawang panonood muna ng dalawa ng pelikulang ginawa nila bago dumiretsosa The Buzz.

"First time naming nanood ng hindi premiere night, na bilangnormal na tao. Nanood kami sa Shangri-La Mall, kami nina Direk Joyce[Bernal] magkakasama, biglaan."

Pinanood din ba sila ng mga tao sa sinehan habang nanonood?

"Ay, hindi po. Dumating kami madilim na, tapospinakaharap kami. Kami po yung pinakamaingay doon," sabi ni KC.

IT'S NOT THE DESTINATION, BUT THE JOURNEY. Inabangannaman nang husto ng audience ang sagot nina KC at Richard kung nagka-inlaban naba silang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw po naming lagyan ng titulo, ng marka or ng kunganuman. Para sa amin kasi it's not the destination, but the journey. Kung paanokami makakarating doon," esplika ni Richard.

Ngayong tapos na nilang gawin ang pelikula, sinabi ni KC natiyak daw na mami-miss niya si Richard.

"Hindi ko hahayaan na mai-miss mo ako," sabi ni Richard kayKC.

THANK YOU FROM "SETH" AND "PIA." Pagkatapos aynagpasalamat na sila sa mga tumangkilik ng For The First Time.

"Yun po talaga ang gusto naming gawin. Ever since po,actually. Ever since na natapos namin yung pelikula, for us, success na pona natapos namin nang maayos ang pelikula at maganda ang pelikula namin. Atnung nalaman namin na, yun na nga po, ang daming pumipila, tapos punung-punoang mga sinehan.

"Tapos ayun, umiiyak yung mga tao, sabay-sabay na tumatawa.Yun talagang sinamahan nila kami doon sa journey namin, saexperience namin sa paggawa ng pelikula at sa istorya ni Seth at ni Pia[characters nila sa movie]. Sobra kaming nagpapasalamat sa mga tao sa Luzon,Visayas and Mindanao. Yung buong nation po talaga parang talagang sinuportahantayo.

"Tatlong buwan po namin tinrabaho ang pelikula pero sa kanila po yungdalawang oras nila ‘tsaka yung tinabi nilang pera para i-spend doon para manoodng pelikula namin, sobrang laking bagay po talaga. Kaya sobrang salamat potalaga," mahabang pahayag pa ni KC.

Bago matapos sina KC at Richard, ni-remind ni Ruffa ang kapatid na magpasalamatsa The Buzz at ABS-CBN dahil baka yun na raw ang last guesting niya sa Kapamilya network.

"Gusto kong pasalamatan ang lahat ng bumubnuo ng Star Cinema. Sa lahat ng taga-ABS-CBN for accepting me wholeheartedly, maraming salamat po. Naramdaman ko poang pagtanggap ninyo sa akin. Thank you so much," pagtatapos ni Richard.





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN