Jericho Rosales: "Hindi pa talaga handa ang sarili ko for a relationship."

"Parang kung mamadaliin koang sarili ko, hindi rin naman magbubunga nang maayos, makakasakit lang ako.Baka makahanap lang ako ng tao na okey siya, ‘tapos ako naman ang hindi okey sakanya. So, inaayos ko na lang ang sarili ko bago ako magka-relationship ulit,"rationalizes Jericho Rosales about getting into another relationship.



Ikinuwento ni Jericho Rosales sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang napaka-hectic na schedule niya nang makausapnamin siya sa presscon ng Kahit Isang Saglit last Thursday night, September 4.Una na nga rito ang pagbalik nila sa Malaysia para tapusin ang taping ng KahitIsang Saglit, na ipalalabas sa September 8 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Pagbalik ni Jericho from Malaysia on September 25, dalawangaraw lang ang palilipasin niya at pagkatapos ay aalis siyang muli papuntanamang Italy kasama sina Ai-Ai delas Alas at Edu Manzano. Ang balik daw niya aysa October 10 na, and for the whole month of October ay magiging busy naman dawsiya sa shooting ng pelikula niya with Anne Curtis, Baler.

REUNION WITH KRISTINE. Pagkatapos nito, malamang na sisimulan na angreunion soap nila ni Kristine Hermosa. Pero ang PEP pa angnagpaalala kay Echo na bago ang soap opera nila, mapapanood muna sila sa isangspecial episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

"Ay, oo nga pala, may MMK muna kami!" nakangiti niyangpagsang-ayon. "Actually, excited ako that I'll be working with her again.Excited ako! Hindi na makahintay. Excited na ako kasi medyo matagal na. Atsaka, ready na ako. Ready na rin siya. Nagkita kami."

Saan naman sila nagkita ni Kristine?

"Nagkikita kami sa ASAP. Nagkikita kami sa church.Nagbabatian kaming dalawa. So, tinanong ko siya one time, sabi ko, ‘Ano, worktayo?' Sabi niya, 'Okay!'"

Tingin din ni Jericho, ito na talaga ang right timingfor them na magsama at magtrabahong muli.

"Feeling ko talaga right timing. Katulad noon, hindi ko pamaramdaman. Pero ngayon, napi-feel ko na rin ang excitement. Napi-feel ko narin ang excitement ng tao, di ba? So, naghihintay na lang kami for the rightscript."

Kaya ba nasabi niyang right timing ang pagsasama nilang mulini Kristine ay dahil nasa buhay pa niya noon ang dating girlfriend na si HeartEvangelista?

"Hindi naman," sabi ni Echo. "Noong time na yun, medyo hindipa lang talaga dumarating yung tamang offer. So, nagkataon lang na noongmaghiwalay kami ni Heart, nandoon yung offer. So yun, tinanggap ko na! So, anolang, hintay-hintay lang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL WORK AND NO PLAY. Aware naman daw si Jericho sa kasabihang, "All work and noplay, makes one a dull boy."

"Aware naman po ako sa ganyan," sagot niya. "Medyonag-iingat naman po ako sa ganyan. May mga kaibigan naman. Mga regular akonggimmicks, out-of-town, sumusulat ng kanta. Baka next year, mag-release ulit akong album."

Hindi pa rin ba siya nagsisimulang makipag-date?

"Wala akong nakikita, e. Minsan kami ni Carmen [Soo], minsan nakakalabas kami," pag-amin niya.

Pero nangiti na lang si Jericho at napailing nang diretsuhinsiya ng press na ibinuko na siya ni Carmen, ang leading lady niya sa Kahit Isang Saglit, na mabuti pa raw noong nasa Malaysiasila dahil nakakalabas sila, pero ngayong nasa Pilipinas ang Malaysian actressay hindi pa sila lumalabas o naipapasyal man lang.

"Salbahe ako, ‘no?" tawa ng young actor.

Biniro namin siyang parang hindi siya gentleman dahil hindiniya ine-entertain si Carmen, na bisita pa naman sa ating bansa.

"Hindi naman! Hindi naman! Alam ko naman na medyo malaki angatraso ko, lalo na sa kanya. Pero I try naman na kapag may libreng oras ako,dinadala ko sila sa restaurant, like sa Crab, ganyan. Pero mas madalas, sabahay na lang ako," paliwanag niya.

Umamin din si Echo na that was the time na depressed pa siyabecause of the breakup with Heart.

"Yung time kasi na yun, medyo windang lang ako ng konti samga ano... Parang ayoko nang dagdagan ang mga problema ko nung time na yun. Atsaka, sinabi ko rin naman sa kanya na, ‘Carmen, pasensiya ka na, nadadamay kasa mga ganitong isyu-isyu.' Pero sabi nga niya, ‘Naiintindihan naman kita.'"

Ipinarating din namin kay Echo ang naramdaman ni Carmen nangnapagbintangan siyang third party sa breakup nina Echo at Heart. Kahit paanoraw ay nakaramdam ng galit ang Malaysian actress.

"But she handled it well," sabi ni Echo. "So, okey ako, okeyako run. Kasi si Carmen, matalinongbabae at maunawain na babae naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ba, hindi na siya windang?

"Hindi na! Okey na ako, e. Parang na-realize ko rin, bakitko ba papahirapan ang sarili ko?"

MOVING ON. Napa-"amen" at "hallelujah" si Jericho nang may magsabi sakanyang ngayon daw kasi, windang na lang siya sa sunud-sunod na blessing nadumarating sa kanya. Kapalit lang daw nito, wala talaga siyang love life.

"Walang love life. Mahirap kapag uuwi ka ng bahay nanangangati ako sa happenings. Nananabik sa kaibigan."

Nakapag-move on na ba siya?

"Medyo, malapit na ako dun."

Umiiyak pa rin ba siya?

"Hindi na, medyo naka-move on na rin ako."

Pero ayon kay Jericho, more than finding a new love, masganado raw siya ngayong magtrabaho na lang nang magtrabaho. Besides, dalawangcareer ang gusto niyang pagbutihin pa—ang pag-arte at ang pagkanta pa rin.

"Hindi pa rin po talaga ako ready ngayon na mag-girlfriend.Minsan, iniisip ko nga, nanonood na lang ako ng kung ano-ano para ma-inspireako. At saka, hindi pa talaga handa ang sarili ko for a relationship.

"Parang kinukuwenta ko, ha, parang kungmagpapaka-technical ako, wala akong time. Pangalawa, parang kung mamadaliin koang sarili ko, hindi rin naman magbubunga nang maayos, makakasakit lang ako.Baka makahanap lang ako ng tao na okey siya, ‘tapos ako naman ang hindi okey sakanya. So, inaayos ko na lang ang sarili ko bago ako magka-relationship ulit,"pagtatapos ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN