Karylle relates Lea Salonga's visits to the rehearsals of "West Side Story"

"Her second visit, pinuntahan niya ako sa dressing room.Binigyan niya ako ng ilang exercises. And then she said, ‘I've known you since you were small.' Patient kasisiya ng daddy [Dr. Modesto Tatlonghari, a denist] ko before," narrates Karylle about Lea Salonga's visits to the rehearsals of West Side Story.



Sa Friday, September 5 na magsisimula regular run ng WestSide Story ng Stages. Ayon kay Karylle, na siyang gumaganap na Maria, si JoannaAmpil ang magpe-perform sa opening at siya naman sa closing. But Karylle clarified that they all have to be there to take down notes.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karyllekung kinakabahan na ba siya dahil sa pagsisimula ng kanilang musical play.

"Hindi naman na ako kinakabahan, kasi may two months na rinkaming nagpi-prepare. So, masasabi kong prepared na prepared na rin," kampanteniyang sagot.

LEA'S VISITS. Nabalita ang pagdalaw ni Lea Salonga during their rehearsalat, obviously, tinotoo nga ng international star ang sinabi nitong tutulong sa kanila atmagse-share ng ilang inputs.

"Actually, three times na siyang nagpunta," pagkumpirma niKarylle. "Nagpunta siya after her Cinderella play was finished. Yung firstvisit niya noong nag-rehearse na kami with the Philharmonic Orchestra. Kasamaniya that time yung daughter niya, si Nicole.

"Her second visit, pinuntahan niya ako sa dressing room.Binigyan niya ako ng ilang exercises. And then she said, ‘I've known you since you were small.' Patient kasisiya ng daddy [Dr. Modesto Tatlonghari, a denist] ko before. Pati si TitaLigaya [Lea's mom], sinasabi nga niya, ‘I've seen you as a little girl,"masayang kuwento ni Karylle.

Nagpapasalamat si Karylle sa gesture ni Lea and at the sametime, flattered. Aminado ang young singer-actress na isa si Lea sa mgahinahangaan niya.

"Dati ko pa naman siyang idol, OB Montessori rin kasi ako. Thetime I was in OB, it was the time naman na she was in Miss Saigon. So, siyempre sa OB, siya yung madalas na ginagawang example sa amin,"lahad niya.

Sa ngayon, wala pa raw ibang regular show si Karylle bukodsa SOP. Ang concentration daw niyang talaga ay sa West Side Story since it willrun every weekend from September 5 to October 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya basta-basta pamakakatanggap ng projects dahil posibleng maging conflict sa mga schedulesnila. In fact, part of discipline ni Karylle ay ang matulog nang maaga hangga'tmaaari.

Sa mga interesadong manood sa closing night, puwedengtumawag kay Zaldy at 376-5631 for the tickets.

THE MARTYR GIRLFRIEND. Pino-promote pa lang nila noon angWest Side Story, naging usap-usapan na ang mga kissing scenes na gagawin ninaKarylle Christian Bautista. Siyempre pa, iba ang theater sa pelikula otelebisyon man dahil live lahat ng gagawin. Papanoorin ba si Karylle ngboyfriend niya na si Dingdong Dantes?

"Dapat si Dong na lang ang tanungin n'yo kung manonood basiya!" ang natatawang sagot naman ni Karylle. "Ang usapan kasi namin, yung sabiniya, hindi raw niya ipapaalam sa akin kung kailan siya manonood. Para hindi koalam na nasa audience pala siya."

Ano naman ang masasabi niya sa mga comments sa kanya namartir na girlfriend daw siya ni Dingdong? Sa sunud-sunod na mga events kaugnayng showbiz career ni Dingdong, kapansin-pansin kasi ang absence ni Karylle, lalo nasa mga selebrasyon na ang highlight ay ang love team nina Dingdong at Marian Rivera.

Natawa lang si Karylle na may ganoon daw palang mgacomments. Pero aniya, "Basta yung mga questions pertaining to that, we'll haveto talk na lang on a sit-down dinner. Yung sabay na kami ni Dong na magsasalitaor sasagot para, at least, hindi na paulit-ulit, isang sagutan na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN