Zsa Zsa Padilla very proud of daughter Karylle's performance in "West Side Story"

Zsa Zsa Padilla gives daughter Karylle a big hug after the latter's performance as Maria in the musical play West Side Story last night, September 3, at the Meralco Theater. "Proud, very proud! Siyempre excited ka. Ninenerbyos ka, lahat!I am very proud kasi ‘pag pumapalakpak ang mga tao, parang gusto kong sabihinna, ‘Anak ko ‘yan!'" says Zsa Zsa.



Proud na proud si Zsa Zsa Padilla sa performance ng kanyanganak na si Karylle sa press night ng musical tragedy, West Side Story, na ginanapkagabi, September 3, sa Meralco Theater. Si Karylle ang nag-perform bilangMaria, opposite Christian Bautista as Tony.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Zsa Zsa after the performance, winikang singer-actress na naiyak siya habang pinapanood ang kanyang anak.

"Naiyak ako nang mapanood ko ang wedding scene nila. Sabiko, maiiyak ako ‘pag wedding na ni Karylle, naiyak din ako noong namatay siChristian. Nagulat ako kasi nalimutan ko na kasi ang kuwento nito. I was ableto watch the movie kasi," kuwento ni Zsa Zsa, na medyo naluluha-luha pa.

Dagdag niya, "First time kong napanood si Kaye, pero nagpuntaako noong rehearsals niya. Siyempre, proud na proud ako sa kanya. Kasi dream nglahat ng singers and actresses na makalabas sa entablado. Kasi nga, talagangbihira naman ang gumagawa ng musical sa pelikula. It's very fulfillingsaka yung natutunan niya sa entablado ay priceless talaga."

Did she imagine Karylle doing a musical play?

"Napakahirap nga ng material na ito. Sabi ko nga, itongnakita nating ito, dress rehearsal pa lang ito. Ang dami pa nilang puwedenggawin to improve on it. Manonood pa ako uli. Actually, I was encouraging Kayeto do something like this, kasi you have everything to gain with the experience,"saad ng Divine Diva.

Ano ang feeling ng isang mommy watching her daughterperform?

"Proud, very proud!" bulalas niya. "Siyempre excited ka. Ninenerbyos ka, lahat!I am very proud kasi ‘pag pumapalakpak ang mga tao, parang gusto kong sabihinna, ‘Anak ko ‘yan!'"

Winika pa ni Zsa Zsa na she would invite her friends namanood ng West Side Story.

Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa performanceni Karylle, tumangging magbigay ng pahayag si Zsa Zsa.

"Ayoko, baka sabihin nila na stage mother ako!" natatawangsabi niya. "But I was interviewed by the members of the TV crew. Nahulinila ako during the break. I don't want to comment unless I am asked. Wala panaman nagtanong sa akin regarding that, pero I am confident enough that Karylledid a very good job, kasi she really played her character well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit ni Karylle na dream niyang magpunta ng London totry her luck sa West End, na counterpart ng Broadway sa New York. May plano rawsi Karylle na mag-audition dahil sa naririnig niyang kuwento ni Joanna Ampil, who also plays Maria in West Side Story,tungkol sa pag-perform nito bilang Kim sa Miss Saigon. Suportado raw ni Zsa Zsaang kanyang anak sa bagay na ito.

Mas gusto ba niya na mag-try sa London si Karylle o angmag-asawa ito? Hindi ba parang Karylle is preempting the possibility ofmarrying early?

"Marami pang dreams na gustong i-fullfil si Kaye. Hindi pa naman yata darating ‘yong time na ‘yon," sabi ni Zsa Zsa, nainamin na talagang she felt sentimental nang mapanood ang eksenang ikinakasalsina Christian at Karylle.

"Bigla akong naiyak nang mapanood ko ito. Pero humagulgoltalaga ako sa death scene. Nagkaroon lang ako ng realization na darating angaraw, mag-aasawa rin si Kaye," saad niya.

Although may boyfriend si Karylle—si DingdongDantes, who also watched last night—tila hindi pa nakikita ni Zsa Zsa ang moment na ikinakasal ang kanyanganak.

"Doon ko lang na-realize, when they sang ‘One Heart, OneMind,' na darating din ang moment na mag-aasawa si Kaye. Kung kailan ‘yon,hindi pa naman ako pressured. No pressure," nakangiting pagwawakas ng Divine Diva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN