KC Concepcion out to prove she's more than her famous parents' daughter

"Ang dali-daling sabihin ng mga tao na ang dali-daling pagpasok ko sa showbiz dahil sa parents ko, and it's easy for them tocompare me sa mga magulang ko. Feeling ko, kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho atpatunayan na baka naman I deserve to be here also, and hindi lang dahil madalisa akin na makilala ako," says KC Concepcion.



Sa mahigit isang linggo pa lang na pagpapalabas sa mgasinehan ng For The First Time nina KC Concepcion at Richard Gutierrez aybalitang malapit nang P100 million ang kinikita nito.

Last September 4, Thursday, ay lumipad papuntang Amerika siKC para sa international premiere ng launching movie niya. Pero bagoumalis si KC ay nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nagpahayag ang singer-actress ng labis-labis na pasasalamatsa suporta at tiwalang ibinigay ng publiko sa tambalan nila ni Richard.

"Sobra-sobrang nagpapasalamat talaga kami," sambitniya. "Nung ginagawa namin yung For The First Time, I didn't know what toexpect. But alam ko, I know it was something na kailangan kong gawin personallysa akin at sa mga taong sumusuporta sa akin—sa pamilya ko at kay Chard na rin.Kaya super-salamat talaga sa lahat ng nanood at tuluyang nanood at umuulit-ulitpa. Sobrang init ng pagtanggap nila, sa pagwe-welocime nila sa akin sa pelikulaat team-up namin ni Richard, salamat talaga."

Hiningan din namin ng detalye si KC tungkol sa international premiere ngFor The Fisrt Time at kung bakit hindi niya kasama ang kaparehang si Richard.

"Busy siya sa teleserye niya at mayroon siyang choice kungsaan niya gustong pumunta, sa California premiere o sa Europe premiere. Sincehindi pa siya nakakarating sa Austria and first time na magkakaroon ng premierenight sa Vienna, gusto niyang ma-meet ang mga tao dun, o dun kami pupunta namagkasama.

"Sobrang saya kami kasi no expectations talaga nungnag-start kami ng movie. The fact na may mga naghihintay sa akin sa California,sa San Francisco, later on sa Vienna, sobrang laki ng pasasalamat namin atsumusuporta sila sa amin. Kung excited sila na makita ako, excited dinakong makita kayo," saad ni KC.

THE REAL SCORE. Marami ang nag-isip during the presscon of For the First Time na hindiman diretsahang umamin sina KC at Richard na sila na ay very obvious naman dawsa kilos at tinginan ng dalawa. Tinanong namin si KC kung kumusta na silani Richard ngayong tapos na ang shooting at promo nila ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're okay, in touch pa rin kami at naging mabuti kamingmagkaibigan and maganda naman yung friendship namin sa ngayon. Na-miss koyung company niya, lagi kaming nagtatawanan. Siguro yung pakikisama naminkay Direk Joyce [Bernal], magulo kasi kami ‘pag magkasama kaya nami-miss koyung kakulitan namin."

BOX-OFFICE KING & QUEEN. Sa init ng pagtanggap ng publiko sa For The First Time,hinuhulaang sina Richard at KC ang magiging mahigpit na makakalaban nina JohnLloyd Cruz at Sarah Geronimo sa titulong Box-Office King & Queen sa susunodna taon. Matatandaang kumita rin nang husto ang A Very Special Love nina JohnLloyd at Sarah, gaya ng For The First Time. Ang dalawang pelikula ay parehongmula sa Star Cinema.

Ano ang masasabi ni KC dito?



"Hindi ko iniisip ‘yan, baka ma-pressure ako," sabi niya. "But excited atnagpapasalamat ako kay God.

"Ang dali-daling sabihin ng mga tao na ang dali-daling pagpasok ko sa showbiz dahil sa parents ko, and it's easy for them tocompare me sa mga magulang ko. Feeling ko, kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho atpatunayan na baka naman I deserve to be here also, and hindi lang dahil madalisa akin na makilala ako. It doesn't mean na hindi ko na kailangangmagtrabaho o hindi ko na kailangang magsikap at magtiyaga to make my ownniche in the business."

WORKING WITH JOHN LLOYD. Speaking of John Lloyd, pinabulaanan ni KC ang lumabas nabalita na hindi siya makikipagtambal sa young actor dahil sa nakaraan nito satiyahin ni KC na si Ciara Sotto. Magpinsang-buo sina Ciara at ang ina ni KC nasi Sharon Cuneta.



"Of course, I'd really want to do a movie with him," paglilinaw ni KC. "He'sreally a good actor and he's been very gracious to me every time na magkikitakami sa ASAP. Lagi niya akong binabati, lagi kaming nagbabatian. I wouldlove to a do a project with him.

"Regarding kay Ate Ciara, I think we're both mature individuals,saka sine-separate niya yung personal sa professional. Ewan ko kung kailangannaming mag-usap, but very supportive naman siya bilang kamag-anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami naman ni Ate Ciara, lagi kaming nag-uusap about work.But nothing negative naman yung pinag-uusapan namin....So ewan ko kung bakit biglang lumabas ‘yang isyu na‘yan. I think naman, whatever na puwede siyang maging supportive, she'll besupportive. Nandun nga siya sa premiere night namin ni Richard and she didn'thave to be there, but nagkasya siya ng panahon para manood. She's verysupportive of my working in the movie, I'm sure she'll be okay with that idea [working with John Lloyd]," paliwanag ni KC.



SEPARATE CINEMAS. Kahit iwas-intriga ay lumikha pa rin ng kontrobersiya sa premiere night ng ForThe First Time noong August 26 ang hiwalay na sinehan na pinagpanooran ng mgamagulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sina Sharon atang asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan ay nasa Cinema 10, si Gabby namanay nasa Cinema 9.

Sa cast party ng For The First Time nang gabing ‘yon ayinamin ni KC na hindi pa nagsi-sink in sa isip niya na parehong nasa premiere ang mgamagulang niya. Ngayon ba ay na-absorb na niya ngayonang mga pangyayari?

"All of my three parents were very supportive and yun ngaang bagsak mo pa rin, at the end of the day, ay pamilya mo, di ba? Kamingapat, hindi kami magkakasama sa iisang bubong. Pero kung ano ang pamilya parasa iyo, yun ang pamilyang para sa iyo. So ako, pamilya ko si Papa [Gabby],pamilya ko si Mom and Dad [Kiko] kaya masaya ako na peaceful lahat athindi pinagpiyestahan ng mga tao, nirespeto nila yung sitwasyon namingapat. Careful lang ako sa kung ano ang sasabihin ko kasi personal sa akinito," pahayag niya.

For The First The Time will have its premiere tonight, September 6, atAlex Theatre in Los Angeles, California. Bukas, September 7, gaganapin angpremiere nito sa Fox Theater sa San Francisco California, kung saan makakasamang mga kababayan natin si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On September 28 naman ay magkasamang pupunta sina KC andRichard sa Cineplex, Dounaplex sa Vienna, Austria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN