Jericho Rosales insists Carmen Soo has nothing to do with his and Heart Evangelista's breakup

"I must admit that Carmen also helped me to moveon. Pero unfair na akusahan siya as the third partyinvolved, kasi wala naman talagang ganoong angle sa amin ni Heart," says Jericho Rosales.



Nitong mga nakaraang buwan, very visible ang paglabas-labasdiumano nina Jericho Rosales at ng Malaysian actress-singer na si Carmen Soo.Nakapagtatakang tumagal ng ilang buwan si Carmen sa Pilipinas, hindi pa mantiyak ang pagpapalabas sa ere ng Kahit Isang Saglit, ang Fil-Malaysian TVproject na ngayon ay malapit nang matunghayan ng publiko sa ABS-CBN.

"Hindi naman dapat pagtakhan yun, kasi aminado siCarmen that she really fell in love with the Philippines," paliwanag niJericho sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siyempre, if she'sstaying here, wala naman siyang masyadong kakilala rito. Kami lang yungmagkakilala talaga, and if I have free time, I see to it na nakakasama ko rinsiya.

"At least, through me, marami na siyang nakikilala.Kasi kung ako rin yung mag-i-stay sa Malaysia, Carmen will do the same. Ganoonlang talaga ang magkakaibigan," nangingiting sabi ng aktor.

Si Carmen daw ang totoong pinagselosan ni Heart Evangelista.Ngayon ay lumalabas na may pagbabasehan ang mga ganoong isyu dahil very sweet daw sa isa't isa sina Echo at Carmen kung pagmamasdan sila in someunguarded moments. Ano ang masasabi ni Jericho rito?

"I must admit that Carmen also helped me to moveon," sabi ni Echo. "Pero unfair na akusahan siya as the third partyinvolved, kasi wala naman talagang ganoong angle sa amin ni Heart.

"Actually, ayoko na ngang pag-usapan pa si Heart atbaka sabihing nagagamit pa siya sa mga ganito, but I can't really help it.Lahat na lang, puro Heart ang questions, na sa palagay ko, kung kailangangsagutin, I have to do it. I heard that Heart is also being asked a lot aboutme. Hindi na siguro talaga maiiwasan."

In what way na nakatulong si Carmen for him to move on?

"What I mean to say, yung siyempre 'pag lonely ka,kahit paano, may nakakasama kang friends, nakakatulong yun para makalimot. SiCarmen naman, she doesn't know anything about Heart. Ang alam lang niya,ex-girlfriend ko si Heart, pero clueless siya on what has been going on, atkung bakit nadadamay siya sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, kung may gig ako, sumasama si Carmen. 'Pagpumupunta rito ang Malaysian friends niya, they watch my gigs. Masaya! Kahitpaano, nakakatulong para ma-divert yung attention. Paminsan-minsan, pumapasokdin kasi sa isip ko yung nakaraan, pero it's just normal. I think I have movedon na rin talaga, at wala naman akong choice!" natatawang sabi ni Echo.

MOVING ON. Marami na rin kasing pinagkakaabalahan si Echo, lalo na yungmay kaugnayan sa pagiging musical performer niya.

"I get to travel a lot because of that. Like, kailanlang, I was in Singapore, then went back to Malaysia, even Canada. Hindi langyung friends, kung hindi yung change of environment. Nakatulong talaga sa akinpara makalimot. Work is the best therapy," nangingiting dugtong ni Echo.

Kahit nakapag-move on na, hindi ibig sabihin ay madali nangmakapapasok muli si Echo sa isa muling relasyon.

"Huwag na lang muna," napapailing na sabi niJericho. "Focus muna sa trabaho. I don't want to mess around with theset-up. I might be hurting myself kung gagawin ko na naman yun, instead offeeling good. I'm good with my present situation. Masaya pa rinako, and have more time to focus and settle other things."

Kung tatanungin si Jericho, ang gusto niya ay gawin ang mgabagay na dati niyang ginagawa, pero wala na nga kasi siyang oras.

"I want to be with friends in La Union, for somewake boarding and surfing," nangingiting sabi niya. "When I was inMalaysia, I had time pa para sa surfing. Ngayon, gusto kong pumunta ng La Unionat Zambales. Kasi dati, nagagawa ko pa talaga yun. Right now, if I have time,I always wanted to be with friends. Friends really make you feel good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN