Karylle toying with idea of trying her luck in London's West End

"Just being around with Joanna and Rowena,parang maiisip mo, ‘Puwede nga kaya?' Try ko rin. Pero parang ano-ano lang,kuwentuhan lang. Siyempre, every day kaming nagla-lunch nina Joanna at Rowena,especially Joanna kasi mas nauna siyang dumating. So, minsan nagkukuwento siyang London-London, so...hay naku, di ba?" says Karylle (in photo, with leading man Christian Bautista) when asked about her plan to audition in London's West End.



Bukas, September 5, na magsisimula ang regular run ngmusical play na West Side Story sa Meralco Theater at tatagal ito hanggangOctober 12.

Pero sa press night ng West Side Story kagabi, September 3,nahusgahan na ang performance ni Karylle bilang si Maria, opposite ChristianBautista who plays Tony. Bukod sa sorpresang pagdating ng boyfriend niyang siDingdong Dantes, present din ang mga kaibigan at pamilya ni Karylle.

Nang magkaroon ng 15-minute break ay maraming nasorpresa saipinakitang galing ni Karylle sa pag-arte at pagkanta ng mga classic songs sanaturang musical play.

"Actually, hindi pa talaga ako nakakapag-perform ng fullcostume. Parang dress rehearsal ko nga lang ngayon kaya inisip ko na lang yun.Okey naman. Inisip ko na lang na rehearsal na lang ulit muna para hindi akokabahan masyado," nakangiting sabi ni Karylle.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylleafter their performance kung may ideya ba siya bago at habang nagpe-performkung sino-sino ang mga taong nanonood sa kanya sa audience.

"Well, I know that my mom's [Zsa Zsa Padilla] there and mysister. Pero yung kay Dong kasi, sinabi ko na ayokong malaman. At saka na-getsna rin niya yun. Hindi niya sinabi that I will be there at the opening. Nalamanko na lang din ngayon, kasi siyempre may mga nagsasabi. Although, ina-announceko na ayokong malaman kapag nandito siya. Gusto ko lang malaman after!"natatawa niyang sabi.

Nakaramdam ba siya ng kaba nang malaman niyang nandun siDingdong?

"Konti lang!" natatawang pag-amin niya. "Mas mahirap namankasi kung iisipin ko the whole day, di ba?"

Ano naman ang reaction ni Karylle sa sinabi ni Dingdong naproud ito sa girlfriend nang mapanood ang performance last night?

"Hindi pa kami nagkakausap. Hindi ko pa alam kung ano angmasasabi niya," sabi niya.

Dahil sa ipinakita niyang kahusayan sa West Side Story,bukod sa puwede rin pala siyang makipagsabayan sa mga West End at Broadway starsna sina Joanna Ampil at Rowena Villar, is it true na international theaternaman ang next target ni Karylle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, just being around with Joanna and Rowena,parang maiisip mo, ‘Puwede nga kaya?' Try ko rin. Pero parang ano-ano lang,kuwentuhan lang. Siyempre, every day kaming nagla-lunch nina Joanna at Rowena,especially Joanna kasi mas nauna siyang dumating. So, minsan nagkukuwento siyang London-London, so...hay naku, di ba?"

Maging si Dingdong ay kinumpirmang isa yun sa talagangpangarap niya.

"Actually, hindi naman masyado," sabi ni Karylle. "Pero ngayon, parang nagigingganoon. Talagang gusto ko lang i-enjoy. Parang nakaka-enjoy lang. Siyempre, naiisip mo lang. Yung mga taongnakapaligid sa ‘yo, yun din ang naging buhay nila. So, kung kaya pala nila, bakit hindi, di ba?"


Ticketworld


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN