Dennis Trillo is "not sure" about idea of having a duet with Carlene Aguilar

"Never akong makikipagtaasan ng ihi kahit kanino sa kanila. Basta ako,kung bibigyan ako ng magagandang projects, makukuntento ako dun and masaya akona may trabaho ako palagi," says Dennis Trillo about being compared to fellow Kapuso leading men Richard Gutierrez and Dingdong Dantes.



Next week ay magse-celebrate na ng kanyang first birthdayang anak nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar na si Calix Andreas. Mapapaagang konti ang birthday celebration ni Calix dahil sa September 22 pa talaga angactual birthday niya.

Ayon kay Dennis nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa presscon ng latest film niya na I.T.A.L.Y. (I TrustAnd Love You) ng GMA Films kagabi, September 1, isang malaking party anginihahanda nila para sa unang kaarawan ng anak nila ni Carlene.

"Medyo malaking party siya para sa buong family. BabyEinstein ang theme at gaganapin sa isang clubhouse sa isang subdivision,"banggit ni Dennis.

DUET WITH CARLENE. Nabanggit din kay Dennis ang pagsali ni Carlene bilang isasa contenders sa Celebrity Duets ng GMA-7. Although alam daw niyang kasali siCarlene sa naturang celebrity singing contest, hindi pa raw napapanood ni Dennis namag-perform ang dating kasintahan.

Aminado rin si Dennis na hindi pa siya nakakaboto para kayCarlene.

Tinanong ng PEP si Dennis kung papayag ba siyang maka-duetsi Carlene sa Celebrity Duets, since nakapag-release na ng kanyang sarilingalbum ang young actor.

Kung si Carlene ay okay lang na maka-duet si Dennis, siDennis naman ay mukhang hindi pa handa para rito.

"Hindi ko pa sure," medyo natagalang sagot ni Dennis. "Sangayon siguro, hindi pa ako ready. Hindi ako sanay na magkasama kami sa TV."

Hindi ba sila kumportable sa isa't isa?

"Kumportable naman. Nakakapag-usap naman kami, lalo na kungtungkol kay Calix. Pero siyempre yung mga personal naming...medyo hindi na kamimasyado nakakapag-usap," sabi niya.

Ano naman ang advice na maibibigayniya kay Carlene sa pagsali nito sa Celebrity Duets?

"Be true to yourself, kailangan i-enjoy mo talaga yungperformance mo para mas natural lumabas. Bawat performance kailangan makita ngtao na ini-enjoy mo siya, para convincing yung ginawa mo," pahayag ni Dennis.

"Seven or eight," sagot ni Dennis nang tanungin kung anongrating, in a scale of 1 to 10, ang ibibigay niya kay Carlene as a singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOCAL SPIDER-MAN. Bukod sa promotion ng I.T.A.L.Y., magiging abala na siDennis starting next week para sa taping ng bagong primetime series niya saGMA-7, ang Gagambino.

"Medyo late na nga po dahil sa October na yun ipapalabas. Ipapalit sa Dyesebel kaya pressure talaga," sambit ni Dennis.

Inilarawan din ni Dennis sa PEP ang role niya sa nasabing fantaseryena base sa komiks character ni Carlo J. Caparas.

"Si Gagambino, si Bino, magkakaroon siya nung powers ngspider dahil may portal silang mapupuntahan na magli-lead sa kanya sa land ofthe giants kasama ng ibang mga bata. Paglabas nung iba, makakagat yung ibangmga bata and eventually yung iba dun, magiging mabuti, magiging kakampi ko; yungiba, forces of evil.

"Hindi lang si Gagambino yung nandito. Meron siyang isangsuper group na parang Justice League ng Pilipinas, siyempre smaller scale.Pambata, para sa lahat," lahad niya.

Matatandaan na si RichardGutierrez ang unang napabalita na gaganap bilang Gagambino. Ito sana ang susunod na proyekto ng anak ni Annabelle Rama pagkatapos ng Kamandag,pero nagulat ang marami na kay Dennis ito napunta.

"Kasi siguro dahil biglang dumating yung Asero niya. Hindiko rin alam kung bakit...Basta bigla na lang siyang dumating," saad ni Dennisnang tanungin namin kung paano napunta sa kanya ang role.

CARRYING THE WEIGHT. Sa mga naunang primetime series ni Dennis sa GMA-7 ay madalas siyanggumanap bilang leading man ng lead female character gaya sa Darna at Majika. Bagamat sa huli niyang primetimeseries, ang Zaido, ay isa siya sa mga pangunahing bida, kasama naman niya satitle role sina Marky Cielo at Aljur Abrenica. Pero rito sa Gagambino ay sakanya nakasentro ang proyekto at siya rin ang nasa title role. Ano ang pakiramdamni Dennis tungkol dito?

"Actually, nabigla ako na nabigyan ako ng ganito kalakingproject," pauna niya. "Feeling ko hindi ako prepared, pero gagawin ko lahat. Kumbaga, katulad ng sinabi ko, para kaming Justice League, pero Gagambinoyung ginamit nilang name para dun sa show. So feeling ko, pasan ko yung buongshow. Pero siyempre, effort pa rin talaga ng lahat. Talagang maaga pa langnaghahanda na ako para dito sa Gagambino, physically and mentally."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For a time ay nanamlay ang showbiz career ni Dennis dahil sa sunud-sunod na kontrobersiya na kinasangkutan niya—ang hindi niya kaagad pag-amin bilang ama ni Calix at ang away nina Carlene Aguilar at Cristine Reyes.

Dahil dito aynakaungos nang husto ang mga itinuturing na kakontemporaryo niya sa GMA-7 nasina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Sa palagay kaya ni Dennis ay mulisiyang makakahabol kina Richard at Dingdong sa pamamagitan ng Gagambino?

"Sana, sana," sagot niya. "Kaya nga talagang gumawa ako ngmalalaking desisyon and yung pagkokondisyon sa sarili. Ngayon, nagte-trainingkaming madalas, yung combat training...Pero hindi ko pini-pressure yung sariliko. Tingnan ko na lang kung ano ang magiging resulta nitong lahat ng paghihirapko.

"Ayoko rin namang makipagsabayan sa kanilang lahat," patuloyniya. "Never akong makikipagtaasan ng ihi kahit kanino sa kanila. Basta ako,kung bibigyan ako ng magagandang projects, makukuntento ako dun and masaya akona may trabaho ako palagi."

Nakapag-costume fitting na rin daw si Dennis para sa Gagambino, na ayon sa young actor ay "parang generic na Hancock ‘tsaka X-Men."

Ang TV series na ito na ididirek nina Topel Lee and Don Michael Perez ay kabibilangan din nina Katrina Halili, Nadine Samonte, Polo Ravales, Isabel Oli, Jennica Garcia, MartEscudero, among others.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN