Rhian Ramos clarifies issue linking her to the son of GMA-7's big boss

"Mabait naman po siya, pero hindi po ganoon ang tingin ko sakanya. Ang tingin ko po sa kanya, siyempre kapatid po siya ngboss ko. At saka, I don't think din naman na ganoon ang tingin niya saakin. Siyempre, we get along but I get along with a lot of people. Atsaka, walang masama run. Nothing romantic," says Rhian Ramos about Phillip Gozon (left) , who is being linked to her.



During the contract signing cum mini-presscon for RhianRamos as the first celebrity endorser of B Club yesterday, September 2,hindi na pinalampas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataongyun para itanong kay Rhian ang ilan sa mga information na ipinapadala parin ng ilang mga fans about her.

Isa na nga rito ang tungkol kay Phillip Gozon, anak ng chairman at president ng GMA-7 na si Atty. Felipe L. Gozon at kapatid ng GMAFilms president Annette Gozon-Abrogar. Ayon sa balita, si Phillip angitinuturong boyfriend talaga ng 17-year-old actress. Nakita pa nga raw silangmagka-date bago lumipad si Phillip patungong Boston.

"Date? I haven't been dating him or kahit sinuman," tanggini Rhian. "Hindi ako nakikipag-date sa kahit sinong tao, lalaki man or babae. Nakita ko siya [Phillip], pero hindi date yun.

"Siyempre, kapatid niyapo si Ma'am Annette Gozon at may ginagawa akong movie ngayon for GMA Films.Kunwari may meeting kami, at saka ngayon pa lang, pinaplano na namin ang debutko. Maraming bagay na kailangang ayusin, kaya palagi kaming nagmi-meet ni Ma'amAnnette.

"So, that was the time na nagkikita kami ni Phillip. Likefor example, dinner sa bahay ni Ma'am Annette para pag-usapan yung debut, e,ano ang magagawa ko, bahay naman nila yun? Masama bang nandoon siya?" natatawaniyang sabi habang nagpapaliwanag.

May nagsasabi rin na may napili na si Rhian na maging escortniya sa kanyang debut at ito raw ay walang iba kundi si Phillip. Totoo ba ito?

"Alam n'yo yun, hindi ko kinu-consider ang sarili ko sa samecategory as him. Kasi, may respeto ako sa kanya, e. Ayoko namang sabihingka-level ko siya, kasi ganoon lang ako, e," tila nahiiya pang pagde-describenito sa kanyang dalawang fingers kung gaano lang daw siya kaliit, compared toPhillip.

Pero kung si Rhian ang tatanungin, would she want Phillip to beher escort?

"Mabait naman po siya, pero hindi po ganoon ang tingin ko sakanya," sabi ni Rhian. "Ang tingin ko po sa kanya, siyempre kapatid po siya ngboss ko. At saka, I don't think din naman na ganoon ang tingin niya saakin. Siyempre, we get along but I get along with a lot of people. Atsaka, walang masama run. Nothing romantic. Parang hindi ko rin masasabing closefriends, wala, kilala ko siya dahil he's the brother of my boss."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYVER IS JUST A FRIEND. With Rayver Cruz naman, natatawa siRhian sa pagsasabing "trip lang ng tao" kaya raw sila nali-link.

"Tulad nga po ng sinabi ko kanina," sabi ni Rhian, "if ever man na magkikitakami ng mga kaibigan ko, hindi date ang tawag dun. Kaibigan ko si Rayver atoo, lumabas kami, hindi ko naman yun ide-deny. Pero, hindi rin date.

"Kaming dalawa lang po. Wala naman po kaming common friends.Saan kami makakakuha ng common friends? Nandoon [ABS-CBN] siya, nandito [GMA-7]ako. Nagkakilala po kami before pa dahil nagsu-show kami out of town, puroseries of shows yun, so sino pa ba ang kakausapin ko, e, di siya, di ba?"paliwanag niya.

RHIAN'S DEBUT. Kung may isang event na nakaka-excite nang todokay Rhian ngayon, ito ay ang kanyang debut on October 3. Hindi pa nga lang siya sure kung gagawin ba niya ang party niya before or after her actualbirthday.

"Well, October 3 po talaga ang debut ko, pero yung partymismo, I'm not really sure; puwedeng October 4 para Saturday. Convenientpara makapunta lahat. Puwede rin one week before para ‘pag-air no'n, birthday kotalaga," saad ng dalaga.

Mapapanood daw sa GMA-7 ang full coverage ng kanyang debut.

"Yeah, may balak pong i-air talaga. Noong una kasi talaga,ayokong mag-party. At first, parang ang naiisip ko, bakit ko ise-celebratetumatanda ako? Ganoon yung naisip ko. Next thing, na-realize ko rin naman nasiguro nga, dapat kang mag-party.

"Parang, ‘Ano ka ba naman, Rhian, ang dami-daming tumutulongsa buhay mo. Dapat, at least, mag-thank you ka.' Yung get-together na mag-thankyou. Next, nag-evolve na rin sa hindi ka lang naman magpapasalamat sa mga taongnakakasama mo personally, pero siyempre malaking bagay yung mga fans. So, gustoko rin makita at ma-enjoy rin nila ang birthday ko, kaya nag-decidekaming iere na. Para makita rin nila."

Ang magiging venue raw ng kanyang debut ay sa bagong studio ng bagong building ng GMA-7, na katapat lang ng dating building ng GMA NetworkCenter sa Timog Ave., Q.C. Yung isang studio raw kasi ay may capacity na 2,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naisip po kasi namin na parang binyagan yung studio, atleast, malaking event. At saka malaking part ng buhay ko ang GMA, so bakit ngaba hindi doon gawin?" aniya.

Natatawa si Rhian na talagang anghaba na ng guest list niya. "Kasi gusto ko, the most possible number ng people,gusto ko siyang mapuno. At saka gusto kong malaki talaga siya, di ba?"

18 ROSES & 18 CANDLES. Meron na rin daw siyang list ng 18 Roses at 18 Candles niya,pero hirap na hirap daw siyang mag-categorize sa mga ito.

"Siyempre mga leading men ko. Sina Richard [Gutierrez], JCde Vera, Mark Herras... Importante sa akin na nandoon sila, kung hindi,magtatampo ako. Siyempre, 18 Roses yun.

"Director ko, si Direk Topel Lee, kinulit ko siyangtalaga! Siyempre, siya ang nagdirek ng Ouija, My Only Love, Sundo, e, maybalak pa kaming gumawa ng Ouija Part 2. Ilang projects ko na rin ang idinirek niyaat kung saan ako nanalo, so importanteng kasama talaga siya.

"Actually, kinukulit ko pa si Sir Joey Abacan [of GMAFilms]. Pero sabi niya, ‘Ano ka ba? Walang manonood niyan!' Pero kinukulit kopa rin siyang talaga!" natatawa niyang kuwento.

What about the 18 Candles?

"Siyempre, si Juday [Judy Ann Santos], si Iza [Calzado], siJolina [Magdangal]. Dapat nandoon sila, kasi mga cousins ko sila, di ba [saOuija]? So, dapat nandoon sila. Sa iba, medyo nangungulit pa ako. Ligawan ko nangkonti para pumayag talaga lahat."

Wala pa raw talaga siyang escort or last dance. Nalamandaw kasi niyang dapat pala, may romantic something sila ng kung sinuman angpang-18th dance niya, kung kaya't nahihirapan daw siyangmaglagay rito.

"Puwede kayang wala na lang 18 dance?" tawa niya. "E, kasi,wala pa naman akong nagiging boyfriend. I am not allowed pa naman na maligawan.Yun ang rules ni Mommy, dapat hanggang wala akong 18, hindi pa ako allowed namagpaligaw. So, paano naman?

"At saka, ang hirap pala, ‘yang mga order sa 18 Roses at 18Candles, may mga meaning pala ‘yan. So, talagang hirap na hirap akongmag-categorize."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang napaka-ironic naman yata na sinasabi niyang bawal pasiyang magpaligaw, pero ang daming guys na ang napapabalitang nanliligaw at angiba pa nga ay boyfriend na niya?

"E, wala, gusto akong gawan ng kuwento, ano ang magagawa ko?"natatawa lang niyang sabi.

RHIAN'S BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya?

"Ever since 15 [years old] ako, naging priority na talaga saakin yung career ko at saka school. So, gusto ko lang na tuluy-tuloy ang mgablessing sa buhay ko. Sa aspect na yun, sa career, sa school. Sana tuluy-tuloyna ‘to. Sana tuluy-tuloy na yung suporta ng mga brand na ine-endorse kongayon, at yun din ang time frame na lalabas ang La Lola, sana mag-hit. Basta,anything to do with my career and school, sana tuluy-tuloy na."

May mga pagbabago bang makikita sa kanya ngayon?

"Well, siguro mas mature na," sagot niya. "Hindi ko namanibig sabihin na parang physically mature na parang sexy. Ang ibig kong sabihin,mature na emotionally."

Pero naa-anticipate niya ba na one day, she will also pose sexy for the cover of a men's mag?

"Not really, well, so far, I don't feel naman the need to doit. Masaya naman ako sa career ko. Kahit naman hindi ako nagpapakita ng partko, steady naman ang flow ng career ko. Steady naman," pagtatapos niRhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN