Star Magic Batch 16 includes a stage actress and a male hairstylist

Pica Lozano (left) and Cheska Ortega are two of the 20 members of Star Magic Batch 16 that were presented to the entertainment press last night.



PEP (Philippine Entertainment Portal) was able to talk with two of the 20members of Star Magic Batch 16, Cheska Ortega and Pica Lozano, during theirlaunch last night, September 2, at 9501 restaurant of ABS-CBN.

CHESKA ORTEGA. Cheska is enjoying the best of both worlds and two stations.

Nagulat kami nang makita namin si Cheska na kasama sa pinakabagong batch ngStar Magic na in-introduce kagabi. Isa kasi si Cheska sa mga bagong discoveriesng teen show ng TV5 na Lipgloss. Siya ang lumalabas na Ziggy sa pang-Sabadongprograma ng TV5 at ka-partner ang dalawang Star Magic artists na sina Mikee Leeat Sam Concepcion.

Ang unang tinanong namin sa kanya, ano ang nauna: ang TV5 show or ang StarMagic offer.

"Lipgloss," sagot ng 16-year-old Reedley student na pamangkin nina Michelleat Robert Ortega.

Co-managed by Carlo Orosa ng Stages, sa entablado unang nakilala si Cheskanang makasama siya sa play na The Lion,The Witch, and The Wardrobe na sinundan ng lead role sa High School Musical.

Una siyang nag-apply para sa Lipgloss ng TV5. May nakakita raw sa kanya saaudition at taping kung kaya't hinikayat siyang mag-apply rin sa Star Magic atnatanggap naman siya.

Dating estudiyante ng Poveda, kailangang magpalit ng eskuwelahan si Cheskadahil pinapili siya kung gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya o mag-showbizsiya.

"Why can't I do both?" tanong niya sa sarili kung kaya't lumipat siyang eskuwelahan, kung saan naging schoolmates naman niya ang dalawa pang StarMagic talents na sina Zia Marquez at Dino Imperial.

Sa ngayon, sa ASAP '08 daw muna siya isasabak dahil busy rin naman siya sa kanyangTV5 show na Lipgloss.

PICA LOZANO. Pica can claim to have the most different pre-showbiz job—beinga hairstylist.

Makatawag-pansin ang kakaibang buhok ni Pica sa launching ng Star Magic Batch16. Mahaba ito at kulot; hindi kinky at hindi afro kundi tunay na "Sto. Nino"na kulot. Natawa lalo kami na may koneksiyon sa buhok ang trabaho niya bagosiya napili ni Mr. Johnny Manahan na mapabilang sa Batch 16 ng Star Magic dahilisa siyang personal hairstylist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Pica, whose real name Picasio, nakuha niya ang kanyang kakaibangtrabaho sa ama niya na may mataas na katungkulan sa isang high-class hairsalon. Home service ang paggugupit ni Pica at by appointment lang ito. Three-hundredpesos ang gupit niya at kadalasan daw, yuppie ang mga ginugupitan niya.

"Mga na-refer sa akin ng father ko," sabi ni Pica na "sir" at "mam" angtawag sa bawa't makausap na entertainment press.

Dahil palagi raw busy ang mga customers niya, mas gusto nilang sila angpinupuntahan ng manggugupit ng buhok nila kung kaya't naging source of incomeito para sa estudyante ng San Beda College Alabang.

Biro namin sa kanya, kadalasan sa mga manggugupit ay bakla. Pero sinisiguradoniyang hindi raw siya gay, pero may mga kaibigan naman siyang bakla.

Bukod sa paggugupit, mahilig din si Pica na magsulat ng essay at mag-sketch.Ang kanyang pangarap ay makapagtayo ng sariling salon.

Mas gugustuhin ni Pica na mahasa sa hosting, singing, at dancing, peromagandang challenge din sa kaniya ang maka-arte. Tinanong namin kung sino anggusto niyang maka-partner at isa lang ang isinagot niya—si Empress Schuck.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN