Phillip Salvador's ex-lover Cristina Decena talks about forgiving him


Phillip Salvador once had a relationship with businesswomanCristina Decena. In this PEP interview, Cristina relates how she has alreadyforgiven Phillip but is unable to do anything about Ipe's conviction andanother case against him.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) na makausap si Cristina Decena, ang controversial businesswoman nanaugnay kay Phillip Salvador.

Nauwi sa alitan at demandahan ang dating pag-iibigan nila niPhillip. Isa sa mga demanda niya ang naibasura na ng korte, isa naman aynag-convict na kay Phillip, habang may isa pang ongoing.

Kailan lang, sa dating action star din at dating Caloocanmayor na si Rey Malonzo naman naiuugnay si Cristina. Pero kung open si Cristinana pag-usapan yung kay Ipe, siyang kabaligtaran naman with Rey.

LET'S TALK ABOUT IPE. Aniya, "Ayoko nang pag-usapanpagdating kay Mayor. Kaya ayoko nang pag-usapan kasi, hindi naman importante.At saka, hindi naman ako nawalan, di ba?

"Yung kay Phillip naman, kahit pag-usapan natin, kasi totoo.Minahal ko talaga nang totoo. Parang blinded by love ako. At lahat ng ibinigayko, in return, hindi ko naman pinagsisihan kung bakit binigay ko. Binigay koyun out of love. Pero, may business side at may personal side. At angpinaglaban ko naman, yung business side. Lahat ng binigay ko out of personal,hindi ko na hinahabol yun."

With her and Phillip, hindi raw niya masasabing pagkatapos nglahat, magkaibigan na silang muli. And yet she believes okey naman na silangdalawa.

"Noong magkita kami minsan sa Hotel Rembrandt, nag-uusap ngayung abogado ko at abogado niya kung paano isasarado ang kaso. Kasi, convictedna. ‘Tapos, umaapela sila. Kaso, kapag pala ang isang tao ay convicted na,hindi ka na puwede ng recap, bawal na. Wala ka nang magagawa.

"Sabi ko nga, sayang, sana kung noon pa lang, humingi siyang tawad sa akin. E, yun lang naman ang hinihingi ko sa kanya, yung humingisiya ng public apology. E, hindi niya ginawa yun. Nagtuluy-tuloy ang kaso. ‘Tapos,noong humingi siya ng tawad, convicted na siya. Walana kong magagawa."

May ongoing case pa siya against Phillip. Ito yung maykinalaman naman sa condominium na tinitirhan daw ni Ipe at ng kanyang asawa samay Pinnacle sa Mandaluyong, at unang tinirhan niIpe with Kris Aquino noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa September 9, ako na yung uupo para sa cross[examination]. Sabi ko nga sa abogado ko, hindi ba nag-usap na tayo nasinasarado ko na ang kasong yun. Na pinatawad ko na siya. E, hindi raw ganoonang proseso sa batas. Kailangan daw, dahil nag-file kami ng kaso, kailangangayusin muna. At lahat daw ng darating, kailangang harapin. Kaya darating pa rinako para sa cross [exam]. Pero sabi ko nga kay Ipe, ‘Pinapatawad na kita."'

FORGIVING IPE. Napag-alaman ng PEP na kung may ilangmilyon din daw ang ibinayad ni Cristine para sa naturang condo unit, pero, tilatanggap na rin daw niyang wala na siyang magagawa ro'n at pinapatawad na ngaraw niya si Ipe.

"Oo nga, kasi, ang totoong pagpapatawad, hindi ba yungisasarado mo ang lahat? Parang gusto ko na rin isarado ang lahat para magkaroonako ng peace of mind. Anyway, napakita ko naman sa lahat ng tao na nagsasabiako ng totoo. Na nalinis ko rin naman ang pangalan ko. Maganda naman ang buhay ko ngayon. E, di patawarin ko na langkung sinuman ang gusto kong patawarin.

"Kasi, ang pagpapatawad naman sa tao, doon ka rinmagkakaroon ng totoong pagpapatawad sa Panginoon, di ba? So, parang ngayon,gumagawa na lang ako ng puro kabutihan. Ngayon kasi, parang wala na ‘kongmahihiling sa mundo.

"Yung mga anak ko naman, mga healthy naman. Mababait namansilang anak. At napatunayan ko rin na kahit single parent ako, mapapalaki korin naman sila nang maayos. Sa business, successful naman ako. So, ano paang mahihiling ko sa buhay ko kundi peace of mind na lang, di ba? Paanoako magkakaroon noon kung hindi ko pinapatawad ang tao na there was a timenaging bahagi rin ng buhay ko?"

Siya na rin daw mismo ang nagsabi sa abogado niyang tigilanna nila ang pagdidiin kay Phillip. Gagawin din daw niya kung ano pa angpuwedeng gawin, as long as hindi naman siya ang mawawalan ngkredibilidad in the process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEAVE IT ALL TO GOD. Kahit yung malaking peranginvolved na puwede niyang habulin at bawiin ay ipinagpapasa-Diyos na lang dawniya.

"Wala na sa akin...kahit hindi na niya ‘ko bayaran. Kahit pasa pag-aaral ng mga anak ko yun. Tutal kinita ko na rin yun. At saka, ano paang magagawa ko kung wala rin naman siyang pambayad, di ba?

"Yung sa convicted na siya, limang milyon din yun. Pero anoang magagawa ko, wala raw siyang pambayad, e. Yung sa Pinnacle, 20million din yun. Pero, wala raw, e...so, sabi ko nga, ano ang magagawa ko?

"Ako naman, napapagod na rin ako kaka-attend ng hearing. Eh,di, tama na lang. Patawarin ko na lang kahit walang pera. Tutal, naibalik narin naman sa akin ng Diyos sa ibang paraan [yung mga nawala]."

There was a time na tila hinamon na rin daw niya si Ipe nakung gusto nito, yung condo sa Pinnacle ay ibalik na nga sa kanya at ibibigayna lang niya ang isang condo na mas maliit para may titirhan pa rin ito. Perohindi raw pumayag si Phillip.

"Hindi raw puwede. Kasi, yun lang daw ang tanging lugar nanagba-bonding sila ni Joshua. Yung anak niya kay Kris. So, tinuloy ko yungkaso. Noong tinuloy ko nga, napa-convict ko nga siya, kasi, labasan ngebidensiya, e. Hindi ko rin naman pupuwedeng sabihin na salita lang nangsalita, siyempre, kailangang labasan ng ebidensiya."

IS HE SINCERE? Tinanong ng PEP si Cristina kung sapaghingi ba ng sorry noon ni Ipe ay naramdaman niya ang sincerity nito?

"Well, kung sincere man siya or hindi... But since ngayon,panay Bible ang dala niya at nangangaral siya ng salita ng Diyos, para bangyung mangaral ka ng salita ng Diyos kung sincere man o hindi, kung hindi kasincere, mas lalo kang nagkakaroon ng kasalanan. Kung sincere man at maramikang napapabuting tao, e, di parang sa iba na lang siya bumawi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Kaya hindi na rin ako interesadong tutukanitong pangalawang kaso, kasi, na-convict na siya noong una. ‘Tapos, kungmapapa-convict ko na naman siya, wala nang karapatang mag-Court of Appeals.Dire-diretso na sa bilangguan. Papaano kung mapapa-convict ko ulit? Magigingmasaya ba ‘ko kung maipapakulong ko ang taong dating minahal ko rin, di ba?Magiging masaya ba ‘ko kung alam ko na may mga anak siya na magdurusa dahil angtatay nila nakakulong?

"So, ako pa rin ang talo pagdating ng panahon. Kahitsabihin pang nagkasala siya, sa konsensiya ko, nakapagpahirap ako ng kaloobanng mga bata, kaya bahala na siya..."

THINGS TO THANK FOR. Pero kung tutuusin nga raw,napakaraming bagay na dapat niyang ipagpasalamat, kaya doon na lang nakatuonang pansin niya. Tulad na lang last week kunsaan, na-recognize siya ng 10thAnnual Global Excellence Awards at the Baiyoke Sky Hotel, Bangkok, Thailand for2008 Global Achiever Awardee for Entrepreneurship & HumanitarianServices. Sa kategoryang ito ay siya nga lang ang bukod-tanging Filipinona pinarangalan sa Bangkok.

Hindi lamang siya sa business nagiging successful kundimaging ilang sector ay nabibigyan siya ng parangal. Na kahit pala dumaan siyasa matinding pagsubok in the past, ngayon ay masasabing vindicated siya nanghusto.

"Sa totoo lang, yung mga nangyayari ngayon, pati yang mgaganyang award, hindi ko naman ine-expect ‘yan. Hindi ko inaasahan na maydarating na ganyan. Like kung nakakatulong man ako sa kapwa, especially with myfoundation, wala ka namang iniisip na kapalit doon. Gagawa ka lang talaga paramakatulong, pero ang Diyos, at may mga taong nakakakita pala na siyangmagre-reward sa ‘yo, at ang tawag ko ru'n, bonus."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN