Jolina Magdangal wishes for "I.T.A.L.Y." to be screened abroad

"Marami ang makaka-relate talaga sa pelikula namin.Hindi lang siya basta kinunan sa iba't ibang bansa kundi kuwento ito ng bawatPinoy na nangarap na pagandahin ang buhay ng kanyang pamilya dito sa atin," says Jolina Magdangal about her latest film, I.T.A.L.Y.



Kampante si Jolina Magdangal na tatangkilikin ng maramingtao ang pelikula nilang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) under GMA Films, lalona ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ani Jolina, bukod samahilig naman ang mga Pinoy sa mga pelikulang isinu-shoot sa ibang bansa,dedicated ang kanilang pelikula sa mga kababayan natin na nagsasakripisyo namagtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanilang pamilya upang magkaroon ngmagandang kinabukasan.

Ginawa ang pelikula sa tatlong continents—Asia, Europe, atAfrica—at matutuwa ang mga manonood dahil sa magagandang lugar kung saankinunan ang karamihan ng mga eksena. Diin ni Jolens, hindi lang bastatravelogue ang dating ng pelikula dahil mas maa-appreciate nila ang takbo ng istoryang tungkol sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

"Sa totoo lang naman, ginawa namin ang pelikulang I.T.A.L.Y.para sa kanila talaga. Yung mga OFW na nakausap namin habang nagsu-shoot kamion board Costa Magica [cruise ship], may mga kuwento sila na nakakaiyak atnakakatawa.

"May iba nga sa kanila na matagal nang hindi nakikita angpamilya. May isa nga roon, nanganak na ang misis niya pero never pa niyangnakikita ang bata. Ngayon, mga three years old na ang bata at hanggang sa litratoat pagtawag lang sa telepono ang communication niya.

"May isa naman doon, iniwan ng asawa dito sa Pilipinas dahilnga sa naging trabaho niya. Ang ending, nagkahiwalay sila. May iba namangnakatagpo ng mapapangasawa sa ibang bansa. Kung may malungkot na istorya angmga OFWs, may mga nagkaroon naman ng happy ending.

"Kaya marami ang makaka-relate talaga sa pelikula namin.Hindi lang siya basta kinunan sa iba't ibang bansa kundi kuwento ito ng bawatPinoy na nangarap na pagandahin ang buhay ng kanyang pamilya dito sa atin,"lahad ni Jolina nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ipinagdasaral ni Jolens at ng ibang cast ng I.T.A.L.Y. nasana ay maitanghal ang pelikula nila sa iba't ibang Filipino communities abroad,lalo na roon sa mga subscribers ng GMA Pinoy TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa namin kasi alam kung ano ang plano ng GMA Films,"sabi ni Jolina. "Pero maganda nga kung maipapalabas natin ito sa ibang bansa,lalo na doon sa mga pinag-shooting-an namin ‘tulad sa Europe. Alam namin nasabik ang mga kababayan natin na makapanood ng isang pelikula na para attungkol sa kanila."

WHAT'S NEXT FOR JOLINA. Hindi pa raw alam ni Jolina kung ano ang magiging next movieniya after I.T.A.L.Y. Kung papipiliin siya, gusto sana niya ay may pagkakontrabidaang dating.

"Pero hindi naman all out na kontrabida," paglilinaw niJolina. "Yung tipong nasa character lang niya ang pagiging maldita. Gusto koyung tulad ng kay Leighton Meester sa Gossip Girl [American TV series]. Yung role niya as BlairWaldorf ang gusto ko. Kahit na kontrabida, loveable pa rin. Or tulad ng role niRachel McAdams sa Mean Girls. Yung tipong babait sa ending ng pelikula."

After Pinoy Idol, wala pang mabanggit si Jolina nabagong show niya sa GMA-7 except sa regular niyang Unang Hirit, SOP, at DearFriend. Hindi naman daw nagmamadaling magkaroon ng bagong show si Jolens dahilipinu-promote niya ngayon ang kanyang bagong album at may naka-schedule siyangmall shows.

"Na-miss ko rin ang mag-mall show. Ang huli ko pa yatang pag-mallshow ay noong mag-promote kami ng Ouija last year. Ngayon lang ulit akomakakapagpasyal sa iba't ibang mall sa Pilipinas.

"May mga naka-schedule din akong mga shows abroad kayamahirap din for me ngayon na magkaroon ng regular na series. Tama na yungmorning show na Unang Hirit at tuwing Sunday sa SOP.

"Yung Dear Friend naman, magkakaroon kami ng campustour. Kaya abangan nila kami ni Marvin [Agustin] sa mga schools. Request kasing mga students na mapanood kami ni Marvin nang live sa school nila at livenamin silang bibigyan ng payo sa kung anu-anong bagay," sabi ni Jolina.

Courtesy of GMA Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN