Jolina Magdangal refused to wear wedding gown for the promo of "I.T.A.L.Y."

"Naniniwala ako na kahit hindi ako magsuot ng wedding gown sapagpu-promote ng movie namin, panonoorin pa rin ito ng mga tao dahilmagugustuhan nila ang makikita nila. Hindi lang ang mga magagandang lugar,kundi ang story rin ng bawat isa sa amin sa pelikula," says Jolina Magdangal, who plays a chambermaid in I.T.A.L.Y.



Naghintay ang entertainment press sa pagdating ni JolinaMagdangal sa presscon ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films at VivaFilms last September 1 sa Executive Lounge ng GMA Network Center dahil sabi'ynakasuot siya ng wedding gown. Pero dumating si Jolina, kasabay si RufaMae Quinto, na hindi nakasuot ng wedding gown.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolinaafter the presscon proper. Tinanong namin siya kung bakit hindi siya nakasuot ngwedding gown, na ipinagawa raw para sa kanya ng executive producer ng GMA Filmsna si Elaine Lozano para isuot sa pagpu-promote niya ng I.T.A.L.Y., na showingna sa September 17.

"Pumayag nga si Daddy [Jun Magdangal] na magsuot ako ngwedding gown, pero tumanggi ako. Ayaw ko, kasibaka maudlot ang balak naming pagpapakasal ni Bebong [Muñoz, herboyfriend]," sabi ni Jolina.

Patuloy niya, "Naniniwala ako na kahit hindi ako magsuot ng wedding gown sapagpu-promote ng movie namin, panonoorin pa rin ito ng mga tao dahilmagugustuhan nila ang makikita nila. Hindi lang ang mga magagandang lugar,kundi ang story rin ng bawat isa sa amin sa pelikula.

"At saka ang ipakikita namin dito, hindi yung ordinary sobstory ng mga OFWs na nagtatrabaho abroad, kundi yung masasaya ring pangyayarisa buhay nila doon kahit malayo sila sa kani-kanilang pamilya. May isangang eksena na gustung-gusto ko, yung pakikipag-dance showdown ni Mark sa mgaItalyanong crew ng barko, sinayaw nila sa tune ng ‘Volare.'

"Saka sa panonood nila ng movie namin, ito na siguroyung pinaka-cheap na paraan, na sa more than one hundred pesos lang na bayad sasine, para na rin kayong kasama naming naglakbay sakay ng luxury liner na CostaMagica at narating ang magagandang lugar na marami sa atin ay nakikita langito sa mga postcards.

"Kaya tama na yung nagsuot ako ng wedding gown sa mgaeksena ko na nakasakay ako sa gondola sa ilog ng Venice, at naglakad pa ako samga kalye ng Venice na naka-wedding gown din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KISSING SCENES. Bago dumating sina Dennis at Rufa Mae ay naghalikan sa harapng entertainment press ang mga kasama niya sa pelikula na si Dennis Trillo atang Italian singer na si Andrea de Lugo. Naitanong tuloy kay Jolina kung bakittila hindi pa nagkakaroon ng kissing scene si Jolina sa sa mga pelikulangginawa niya.

"I'm very thankful na hindi talaga ako nagkaroon ngganoong eksena sa mga ginawa kong pelikula. Kung meron man, daya lang oinsinuation lang na nag-kiss kami ng ka-partner ko. Kahit dito saI.T.A.L.Y., wala akong ganoong eksena," sabi ni Jolina.

Kung sakali ba, papayag siyang magkaroon ng kissing scene?

"Siguro, kapag kailangang-kailangan talaga sa story. Kungartistic ang pagkagawa at may kaugnayan talaga sa movie. Pero kung hindi naman,huwag na lang!" sagot niya.

CHOOSY JOLINA. Tinanong ng PEP si Jolina kung bakit umabot siya ng 30 yearsold na hindi pa sila nagpapakasal ni Bebong, gayong almost nine years na rinsilang magkasintahan. Ganoon din ba siya kapihikan noong bata-bata pasiya?

"Ewan ko ba, pero alam ba ninyong Grade 1 pa lang ako,may crush na ako, cute at matangkad siya!" natatawang kuwento niJolina. "Noong araw kasi, kapag Christmas, nagsasabit kami ng gift saChristmas tree sa classroom namin. Yung isinabit niyang apple, inuwi ko sabahay, itinago ko!

"Naging magkaklase kami ulit nung fourth year high school nakami, pero wala na yung crush ko sa kanya kasi tumaba na siya at sabi ng ilangclassmates namin, may asawa na siya ngayon."

Noong artista na siya at naging ka-love team niya si MarvinAgustin, talaga bang hindi naging sila?

"Hindi po," sabi ni Jolina. "Talagang naging very closefriends lang kami ni Marvin noon at in-enjoy namin ang pagiging magka-loveteam. Siguro po dahil noon pa, may kanya-kanyang dream na kami ni Marvinna gustong matupad. At tama lang ang ginawa namin, kita naman natin kunggaano ka-successful na entrepreneur si Marvin ngayon at hindi rin naman akonagkamali na pumasok sa sarili kong business."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kailan ba sila talaga magpapakasal ni Bebong?

"Hindi po ako nagmamadali. At 30, bata pa naman anghitsura ko, di ba?" natatawang wika ni Jolina.

"Basta naniniwala ako na kapag dumating na ‘yong righttime, wala nang urungan ‘yon. Saka hinahayaan ko muna si Bebong sakanyang bagong trabaho. Nasa Department of Finance siya dahil isa siyangfinancial analyst, at wala na rin naman siyang balak bumalik pa saStates."

When asked kung muli bang papasok sa pulitika si Bebong,siya na ang sumagot na walang-wala na raw balak ang boyfriend. Masyado rawitong na-disappoint sa mga nakita nito noong nakaraang election.





Trailer courtesy of GMA Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN