Nina Jose willing to undergo sensuality workshop with co-star Gerald Anderson

"Kung magkakaroon kami ng love scenes ni Gerald sa newseries, why not? Yung una naming ginawa sa My Girl, gosh, I was so uptight! Siguronaman ngayon, medyo relaxed na ako. Kung kailangang mag-sensuality workshop akowith Gerald, gagawin ko, para maging convincing lang ako sa ganoong mgaeksena," says Niña Jose.


Ibang klaseng portrayal naman ang aasahan sa former PinoyBig Brother Teen Edition housemate na si Niña Jose sa bagong teleseryeng mulingpagtatambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, My Only Hope.

Nagmamarka si Niña sa My Girl bilang si Annika, nanakikigulo sa love affair nina Julian (Gerald) at Jasmine (Kim), na sa laststretch ng nabanggit na Pinoy adaptation ng Koreanovela, ay mukhang mapapamahalsa fans ng Kimerald.

"Nagkaroon na ng twist ang character. Pero dito sabago, hindi ko pa masasabi kung ka-love triangle ko na naman sina Kim atGerald. Sa nature ng role kasi, may pagka-mysterious ako na may angst, tipongmay suicidal instinct [sic]. Kung sa My Girl may pagka-strong ang character ko atlumalaban, dito sa bago ay weak naman ako, na tipong emotionally troubled.

"Happy ako with the kind of roles na ibinibigay sa akinsa ABS. Ibig sabihin, nagtitiwala sila sa akin, and I'm doing a good job,"sabi ng young actress, na kailan lang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan, sa PEP(Philippine Entertainment Portal).

Maliban daw kay Kim, ang iba pang nasa cast ng My Only Hopena kasama sa My Girl ay magpu-project na ng maturity.

"Hindi naman sa magpapa-sexy na ako through andthrough, pero medyo iba na sa dati naming ginagawa ang mapapanood ng mga tao sabagong teleserye. Ang sabi sa akin, afternoon soap ito na papalit sa Your Song.Ang format nito ay yung parang sa Tabing-Ilog noon," banggit ni Niña.

Isa rin sa kapansin-pansin kay Niña ay ang kanyangpagpapapayat. More than 20 lbs. na ang nawala sa kanya mula nang sumali siya saPBB Teens, na bumagay talaga sa kanya.

"I'm weighing around 110 pounds, which is just rightfor me," sabi niya. "They were saying before that I look like KatyaSantos because I look chubby. But I guess, hindi ko na siya kamukha.

"Yeah, of course, I know Katya. Viva Hot Babe siya, diba? Nagpapa-sexy rin siya. Ang pagka-sexy kasi ni Katya, yung tipong malaman. Idon't mean anything derogatory naman, di ba?" natatawang depensa ni Niña.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan na magkakaroon uli ng kissing scenes sina Geraldat Niña sa bagong teleserye. Ito raw ang ipinag-react ng maraming Kimerald fansnang maglapat finally ang mga labi nina Gerald at Niña sa My Girl.

"Naku, talagang nagalit ang fans!" pag-amin niNina. "Pero hindi naman ako affected, kasi work lang ito. Nothing personal.Hindi naman sa tunay na buhay nakikigulo ako kina Kim at Gerald. It's just arole. At kung naiinis sa akin ang fans, thank you. Ibig sabihin, effective akosa ginagawa ko. Ganoon lang ang attitude ko."

Nakikita rin ni Niña na eventually, puwede na siya sa sexyroles, pero hindi yung lalabas siyang bastos.

"Kung magkakaroon kami ng love scenes ni Gerald sa newseries, why not? Yung una naming ginawa sa My Girl, gosh, I was so uptight! Siguronaman ngayon, medyo relaxed na ako. Kung kailangang mag-sensuality workshop akowith Gerald, gagawin ko, para maging convincing lang ako sa ganoong mgaeksena," diretsahang sabi ni Niña.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN