Rhian Ramos dispels rumors linking her to Rayver Cruz

"Matagal ko nang kilala si Rayver. I met him sa isang eventna pareho kaming guest last year pa. And we've been texting naman each other. Kumustahanlang naman. There's nothing serious going on between us," clarifies RhianRamos. Rayver Cruz is the latest young actor being linked to Rhian.


Pagdating sa mga usapin tungkol sa boys, madalas talagang maintriga ang GMA-7 young actress na si Rhian Ramos.

Pagkatapos niyang ma-link sa mga tulad nina Richard Gutierrez,Mo Twister,PJ Valerio, PaoloParaiso, Marco Alcaraz, Mark Herras, at pati na sanon-showbiz guy na si Phillip Gozon, na anak ng GMA-7 president and CEO na si Atty.Felipe Gozon, sa ABS-CBN 2 young actor na si Rayver Cruz naman naiuugnay siRhian ngayon.

May nagpakalat kasi ng balita via Internet and text messagena nahuling nakikipag-date si Rhian sa dating ka-love team ni Shaina Magdayaosa isang Spanish restaurant sa loob ng BF Homes Subdivision in Parañaque City.Ang pangalan pa nga raw ng restaurant ay Amalia's Resto.

Naganap daw ang naturang secret date ng dalawa lastAugust 26. At ayon pa sa email, after ng early dinner date ng dalawa ay tumakbopa si Rhian papunta sa premiere night ng For The First Time sa SMMegamall.

Nang tanungin namin si Rhian sa press conference ngpelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films tungkol satsismis na ito, hindi naman ito nag-deny na kasama nga niya si Rayver noonggabing iyon sa isang restaurant. Pero hindi naman daw niya matatawag na dateiyon dahil, ayon sakanya, ay nagkatawagan lang daw sila noong araw na iyon.

"Matagal ko nang kilala si Rayver. I met him sa isang eventna pareho kaming guests last year pa. And we've been texting naman each other.Kumustahan lang naman. There's nothing serious going on between us.

"Nagkataon that day, which was Tuesday, wala naman akongwork except sa pupunta ako sa premiere night ng movie ni [‘Chard and KC Concepcion] sa SM Megamall. Nag-text sa akin si Rayver and he asked if we canmeet up and have an early dinner somewhere near lang.

"Since I'm coming from Alabang and he's from Parañaque,nag-meet up na lang kami sa alam niyang malapit na restaurant. I cannot qualifyit as a date kasi parang nag-meet up lang kami. Parang magkakaibigan na gustongmagkita-kita lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa nga sa kumalat na balitang date ay ang publicdisplay of affection nila ni Rayver.

"My gosh, ano ba ‘yon?" sabay tawa ni Rhian.

"Bakit naman namin gagawin iyon? Ang dami kayang mga tao saresto. ‘Tsaka hindi namin gagawin ni Rayver ang gano'n. Nakakahiya namanbecause we were just there to eat and talk. Yun lang naman ang ginawa namintalaga. Eat and run nga ako kasi pupunta pa ako noon sa premiere night."

Ang nakakagulat pa sa balita ay si Rhian daw ang nagbayad ngkinain nila ni Rayver.

"Sobra naman ‘yan!" malakas na tawa niya. "Grabe! Ako nangayon ang nanlilibre sa lalake!

"I really don't know where all these news are coming from.Nakakahiya naman kay Rayver because siya yung nag-invite na kumain ‘tapos akoang magbabayad. Parang hindi yata tama.

"Ang alam ko is that yung kinain namin was already paid anda gentleman always takes care of the bill, ‘di ba? Nakakatawa naman ‘yan. Hindiko kinaya ‘yan!"

Tiniyak ni Rhian na hindi naman daw nanliligaw si Rayver sakanya. Tinuturing nila ang isa't isa bilang magkaibigan lamang. Pero paano kungbiglang magsabi si Rayver na gusto siyang ligawan? Okey lang ba kay Rhian?

"Ay naku, parang magugulat naman ako. I just wanted to befriends with Rayver. Wala naman sigurong masama roon, ‘di ba? We know eachother for quite a long time now. Siyempre, I would be surprised kung biglasiyang manligaw.

"Malinaw naman sa kanya na friends lang kami. But if hewants to take it to a different level, iba na iyon. We come from different TVnetworks at isang factor iyon kung bakit hindi puwedeng mag-work just in case.Okey lang naman na magkaibigan kami."

Sa nalalapit na 18th birthday niya sa October,invited kaya si Rayver?

"But of course. Lahat naman ng mga kaibigan ko ay imbitado.Depende naman iyon siguro kung papayagan si Rayver. Like what I said, we belongto different networks. Ayoko namang mapagalitan si Rayver dahil um-attend siyang debut ko. Bahala na siguro kung papayagan siya. But definitely, I willinvite him to my debut."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN