Jericho Rosales returns to acting but says he's still a musician

"Natutunan ko nang mag-let go, hindi mo nailalagay sa sarili mong mga kamay ang mga bagay," says Jericho Rosales abouthis decision to go back into acting.


Matagal-tagal din ang pagkawala ni Jericho Rosales satelebisyon simula nang magdesisyon siyang mag-focus muna sa kanyang pagigingmusikero. Matapos ang halos isang taonna bakasyon, muling mahuhusgahan ng mga manonood ang kanyang galing sa pagganapbilang Rocky sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Kahit Isang Saglit.

Sa kanyang pagbabalik-telebisyon, nasabi niJericho na sobrang excited na siya sa pagsisimula ng Kahit Isang Saglit.

"Kinakabahan kaming lahat para sa firstairing namin. Lalo na ako, kasi firstsoap ko ulit after a long, long time. Basta very excited ako and very positive ako," ani Jericho sa pressconference ng naturang teleserye kagabi, Setyembre 4, sa 13th floor ngELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

Ibinahagi rin ng 28-year-old na aktor ang ilang bagay nanalaman niya habang siya ay namamahinga mula sa pag-arte at isa na rito ay angpagiging isang artista niya.

Ani Jericho, "'Yong pagtigil ko sandali, 'yon yung malaking tulongsa akin para ma-realize ko na isa pa rin akong artista at magpapatuloy ako sapagiging artista, hindi lang sumulat ng kanta, gumawa ng banda.

"Na-realize ko na may purpose ang bawattao sa mundo natin. Kunwari, ako,artista nga ako, di ba? Sige, tumigilka and then nag-grow ako as a person. Nalaman ko 'yong katigasan ng ulo ko, nalaman ko 'yong pagkarebelde kopa."

Ngayong nagbabalik siya sa karerang kanyang unangminahal, inamin ni Echo—popular na bansag sa binatang aktor—na ibinibigay naniyang muli ang kanyang buong kalooban dito.

"Ibinigay ko 'yong sarili ko na, ‘Sige, ito 'yong gusto ngtao, hinahanap ka nila na mag-drama, hinahanap ka nila na maging simpatiko,hinahanap ka nila na maging astig ka, hinahanap ka na sumunod ka.' Sumunod naman ako at hindi naman akonagkamali. Sumakay lang ako nangsumakay.

"Ngayon, nandoon na ako sa pupuntahan ko. Na-realize ko lang na sa buhay ng isang tao,kailangan mo lang tumingin kung saan ka nanggaling at saan ka pupunta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON BEING AN INTERNATIONAL ARTIST. Bagama't pansamantala siyang hindi naging aktibo sa pag-arte,patuloy pa rin naman ang pagkilala kay Jericho, lalo na sa bansang Malaysia kungsaan ipinalalabas din ang mga nakaraan niyang proyeko. Ilan dito ay ang Pangako Sa'yo at Sana'yWala Nang Wakas.

Saksi sa kasikatang ito ang ilang kasamahan ni Echo sa KahitIsang Saglit nang mag-taping ang grupo sa Malaysia.

"Sa Malaysia kasi, dahil sa Pangako Sa'yo at sa Sana'yWala Nang Wakas. Actually, pati siKristine [Hermosa] kilala na rin doon, sila Amor Powers [Eula Valdes]. So, love na love nila ang show doon,"patunay ni Echo.

Dahil sa kasikatang ito, napagbigyan si Echo na bumiyahepabalik ng Pilipinas kahit na nakalimutan niya ang kanyang plane ticket.

Kuwento ng binatang aktor, "One time, sa airport, nakalimutanko po 'yong [plane ticket] ko [pabalik ng Pilipinas]. Wala akong ticket, nakiusap ako sa Immigration, e, since kilalana nila ako, pinayagan nila ako. Nakakahiya, pero..."

Ano naman ang masasabi niya sa pagiging sikat niya sa ibangbansa?

"Siguro, like Freddie Aguilar, I take pride. At least nadalanatin, naipakilala natin ang kultura ng Pilipinas sa Malaysia," sagot niya.

STILL A MUSICIAN. Matatandaan na nang mawala si Echo sa larangan ng pag-arte, ibinigayniya ang kanyang buong oras sa pagsusulat ng kanta para sa kanyang datingbanda, ang Jeans, gayundin sa kanyang pagiging solo music artist kinalaunan.

Ngayon, sa kanyang pagbabalik mula sa sandaling pagbabakasyonsa showbiz, nalaman ni Echo ang kaibahan ng turing sa pagitan ng isangartista at isang musikero. At ayon sakanya, hindi niya ito nagustuhan.

"Naalala ko sa may lobby ng ABS-CBN, lumabas ako 'tapos maynagsabi sa akin, ‘O, ano, musikero ka na lang?' Parang ganun, so na-hurt akobilang musician, di ba? Parang bakithindi ganun ang level ng pagtingin nila sa mga musikero, [tulad ng] mgaartista.

"Sa mga musikero, sumusulat sila ng kanta, umiiyak tayodahil sa mga kanta nila, tumatawa tayo, nagpa-party tayo dahil sa mga kantanila. So, malaking parte ito sa mgabuhay, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano na nga ba ang mangyayari sa kanyang singing careerngayong nagbabalik na siya sa pag-arte?

Ayon kay Jericho, patuloy pa rin namang nakikilala angkanyang talento sa pagkanta. Medyo maykahirapan nga lamang daw dahil sa ngayon ay sa EMI Malaysia siya nakapirma parasa kanyang debut album na Jericho.

"Medyo may kahirapan ng konti kasi wala ako doon, so mahirapmag-promote. Parang ganun doon, e,kailangan mag-promote ka. Pero tinanggap naman ng ibang press din doon at sakamay mayroon ding magandang reviews. Actually, ang alam ko, dapat nga kung nandoon kami, mano-nominate kamifor parang Best Newcomer. Wala kamidoon, so mahirap mag-promote," saad ni Jericho.

Ibig sabihin ba nito ay tuloy pa rin ang kanyang pagigingmusikero kahit na magiging abala siya sa mga proyektong pantelebisyon atpelikula?

"Tuloy 'yon! Tuloy 'yon!" sagot ni Echo. "Seasons lang kasi now may album pa naman, Jerichois still out. Early next year, angplano ko talaga mag-release ng another album. Naka-prepare na ang mga songs na bagong sulat. Next year 'yan, tamang-tama, first quarter."

Dagdag niya, "Hindi ko kaya [iwan ang singing career], masyadong malaki angna-sacrifice ko for that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN