Rosanna Roces talks about "Manila" co-star and producer Piolo Pascual

"At least kahitnagka-apo na ako, hindi ko man siya maka-love team, nakasama ko pa rin siya sapelikula. Kahit mother role, ang anak mo naman, as in BY, guwapo, di ba?" says Rosanna Roces about Piolo Pascual, her co-star in "Manila" who also co-produces the movie.



Matapos ang mga eksplosibong interview ng Juicy at PEP(Philippine Entertainment Portal) sa controversial actress na si Rosanna Rocestungkol sa mga intriga sa kanya, nakapanayam din ng PEP si Osangtungkol naman sa pelikulang pinagsasamahan nila ni Piolo Pascual, ang Manila,na pinagbibidahan at co-produced ng matinee idol.

Twinbill ang indie movie na ito, na sinasabing remake ng mgapelikulang Manila by Night ni Ishmael Bernal at Jaguar ni Lino Brocka.

"Hindi siya remake, tribute ito kay Bernal at kay Brocka.Itong Manila nga, naloka ako, kasi siyempre hindi mo naman alam sa una kungsino ang cast, di ba? Na-surprise ako, kasi nandun si Jon Avila, AngelicaPanganiban, Iza Calzado, William Martinez, Marissa Delgado, John Lapus. Dun dinsa Jaguar side, sina Alessandra de Rossi, Jay Manalo, hindi rin basta-bastaang cast. Parang hindi nga indie, e," lahad ni Osang.

Nanay ng Piolo karakter ang role na ginagampanan niya sa Manila.Paano niya nakuha yung role?

"Si Butch Francisco yung tumawag sa akin. Siya yata yungkinontak ni Noel Ferrer. Siyempre film critic, sabi niya sa akin, ‘Wag mo itongtatanggihan.' Saka aminin natin yung mga pinagmulang pelikula niyan [Manila byNight at Jaguar] talagang critically-acclaimed, award-winning. Sino ba namanako para tumanggi sa ganyang proyekto? ‘Tapos, may mga nagsasabi sa akin na,‘Hay naku huwag mong tanggapin. Maliit lang ang budget niyan.' Ang sagot ko sakanila, ‘Hay naku, kahit yata libre, tatanggapin ko pa rin ito.' Ang damingartistang magpapakamatay para makuha ang role na ito at makasama sa pelikulangito. Hindi pinag-uusapan ang pera rito, kundi yung role."

Originally, si Charito Solis ang gumanap sa role ni Osang saManila. Ano ang feeling?

"Siyempre flattered."

Choice daw talaga siya ni Piolo para sa role na ito.

"Yun nga ang ipinagpapasalamat ko, e. At least kahitnagka-apo na ako, hindi ko man siya maka-love team, nakasama ko pa rin siya sapelikula. Kahit mother role, ang anak mo naman, as in BY, guwapo, di ba?" tawaniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya kay Piolo bilang co-actor at producer?

"First time naming magsasama. Magaling siya, sensitive.Hindi kayo kailangang mag-usap para magawa n'yo yung eksena. Ready siya lagi.At hindi n'yo kailangan ng usapan. Kakausapin kayo ng direktor. ‘Tapos pag-rollna ng eksena, magugulat ka, ang galing niya.

"As a producer, wala akong masasabi, organisado lahat. Unanaman tinitingnan natin yung pagkain, di ba? Maayos na maayos yung pagkain.Nag-shooting kami sa Baclaran, ang dami kong escort, protektado talaga. Ang mgaartista hindi napapabayaan. Yung iba, tipong bahala ka na diyan. Siya hindi,masarap siyang maging producer."

Ano ang feeling na nagbabalikpelikula na siya after so many years?

"Siyempre noong una, nakakakaba dahil iba yung film talaga,e, 16 mm kami. Iba kasi kapag nasanay ka sa TV. Yung mga artista umaanggulo.Yung unang gabi ng shooting nakakakaba. Unang eksena, bugbugan agad," kuwentoniya.

BUGBUGAN SCENE. Totoo bang nagkasakitan talaga sila sa "bugbugan" scene nilani Piolo?

"Oo, tatlong atake yung pinagawa sa amin. Yung isa marahastalaga. E, ang haba pa naman, mula taas ng ospital kakaladkarin ko talaga siya.Mapapagod ka talaga. Siyempre first time namin, wala pa kaming back story.Parang ang hirap isipin na anak ko ito, ‘tapos gugulpihin ko.

"Magaling si Piolo. Siyempre ginalingan ko rin. Ayoko rinkasing mapahiya. Kasi ako talaga yung pinili niya para maging nanay niya, diba? Ayoko ring mapahiya kay Piolo at sa dalawang direktor namin [Adolf Alix atRaya Martin]. At saka nagapapasalamat nga ako sa kanila na hindi silananiniwala sa tsismis na pasaway raw ako sa set, ‘tapos kailangang ibunton saisang tao ang pagkakamali ng iba.

"Gaya kay Anita Linda, ang sabi nila, ulyanin na. Perokinuha ni Direk Adolf, ginawa yung Adela. Itong mga taong ito yung masarapkasama kasi binibigyan ka nila ng importansiya, at na-feel ko talaga yun."

Marami ang nakapansin na talagang lalong naging mahusay sapag-arte si Rosanna, maging sa mga teleseryeng ginawa niya. Paano nga ba siyagumaling nang ganito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro sa experience sa buhay," sagot niya. "Kung wala kangmasasakit na karanasan, hindi ka magiging magaling na artista. At sakakailangan may konting topak sa ulo. Lahat naman ng artista may kanya-kanyangtopak. At least naman ako ‘pag tinopak, nagrebelde, napapagaling yung ginagawako.

"Ako kasi, ang gusto ko yung nahihigitan ko ang akting ko.Gusto ko pataas nang pataas. Pero minsan nagugulat din ako, kasi siguronasosobrahan na rin ako sa mga nangyari sa akin, ang dali ko tuloy humugot.Hindi gaya ng iba, walang paghuhugutan."

So, sa tingin ba niya posibleng manalo siya ng award dito?

"Hindi ko na iniisip yun. Ang target ko rito, yung audiencesa abroad, kasi nga isasali ito sa mga international film festivals, e."

Pero inamin din ni Osang na wish niyang makakuha ng award saYoung Critic's Circle.

"Sila kasi yung nakatingin sa akin, e. Sila yung hindinaniniwala sa tsismis, pero ang tinitingnan yung improvement mo sa akting. Sakakapag nakakuha ka noon, bongga!" bulalas niya.

May gagawin siyang another indie movie, aniya, tungkol namansa isang babymaker.

OSANG AS MOTHER & LOLA. Samantala, napag-usapan din ang kanyang mga anak at mga apo.

Kumusta na ang relationship niya sa kanyang mga anak na sinaGrace at Onyok?

"Nare-realize na nila ngayon na, ‘Kaya pala wala siya noondahil nasa trabaho para sa amin.' Noon, ang nasa isip lang nila wala kangpanahon. Ngayon, alam na nila."

So, sweet na sila ngayon?

"Oo, kasi feeling nga nila noon wala ka lagi. Ngayon,hina-hug na ako, hinahalikan."

Natutuwa nga raw siya para kay Onyok dahil busy ito sabusiness.

"Ayun, kagagaling lang namin ng Pansol, nag-birthday kasi siOnyok noong August 27. ‘Tapos yung asawa naman niya, kabi-birthday din.Nagbi-business na silang mag-asawa ngayon. Shoes, RTWs. Nag-umpisa ito,nagsu-supply sila sa mga tiangge. Talagang matiyaga sila. ‘Tapos nag-ano silasa Multiply, then kinontak sila ng taga-South Africa, taga-Israel. Kayanag-e-export na rin sila. Gawa sa Marikina yung mga shoes and bags. Tapos yungnakuha nilang designer, nagde-design sa Via Venetto. Pina-pirate nga sa kanila,e, nasa kanila naman yung loyalty. So medyo kahit paano, nakakatulong din. Yungiba walang pakialam, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang apo niyang si Budoy?

"Okay naman. Pagkagaling sa school, ipinapasyal ni Jolo[Revilla]. Wala na naman kaming problema."

Si Jolo ba ay pumupunta sa bahay nila?

"Oo, ‘pag ihahatid si Budoy."

Nag-uusap ba sina Jolo at Grace?

"Oo naman, wala namang problema."

Natatawa namang ikinuwento ni Osang ang tungkol sapagkakahilig ni Budoy sa kape. Paano nahilig ito sa kape, nakikita ba sa kanya?

"Hindi naman. Hindi rin naman ako mahilig sa kape, e. Bastakapag nakakita ng nagkakape, naiinggit. Hanggang sa dinodo na yung kape."

Biniro namin na baka maging tambay na si Budoy ng Starbuckso anumang coffee shop.

"E, minsan nga, nag-uusap kami about vanilla, bigla ba namannagsalita, sabi ‘Starbucks yun.' Dinadala rin kasi ni Grace sa Starbucks, e."

Hindi ba nagkakaselosan sa atensiyon ang kanyang mga apo?

"Parang meron. Parang may selosan nga. ‘Pag binuhat mo yungmaliit [anak ni Onyok], kukunin na ni Budoy yung atensiyon ko. At saka dahil narin siguro hindi nga sila magkasama sa bahay. Kaya hangga't maaari ngapinagkikita ko sila lagi," kuwento ni Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN