Rhian Ramos expects controversy each time she has new project

"Naku, ganoon naman talaga, di ba? Usuallynaman kapag may mga blessings, may kasama rin ‘yang intriga. Pero willing namanakong tanggapin yung mga bagay na yun, kasi worth it naman ang blessing, diba?" says Rhian Ramos.



Kahapon, September 2, ay ini-launch si Rhian Ramos bilangkauna-unahang celebrity endorser ng B Club, na angmga produkto ay mga sapatos at bags. Kamakailan lang ay si Rhiandin ang napiling first celebrity endorser ng Sabella dress apparel.

Tila nagiging paborito yata siyang kunin bilang "first"endorser ng mga advertiser. Ano ang masasabi ni Rhian dito?

"Actually, hindi ko alam kung bakit ako. Basta masaya langako kaya hindi ko na ikukuwestiyon!" natatawa niyang sabi sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

"Flattering lang talaga," patuloy ni Rhian. "Wala akongmasabi, natutuwa lang talaga ako. Siyempre, sino ba naman ang hindi matutuwa?Isipin mo pang napili kang celebrity endorser ng mga brand na yun, di ba?"

CONTROVERSY MAGNET. Sanay na sanay na si Rhian na tuwing may opportunity nadumarating sa kanya, siguradong may kakambal itong intriga, o may mga tao napilit siyang gagawan ng isyu. So, ine-expect na raw niya na posibleng maypanibagong intriga na naman ngayong may bago siyangendorsement.

"Naku, ganoon naman talaga, di ba?" sabi ni Rhian. "Usuallynaman kapag may mga blessings, may kasama rin ‘yang intriga. Pero willing namanakong tanggapin yung mga bagay na yun, kasi worth it naman ang blessing, diba?"

Iniintriga bang kaya siya nagiging favorite endorser ay dahil tiyahinniya ang head ng GMA Artist Center na si Ms. Ida Henares, at kesyo siya angbinibigyan ng prioridad among the GMAAC talents?

"Oo nga, pero actually, yung mechanics po ng pagpili ngendorser, hindi ko po alam. Ang alam ko po, hindi naman yung manager ang pumipilibut a certain brand yata. Ewan ko...wala akong alam. Basta ako, masaya ako na akoyun," nakangiti niyang sabi.

JC & MARK. By next week ay posible na raw magkaroon ng story conferencepara sa pagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang La Lola. A weekafter ay naka-schedule na sila para sa pagsisimula ng taping. Ayon kay Rhian, sure na siya na silani JC de Vera ang magkasama rito, pero hindi pa niya sigurado kung kasama rin si Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung I.T.A.L.Y. namin ni Mark, lalabas pa naman, so mapapanoodnila kami ro'n," banggit ni Rhian tungkol sa pelikula ni Mark. "Pagkatapos nga lang ng project na yun,hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin at kung magkaka-project pa kami.Siyempre, sana, kasi we work well naman together."

Sa tingin ba ni Rhian ay malaking factor talaga ang mga fansniya at fans ni Mark na naging very vocal sa hindi nila pagpabor sa team-upnilang dalawa?

"Well, I don't know kung bakit. Pero ako naman usually, anginiisip ko yung sa positive side. So, masaya ko na it's a new beginning.Ayokong isipin na parang malungkot ako sa pagtatapos ng love team na yun. Kasi hindiko rin naman alam kung tapos na ba talaga or magkaka-project na ba ulit kami.

"With the fans, siyempre naniniwala naman ako na binibigyantalaga ng priority ng GMA ang opinion ng mga fans, di ba? Kung ano ang gustonila, kung ano ang ayaw nila. Siyempre, importante sa amin yun. Pero hindi koalam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganoon," pahayag ni Rhian.

Napag-uusapan ba nila ni Mark ang tungkol sa pag-aaway ngkanilang mga fans?

"Oo," sagot niya. "Sabi nga namin, nalulungkot kami at sakaparang napaka-unfortunate naman na nag-aaway ang mga fans namin. Pero ano baang magagawa namin, opinion nila yun. Hindi naman namin kailangang sabihinkung ano ang opinion nila. So, parang tanggap naman namin ang opinion ng mgafans namin, pero sana lang, sana matapos na. Pero hindi rin namin alam kungano ang puwede naming gawin para matapos."

Ano naman ang expectations niya sa tambalan niya with JC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Well, siyempre, never naman akong magwi-wish ng masasamangbagay para sa sarili ko, di ba? So far, pabor naman ang mga fans namin sateam-up. Pero sa very few na pinagsamahan namin,natutuwa naman ako at saka gusto ko ugali niya. And I can imagine myselfworking with him araw-araw. So, masaya naman ako dun," saad ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN