Girl fan hits Rafael Rosell's butt during his Coverboys act in L.A.

"I was singing 'Smack That,' bumaba ako sa audience.There was this girl, nang tumalikod ako, grabe! She really hit my butt! As in sheslapped it real hard! Medyo masakit, but I didn't react violently naman. Kasi nakitako sa kanya, sobrang natuwa lang siya at nanggigil," narrates Rafael Rosell of his unforgettable experience while performing with Coverboys in Los Angeles, California.



It was most convenient for Rafael Rosell to grant the interviewrequested by PEP (Philippine Entertainment Portal). Kahapon, September 2,nakipagkita kami kay Rafael sa tapat lang mismo ng condominium na tinutuluyanniya sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City, just a stone's throw away fromABS-CBN.

Nang makarating kami sa Figaro para sa interview ay walapang tatlong minuto ay dumating na rin ang aktor na nanggaling pa mismo sakanyang tinitirhan.

"Enjoy ang trip namin sa U.S. with the Coverboys,"kuwento agad ni Rafael. "Umikot kami sa Hayward, Los Angeles, atChicago. Sa mga napuntahan namin para sa shows, talagang sobrang okay angresponse ng crowds.

"Sa States, ang napansin ko lang, may tatlong klase ngfans. Mayroong super diehard, yung talagang maiingay and really all-outdemonstrative sa kanilang support. Mayroon namang tahimik lang, maypagka-reserved. Hindi mo maintindihan kung nakikiramdam lang o mahiyain to showtheir feelings. Pangatlo, yung pumapalakpak naman at naa-appreciate kahit paanokung ano yung sa palagay nila really pleases them."

Pero ang pinaka-memorable daw na nangyari sa kanya sa U.S.tour na yun ng Coverboys—with Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Jon Avila, and VictorBasa—ay nangmag-perform sila sa Grand Theater sa Los Angeles.

"I was singing 'Smack That,' bumaba ako sa audience.There was this girl, nang tumalikod ako, grabe! She really hit my butt! As in sheslapped it real hard! Medyo masakit, but I didn't react violently naman. Kasi nakitako sa kanya, sobrang natuwa lang siya at nanggigil.

"Ang ginawa ko, dinala ko siya sa stage. After mynumber, she made that stance to hit me again in the butt, talagang tumakbo naako!" tawa nang tawa si Rafael sa kanyang very memorable experience.

Sa Chicago, nabanggit ni Rafael na nag-perform ang gruponila sa Pickwick Theater. Sa San Francisco, sa Chabot College Auditorium namansila nag-perform.

"It was really fun with the group. Ako kasi, third timeko na bale sa States. Masarap talaga doon, kasi walang masyadong pollution,walang traffic. Very wide ang roads. At mababait ang mga tao roon. Lahat yata,tuwang-tuwa sa amin. Isinasama kami para mag-shopping. They give us clothes,watches, pasalubongs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Somebody even gave me a Wi-Fi router. Imagine, maypagka-expensive din yun, pero talagang natuwa sa akin, niregaluhan ako withouteven asking. Maraming salamat talaga sa mga kababayan natin doon na nanood ngshows namin, at nakipagkaibigan din talaga sila."

BACK TO WORK. Sa pagbabalik ni Rafael sa Pilipinas, trabaho agad anghinarap niya. Diretso siya sa set ng teleseryeng Humiling Ka Lang sa Langitpara sa mga eksena nila ni Judy Ann Santos.

"Nang sabihin kasi sa akin na ang role ko sa teleseryeay balikbayan, parang walang masyadong challenge sa akin. Pero inisip ko nalang, chance yun na makatrabaho ko si Juday, who's very friendly and pleasantto work with.

"At hindi naman araw-araw nabibigyan ako ng chance to workwith big stars like Juday. Ang role ko doon, ako yung boyfriend niya sa States,na kaya siya bumalik sa Pilipinas ay dahil sa family niya.

"Actually, when I read the script, kahit sa first partat last part lang ako halos mapapanood, yung conflict salove angle namin ang pagmumulan ng iba pang conflicts sa istorya, lalo na sakanila ni Derek [Ramsay]," kuwento ng hunky actor.

Not just one, but two teleseryes ang nakatakdang katampukanni Rafael. Nagte-taping na rin siya ng soap operang Moon River napagbibidahan nina Maja Salvador at Jodi Sta. Maria.

"Nag-resume na rin kami ng shooting for that Vivamovie, yung Civil Status: Single, where I play a bartender working in a gay bar.Umalis din muna kasi si Rufa Mae Quinto at ako naman, naka-schedule for theU.S. tour with the Coverboys kaya nahinto ang shooting. Pero I'm very sure,magtutuloy-tuloy na kami diyan," pagwawakas ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN