Regine Velasquez fondly talks about "Kim Samsoon" and Ogie's children

"Usually, kapag isangforeigner at isang Pinoy, either makukuha ng anak nila ang kulay ng hair oreyes at ang color ng skin; pero sina Leila at Sarah, nakuha lahat kay Ogie. Kahitang blonde hair ni Michelle, hindi nila nakuha dahil parehong black ang hairnila," relates Regine Velasquez about the daughters of her boyfriend Ogie Alcasid.



May ice bag sa ulo ang Asia's Songbird na si RegineVelasquez nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa lasttaping day ng Ako Si Kim Samsoon sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna,kahapon, September 1. Grabe kasi ang init ng araw at halos wala ring hangin,dagdag pa rito ang init ng ilaw na gamit sa taping ni Direk Dominic Zapanta.

"Hindi kasi ako puwedeng sumpungin ng migraine ko,"paliwanag ni Regine. "Kailangang matapos namin ang mga eksena rito dahillilipat pa kami sa Hacienda Isabella sa Tagaytay mamayang gabi. Aalis kasi akosa Wednesday [September 3] para sa series of concert namin ni Lani Misalucha saUS at Canada, kaya hindi puwedeng hindi namin matapos ang taping ngayon."

Over lunch with Mark Anthony Fernandez, Carmi Martin, John"Sweet" Lapus, and program manager Rams David, naitanong ng PEP kayRams kung totoong nag-extend pa sila ng two weeks kaya aabutin pa hanggangOctober ang airing ng Ako Si Kim Samsoon sa halip na third week ng September.

"Yes, kaya po nagbayad pa kami ng two additional episodessa MBC [franchise owner ng My Name is Kim Samsoon sa Korea]," saad niRams. "Kahit anong foreign TV shows na ire-remake dito, kung ilangepisodes lang ang ipinalabas sa kanila, dapat ganoon din ang gagawin dito. Kayakailangang bayaran ang additional rights for the show kapag nag-extendkami."

Hindi na sinabi ni Rams kung magkano ang binayaran nila, peromahal daw ang bawat episode na idadagdag nila.

LOYAL VIEWERS. Kuwento rin ni Regine, masaya siyang malaman na maramipalang sumusubaybay sa Ako Si Kim Samsoon.

"Nagugulat nga ako kapag lumalabas ako at ang tawag nanila sa akin Kim Samsoon," nakangiti niyang sabi. "Minsan, pumuntaako sa Rustan's para kumuha ng mga damit na gagamitin ko sa SOP. Inabutan kosila sa office na nanonood ng Kim Samsoon. Sabi ko, 'Kahit ba kayo mayayaman,nanonood?' Hindi ko talaga ini-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan naman, nagpunta ako ng Miriam College. Sabi ng mgananay na nakausap ko doon, nanonood daw sila ng Ako Si Kim Samsoon at angnakakatawa, ikinukuwento pa nila sa akin kung ano ang napanood nila noong gabi.May mga nagsabi naman sa aking mga nanay na kung puwede ko raw sabihin sa GMA-7na ilipat kami sa mas maagang timeslot. Napupuyat daw ang mga anak nila dahilayaw matulog agad hanggang hindi tapos manood," lahad niya.

Totoo bang ganoon karami ang isinusubo niyang pagkain sa mgaeksena niya sa Ako Si Kim Samsoon at kung nilululon niya talaga ‘yon?

"Yes, kinakaya ko, kaya nga tumaba pa ako habang nagte-tapingnito!" natatawang sagot ni Regine. "Kailangan kong lulunin dahil magda-dialogueako pagkatapos. Masarap naman kumain at masarap yung kinakain ko. Pero sinabihanko yung mga nanay na kausap ko na huwag gagayahin ng mga anak nila ‘yong pagkainko, baka sila mabilaukan!"

"BIRTHDAY GIFT." Biro sa kanya, may nasulat na kaya raw siya tumataba dahilbaby raw ang gusto niyang ibigay na birthday gift sa boyfriend na si Ogie Alcasid.

"Maganda nga sana, pero hindi, e," sagot niRegine.

Naitanong din kay Regine kung aliw ba siya sa bagongcharacter ni Ogie sa Bubble Gang bilang si Angelina at si Michael V naman angyaya nito.

"Yes, tuwang-tuwa ako sa naisip nilang character na ‘yonni Ogie. Alam ba ninyong kamukha niya ang panganay niyang si Leila sa characterniyang 'yon. Si Leila kasi ang carbon copy ni Ogie, yung features ni Ogie, patiang kulay niya, ganoon si Leila.

"Si Sarah, hindi masyadong maputi, pero nasa kanya rin angfeatures ni Ogie. Mahilig kasi sa sports ang dalawang bata kaya hindi silatalaga maputi. Pero kapag nakita mo sila, sasabihin mo talagang malakas angdugo ni Ogie kesa kay Michelle [Van Eimeren, Ogie's wife].

"Usually, kapag isangforeigner at isang Pinoy, either makukuha ng anak nila ang kulay ng hair oreyes at ang color ng skin; pero sina Leila at Sarah, nakuha lahat kay Ogie. Kahitang blonde hair ni Michelle, hindi nila nakuha dahil parehong black ang hairnila," kuwento ni Regine tungkol sa mga anak ni Ogie sa asawa nitong siMichelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaabot din ni Regine ang pasasalamat nila sa mga press sapagsuporta sa kanila na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa annulmentcase ni Ogie.

Hindi naman tumanggi si Regine sa tanong sa kanya kungkailan darating sa bansa sina Michelle at ang mga anak nila ni Ogie para manoodng Twenty/Twenty concert sa Araneta Coliseum sa September 27.

"I think sa September 26 na ang dating nila rito fromAustralia," sabi ni Regine. "Ako naman, mga September 23, narito naako dahil sa September 21 pa ang last concert namin ni Lani sa Canada."

Biro kay Regine, iiwanan na naman niya si Ogie na mag-isangmag-host ng Celebrity Duets every Saturday.

"Oo nga, e, siya na muna. Bale three Saturdays din ‘yon.Hindi kasi namin puwedeng i-advance ang taping dahil every Saturday, at 12noon, saka pa lang matatapos ang text voting para malaman kung sino angmatatanggal sa gabi."

Ngayong tapos na ang Ako Si Kim Samsoon, may susunod na basiyang teledrama na gagawin sa GMA-7?

"Meron na wala," nagbibirong sagot niRegine. "I mean, meron, pero hindi pa namin puwedeng sabihin kung ano ‘yon.Basta malaki ang casting, malaki rin ang story. Baka mag-start kami before theyear ends, pero early 2009 pa ito mapapanood. Tamang-tama naman dahil meron panga akong Celebrity Duets," pagwawakas ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN