Mark Anthony Fernandez elated by his renewed popularity

"Malaki ang pasasalamatko na pinapanood at gusto pa rin nila ako. Kaya naman ginagawa ko ang homeworkko as an actor at nag-eensayo ako para magka-muscles ng konti. I playbadminton, basketball, and I watch what I eat," says Mark Anthony Fernandez about his popularity among the fans.



Saksi ang PEP(Philippine Entertainment Portal) kung paano nagkagulo at nag-ingay ang mga taosa Araneta Coliseum nang lumabas ng stage si Mark AnthonyFernandez sa Let's Celebrate! Birthday Blowout nina Marian Rivera atDingdong Dantes noong August 27. Isa si Mark sa mga nangharana kay Marian.

Nakabibinging sigawanat malakas na palakpakan ang sumalubong kay Mark Anthony, na kahit ang big bosses ngGMA Network ay nagulat sa mala-big star na reaction ng tao sa panganay na anakng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Naikuwento rin sa amin ng isang source napinagkaguluhan din si Mark sa Cagayan de Oro City nang mag-guest ito kasama angiba pang Kapuso stars.

Ang Big Domeincident ang unang itinanong ng PEP kay Mark Anthony nang ma-interview namin siya sa last taping day ng Ako Si Kim Sam Soon saEnchanted Kingdom sa Sta. Rose, Laguna, kahapon, September 1. Kasama rin sa inalam namin angmala-heartthrob niyang status na dala nang muling pagsigla ng kanyang career.Hindi ba siya nagulat sa lakas ng sigawan ng mga tao sa Araneta Coliseum?

"Nagulat din, peromas masaya ako, tuwang-tuwa sa mainit nilang pagtanggap sa akin at sobrangthankful ako," sabi ni Mark Anthony. "Alam nating ang mga taong dumating ay dahil kinaMarian at Dingdong, pero na-appreciate pa rin nila ako. Mas malakas na sigawanyun kesa noong nasa Gwapings pa ako." Ang tinutukoy ni Mark ay ang dati niyanggrupo kasama sina Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

Ini-expect niya bana magiging ganun kainit ang reception sa kanya?

"Pini-pray ko, perohindi ko ini-expect. Alam kong mare-recognize pa rin ako, hindi ko langini-expect na ganun ka-warm ang acceptance nila sa akin. Malaki ang pasasalamatko na pinapanood at gusto pa rin nila ako. Kaya naman ginagawa ko ang homeworkko as an actor at nag-eensayo ako para magka-muscles ng konti. I playbadminton, basketball, and I watch what I eat," saad ni Mark Anthony.

"MAGALING NA AKTOR." Kapag sinasabingmagaling siyang aktor, ano ang dating kay Mark Anthony nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutuwa ako and atthe same time, may konting takot at pressure. Honored dahil sa dami ng magagalingna actors, napapansin ako. But I have to live up to that word na ‘magaling naaktor' and the fans' expectations. Mahirap, pero gagawin ko ang lahat.

"Alam ko na rin kunganong genre ang gusto ko at kung saan ako kumportable. Nakikita ko ang sariliko at itinuturo ng puso ko na pang action-drama ako. Ang comedy, pinakamahirapgawin at nasubukan ko na yun. Na-realize kong pang action-drama ako."

Sina Robin Padilla,Richard Gomez, Richard Gutierrez, Aga Muhlach, ang amang si Rudy Fernandez, atsi Fernando Poe, Jr. ang idols at gustong sundan ni Mark ang career path. Saforeign actors, gusto niya sina Tom Hanks, Brad Pitt, at Joseph Fiennes[Shakespeare In Love], lalo na ang huli at binanggit pa nito ang mga pelikulangginawa ng Hollywood actor.

CRUSH NG BAYAN. Kilala si Mark asCyrus, ang leading man ni Regine Velasquez sa Ako Si Kim Sam Soon. Ikinuwento ng aktor na kahit saan siyamagpunta ngayon, ang pangalan niya sa Pinoy adaptation ng Korean comedy seriesna umeere sa GMA-7 ang tawag sa kanya.

Kuwento niya, "Misannga, nasa SM Las Piñas ako, yun ang tawag sa akin ng mga lumapit paramagpa-autograph. ‘Katuwa, yung unang limang lumapit, dumami. Hindi datinangyayari yun, madalas ako sa mall na yun dahil malapit sa amin. Pinirmahan konaman isa-isa ang mga papel na ibinigay sa akin at dahan-dahan akong um-exit satulong ng security."

Bukod sapagigingheartthrob, siya raw ang isa sa mga "crush ng bayan" ngayon. Any reaction?

"Heartthrob dawako?" balik-tanong niya. "Ang sarap ng feeling. Thank you, thank you kungkasama ako sa crush ng bayan. Gusto kong sabihin sa may mga crush sa akin nasana, bukod sa gusto ninyo ako, panoorin n'yo ang Ako Si Kim Sam Soon."

MARK ANTHONY'S BROTHERS. Sa nababalitangpagpasok sa showbiz ng mga half-brothers niyang sina Renz (as actor) at Ralph(as director), natutuwa si Mark dahil madadagdagan ang Fernandez sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung kay Renz,hindi pa sure," sabi ni Mark. "Baka next year pa dahil nag-aaral pa siya, mayone year pa siya sa school. Si Ralph naman, puwede na siyang magdirek. Alam ko graduatena siya ng directing at nag-aaral pa rin. Payag ako kung magkakasama kami niRenz sa project, kahit support niya ako."

Dagdag niya, "Gustoko rin ng directing, pero parang ayaw ni Papa, sa acting na lang daw ako.Pagbutihin ko na lang daw ang acting ko, na ginagawa ko."

NEXT PROJECT. Wala pang bagongpelikulang ginagawa si Mark. As of now, mas focused siya sa TV. Kung bibigyanng movie project, gusto niya kasing ganda ng Mangarap Ka, Dos Ekis, atMatimbang Pa sa Diyos—his top three favorite movies. Ang dami raw niyangnominations sa Mangarap Ka na ginawa nila ni Claudine Barretto para saStar Cinema, pero hindi pa siya nagkaka-award.

Samantala, hindipalalampasin ng GMA-7 ang bagong lakas ni Mark sa fans. Pagkatapos ng AkoSi Kim Samsoon ay may kasunod na siyang project. Bawal pa nga lang pangalananang title nito. Basta fantasy-drama raw ito at kabilang sa mga makakasama niyasina Yasmien Kurdi at Keempee de Leon. Sa November daw ang airing nito.

Bukod sa GMA Network, pinasasalamatan din niMark si Regine Velasquez sa muling pagbago ng kanyang career. "Miss Reg" angtawag niya sa Asia's Songbird at ang kaisa-isa niyang wish ay makasama uli ito.Kaya lang, nabalitaan ng PEP na magkaiba ang projects nila after Ako Si KimSamsoon. Iba ang makakasama ni Mark at iba rin ang kasama ni Regine sanext show niya na wala pang clue, except na malaking cast ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN