Star Magic 16 member Kristel Moreno has no grudge against her imprisoned father

Newcomer Kristel Moreno was introduced along with 19 other hopefuls as part of the newest batch of Star Magic. She will be seen in the upcoming ABS-CBN primetime series I Love Betty La Fea.



Dating child starang isa sa miyembro ng Star Magic Batch 16, si Kristel Moreno. Pansamantalangnawala si Kristel sa showbiz dahil nag-concentrate siya sa kanyang pag-aaral.Nang bumalik siya ay naging miyembro siya ng SexBomb, pero hindi nagtagal ayumalis din siya sa grupo para i-pursue ang kanyang solo career.

Sa kanyangpagbabalik, mas confident na siya at may potensiyal na maging susunod naleading lady sa telebisyon. Kasama siKristel sa all-star cast ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang I Love Betty LaFea, na magsisimula na sa September 8.

"Isa po ako sa mgakasama sa Eco Moda ni Betty. Ako poyung may putok [body odor] na officemate niya," simula ni Kristel nangnakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi ba siyana-turn off sa role niya sa I Love Betty La Fea?

"Nung una ko pa langmalaman yung role ko, natuwa na po ako. Natuwa po ako sa role, kasi magandayung role ko and very challenging."

Magkakaroon basiyang leading man sa I Love Betty La Fea?

"Hindi ko po alamkung magkakaroon ako ng boyfriend o manliligaw sa show. Siguro kung meron,dapat yung boyfriend ko laging may sipon o may nakaipit sa ilong niya parahindi maaamoy!" natatawang sabi ni Kristel.

Bukod sa I LoveBetty La Fea, regular din si Kristel sa bagong show sa TV5 na Goals and Girls. "Kasama ko po doon sinaEmpress Schuck at Dino Imperial. Best friend ko po si Empress," banggit niKristel.

Masaya ba siya satakbo ng career niya ngayon?

"Opo, mabilis ngapo, e. At least, marami po akong trabaho. MWF po taping namin sa Betty La Fea.TThS naman po sa Goals and Girls. ‘Pag Sunday, nag-a-ASAP po kami minsan."

Very vocal siKristel na ang ultimate crush niya ay si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. Bukodkay Sen. Bong, crush din ni Kristel ang co-star niya sa I Love Betty La Fea atlookalike ni Piolo Pascual na si Joem Bascon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang manly pokasi siya. Hindi po kami nagkakasama sa set, kasi iba po yung mga kaeksenanamin."

Nakatapos na rin siKristel ng isang independent film, na idinirek ng beterano at kilalangdirektor na si Eddie Romero, ang Teach Me To Love. Kasama niya rito si NathanLopez, na bida sa Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

PRISONER'S DAUGHTER. Kahit halos walangtulog si Kristel okey lang daw sa kanya na magtrabaho nang magtrabaho.

"Gusto kongmakatulong po sa papa ko na nakakulong po sa Davao. One year na po siya doon,"malungkot na sabi ni Kristel.

Nadalaw na ba niyaang tatay niya sa Davao?

"Hindi pa po akonakapunta sa Davao. Puro text lang po ako doon sa nagbabantay sa papa ko. Kapaggusto ko po siyang makausap, nakikiusap po kami doon sa nagbabantay parapayagan ang papa ko."

Ilang taon na sakulungan ang kanyang ama?

"Mga seven to 12years po yung kailangan niyang i-serve na sentence."

Ipinahayag niKristel na wala siyang sama ng loob sa kanyang ama kahit mag-isa siyang binuhayng kanyang ina.


"Ay, walang-wala po! Siya pa rin po ang papa ko."

Kung sakaling lumapitsa kanya ang papa niya kapag lumaya na, tatanggapin ba niya?

"Oo naman po. Kahit dati pa po, willing akongtumulong sa kanya. Pero siyempre, may mga kapatid po ako. Pati si Mama,kailangan ko munang malaman ang sagot nila. Pero kung kaya pa po namin, pwedepa," pagtatapos ni Kristel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN