Alfred Vargas talks about his passion for farming

"Sobrang fertile ng land natin. May krisis daw sabigas, pero puntahan mo ang highway papuntang probinsiya, marami kangmadadaanang mga lupaing hindi pa natataniman. Kung pagtitiyagaan natin, malakiang maitutulong sa atin," says Alfred Vargas.



Sa mismong pad na tinutuluyan ni Alfred Vargas, sa DonAntonio Heights, Quezon City, kami nagkita ng aktor para sa panayam na ito naeksklusibo para sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Sa kanyang career, kakapirma lang niya ng another two-yearexclusive contract sa GMA-7. Tatlong regular exposures ang kasama sa deal naito. Ang pagpapatuloy ng character niya sa Dyesebel, ang pagku-comedy niya saNuts Entertainment, at ang bagong karagdagan ay ang afternoon soap na Una KangNaging Akin, kung saan kasama niya sina Maxene Magalona, Wendell Ramos, atAngelika dela Cruz.

Dagdag ni Alfred, "Bukod pa riyan, nag-resume na kaming shooting para sa Viva project na Civil Status: Single, na si Rufa Mae Quintoang bida. Baka makahabol pa ako ng isang movie bago matapos ang taon. Kayanatutuwa ako siyempre, at very thankful, sa magandang turnout ng career ko."

Maraming napasukang negosyo si Alfred at ang mga ito'ykumikita naman. Kumbaga, ito yung panahong nagbubunga ang mga unangnapagsikapan niya.

"Pero may pinasok akong talagang tinututukan ko ngatensiyon ngayon, which is farming," naibalita ng aktor. "Nagtatanimako ng gulay sa Bulacan. Mayroon kaming maliit na property doon,napapakinabangan ko through planting. Bukod doon, may mga natutulungan akongfarmers. At nakakatulong pa ako seafood production."

Bilang economist and manager, pinag-aralan ito ni Alfred namay kaugnayan sa kursong kinuha niya sa Ateneo de Manila.

"Mas maganda talaga na yung negosyong itatayo mo, maysocial relevance naman," sabi ni Alfred. "Kapag nakatulong ito sa mgatao, palagay ko, doon ka talaga magpo-prosper. At saka love na love ko angfarm."

Kagagaling ni Alfred sa farm nang makipagkita sa amin, atiba ang feeling niya.

"Medyo nasusunog ang balat ko sa init, pero iba pa rinang simoy ng hangin doon. Fresh na fresh. Nakaka-relax. Nalalayo ako sashowbiz, sa tsismis. Lalong gumaganda angpakiramdam ko," lahad niya.

Sa Catmon, Sta. Maria, Bulacan matatagpuan ang farm niAlfred, at doon talaga siya lumaki.

"As much as possible, kahit four times a week,pinupuntahan ko talaga. Pero lately, once or twice a week nga lang dahil maramiakong ibang inaasikaso. Kahit five to ten minutes lang, daraan talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From Quezon City, mayroon akong taping sa Olongapo,dinaraanan ko na lang talaga. Kakausapin ko lang yung farm technician ko, pati yungfarmers, konting habilin, 'tapos diretso na sa taping," kuwento pa ngbinata.

Usually, mga gulay talaga ang nakatanim doon. Sili, pechay,talong, okra, ampalaya, kangkong, luya, at sari-saring iba pa.

"Different varieties, at naka-tie up din kasi ako withthe Department of Agriculture, at saka UP Los Banos," dugtong ng aktor. "Saakin, pagbutihan ko lang ito, sana marami akong ibang taong ma-inspire namuling magtanim. Kung gagawin natin ito, mawawalan tayo ng problema sa pagkain,kahit sa bigas.

"Sobrang fertile ng land natin. May krisis daw sabigas, pero puntahan mo ang highway papuntang probinsiya, marami kangmadadaanang mga lupaing hindi pa natataniman. Kung pagtitiyagaan natin, malakiang maitutulong sa atin."

Naaalala ni Alfred ang kabataan niya dahil noon daw aytambay siya ng farm.

"Ngayong nagkakaedad ako, bumabalik ako sa ganito. Nare-relaxnga ako, and I feel detached from showbiz kapag nasa farm ako. Walang puyat,walang pollution. Especially 'pag sunset na, at yung tinanim mong seed,makikita mo, lumalaki at lumalago," saad ni Alfred.

Nawi-witness ni Alfred ang miracles ni Lord sapamamagitan ng farming. Mukhang papunta talaga siya sa negosyong ito, peronasabi pa rin niya that his passion will always be acting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN