Mark Herras's fans challenge fans of Rhian Ramos to show themselves if they truly exist

"Konklusyon po talaga, hindi lamang ng aming grupo kundi mga Kapuso, ay si Rhiandin ang nagpapakalat ng mga isyu sa kanya para magmukhang may fan siya, pero satotoo lang wala siyang fans," says a fan of Mark Herras in an e-mail sent to entertainment columnists.



Isa sa bagong pinakasakit ng ulo sa mga manunulat ngayon ay angrumaragasang giyera sa pagitan ng mga fans nina Mark Herras at Rhian Ramos nadinadaan sa paramihan ng e-mail. Tuwing umaga, napupuno ang Inbox ng ilangmanunulat sa sagutang ginagawa ng mga kampo ng dalawa sa bida ng I.T.A.L.Y. (ITrust And Love You) ng GMA Films na magbubukas this September 17.

May practice kami na hindi pumapatol sa mga e-mail ng mga fans nangbasta-basta. Bawat isang e-mail na nabanggit, ginu-Google muna namin ang e-mailaddress sa pamamagitan ng pag-check nito sa Yahoo! profile, Facebook,Friendster, at My Space. Kapag wala kaming ibang verification na nakuha, alamagad naming sadya lang ginawa ang e-mail address para makilahok sa isang usapanat hindi na namin ito binibigyan espasyo sa panulat namin.

Sa isang e-mail ng fans ni Rhian, nanakot sila na sa premiere daw ng I.T.A.L.Y.ay ibu-boo nila si Mark at may magtatangka pang mambato sa unang StarStruck UltimateMale Survivor.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark tungkol ditoat simple lang ang naging sagot niya.

"Kung ibu-boo po nila ako, dedma lang. Alam ko namang hindi ko mapi-pleaselahat ang tao, lalo na sa mga fans ni Rhian na galit sa love team namin," sabini Mark sa huling presscon na ibinigay ng GMA Films para I.T.A.L.Y.

Ibang usapan na raw kapag nabato siya at nasaktan siya. Birong may halongkatotohanan, hahanapin niya raw talaga ang mambabato sa kanya atkukumprontahin.

A FAN'S OPEN LETTER. Nakatawag-pansin sa amin ang isang e-mail mula sa isang MarkHerras fan, na na-verify namin ang e-mail address, na existent nga, tungkol sa bantang ito ng fans diumano ni Rhian.

It reads in full:

"Gusto ko lang po magbigay ng aking opinyon (sa totoo lang, opinyon din poito ng mga ibang Kapuso fan groups na nakausap ko) tungkol sa mga fans ni RhianRamos. Ako po ay miyembro ng TOPAKS fan group (official fan group ng Mark-JennylynMercado love team). Hindi po talaga ako pumapatol sa mga net wars ng mga fansni Rhian at Mark, pero nakakapagtaka lang po talaga ang mga sinasabi ng mgafans ni Rhian, ganun na din po si Rhian. Palagi po kaming nagpupunta sa SOP,Showbiz Central, SiS, at pati na dati sa My Only Love tapings, pero never potalaga namin nakita na may fans si Rhian na pumunta sa kahit anong programangnabanggit ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtatanong-tanong na din po kami sa ibang fan group tulad ng mga MarianKnights, Marimarians, JCnatics, Kramies, etc., pero sila din ay wala kahitisang fan ni Rhian na kilala o nakikita. Malaki po talaga ang duda namin nawala naman po talagang fans ang babaeng ‘yan at mga IMAGINARY fans lang anglagi niyang sinasabi sa Internet.

"Duda din namin ay kampo niya rin ang nagpapakalat at nagpapanggap na fansna galit kay Mark para mapag-usapan siya. Alam naman po namin na si Richard [Gutierrez]talaga ang gusto ni Rhian, pero gaya nga ng sabi ni Mark, management decisionyun at wala din siyang magagawa.

"Hindi ko lang po talaga mapigil ang sarili ko sa ngitngit every timemapapanood ko ang babaeng ‘yan na sinasabi na ‘mga fans ko' dahil sa amingopinyon, WALA TALAGA AT IMAGINARY FANS lang meron siya.

"Hindi ba't sinasabi ni Rhian na mga ‘Internet-based' ang kanyang fans.Kung totoong ‘Internet-based' ang kanyang fans, bakit po kaya sa Pinoy Exchange [pinakamalaking forum ng mga artista] at iGMA Forum [officialforum ng mga Kapuso artist] ay nilulumot yung thread ni Rhian? Nasaan na angsinasabi niyang mga fans?

"Si Rhian din lang po ang kaisa-isang Kapuso artist na wala man lang kahitisang ‘love team' thread. Hindi na po kami magtataka dahil halos lahat naman ngmga naka-love team niya ay galit sa kanya ang mga fans. Yung sariling thread poni Rhian sa iGMA, 1 taon and 5 buwan na eh, thread 1 pa rin po, ang http://www.igma.tv/forum/index.php/topic,577.660.html.

"Si Jen [Jennylyn Mercado] po, thread 109 na. Si Mark, thread 62 na. Kahitpo ang mga baguhang artista ay halos lampas thread 10 na. Pero si Rhian, thread1 pa lang. At dun sa thread 1 na po yun, siguro mga 90% ng post ay against herpa. So nasaan na po ang mga fans niya na mahilig mag-email? Wala man langnagtatanggol sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sigurado po kami na wala naman talaga fans ‘yan. Mapa-Internet man oyung mga solid fans na pumupunta sa taping, premiere night, at iba pang solid event,WALA PO TALAGA. PRODUKTO LANG PO NG IMAHINASYON NI RHIAN NA MAY FAN SIYA.

"Ang mababang rating ng My Only Love at ng mga show niya ay isa rin pongebidensiya na wala talagang fan base si Rhian.

"Konklusyon po talaga, hindi lamang ng aming grupo kundi mga Kapuso, ay si Rhiandin ang nagpapakalat ng mga isyu sa kanya para magmukhang may fan siya, pero satotoo lang wala siyang fans.

"May nabasa nga pala akong artikulo sa PEP na may coverage daw ang debut niRhian para sa kanyang fans, ang tanong po, MAY FANS PO BA TALAGA?

"Kung meron man fans si Rhian, HINAHAMON NAMIN SILA NA IPAGTANGGOL SI RHIAN OMAGPAKITA.

"Hindi po kami natatakot sa premiere ng I.T.A.L.Y. dahil sigurado kami walanamang fans si Rhian at gawa-gawa lang ang mga isyu para magmukhang may fans siya."

The e-mail ended there.

Matatandaan noon na sa premiere night ng Ouija, noong panahon na galit supposedlyang fans ni Rhian sa kanya ay nanakot din na kukumprontahin siya. Walangnangyaring ganoon sa premiere night. Nagtagal kami ng ilang manunulat sa labasng sinehan kung may lalapit kay Rhian at guguluhin siya ngunit wala kamingnasaksihang komprontasyon.

Ipinadala rin namin ang e-mail ng fan ni Mark sa GMA Artist Center para sa kanilang reaksiyon at sareaksiyon ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN