JC de Vera plays a macho dancer in one episode of "Obra"

"Kinabahan ako,sobrang nanginig ako at hindi alam ang mangyayari. Abangan n'yona lang at kayo na ang mag-judge sa performance ko. Stepping stone ko ito formore mature roles at hindi naman ako forever bata. I'm 22 years old na rin andripe na for more mature and daring roles," says JC de Vera about his role as a macho dance in one of the episodes of Obra.



Pinalakpakan ngentertainment press ang trailer ng "PrettyBoy" episode ng Obra, na magtatampok sa young actor na si JC deVera sa buong buwan ng Setyembre. Sanaturang episode kasi ay ginagampanan ni JC ang papel ng isang macho dancer, atsa naturang trailer ay ipinakita ang eksenang nag-macho dancing si JC. Lutangna lutang ang magandang pangangatawan ng young actor, na unang tinilian nangrumampa siya sa Blackout: Bench Denim & Underwear Fashion Show.

Pati ang manager niJC na si Annabelle Rama ay natuwa sa napanood na galing ni JC. Sa harap ngpress, in-announce ni Annabelle na si JC ang "the next Richard Gutierrez."

Idea raw ni JC angmacho-dancer role. He suggested it to the production staff at dahil first timeat maganda, sinunod ang kanyang suggestion.

"Gusto kong magingversatile, hindi dahil gusto kong magpa-sexy o mayabang ako dahil maganda angkatawan ko. Sabi sa akin, I can suggest kung anong role ang gusto ko at ito angnaisip ko. I am happy sa naging resulta," wika ni JC sa presscon ng Obra kagabi, September 5, sa Imperial Palace Suites.

Ikinuwento rin ni JCsa PEP na bago kunan ang eksena, bago siya naghubad as he calls it, mahabamunang discussion with his manager ang nangyari. Ang fear ni Annabelle, bakamawala ang wholesome image niya. Hindi niya alam kung paano ito napapayag,basta pinag-report na lang siya sa taping.

Kasama si JC ngentertainment press sa nanood ng trailer ng "Pretty Boy." Sa simula'y nagtagoito sa likod ng direktor ng naturang episode na si Jun Lana, pero nangmagpalakpakan ang press, nakahinga ito nang maluwag at nakangiti.

Ano ang feeling niyapagkatapos niyang gawin ang macho-dancing scene?

"Kinabahan ako,sobrang nanginig ako at hindi alam ang mangyayari," sabi ni JC. "Abangan n'yona lang at kayo na ang mag-judge sa performance ko. Stepping stone ko ito formore mature roles at hindi naman ako forever bata. I'm 22 years old na rin andripe na for more mature and daring roles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kumain si JCng isang araw bilang preparasyon sa taping ng "Pretty Boy." Pangit nga naman kung maghuhubad siyang malakiang tiyan.

"Bago kaminag-taping, ibinigay na sa akin ang treatment ng story. Binasa ko sa bahay atmasasabi kong well-prepared ako. Tinanong ko ang staff kung nag-hire sila ngmacho dancer to help me. Kumuha sila ng eight dancers at pinasayaw ko sila andfrom there, kumuha ako ng steps, kinopya ko ang routine nila. May acting coachdin ako para mabantayan ako scene after scene," kuwento ni JC.

Lalo pang natuwa siJC sa positive feedback ng kanyang mga directors sa napanood na ginawa niya sanabanggit na episode. Bukad kay Jun Lana, ididirek din si JC nina MacAlejandre at Maryo J. de los Reyes sa ibang episodes.

Juna Lana: "I wassurprised dahil alam kong kabado siya. Wala akong ginawa dahil gusto ko lumabasang nerbiyos niya. Abangan n'yo ang transformation niya. Nagulat ako sa dramascene niya, kuhang-kuha niya. Believable siya sa dramatic scene niya at guwapopa rin kahit umiiyak."

Mac Alejandre: "Fouryears ago, he auditioned for Click. Four years since, ang nakitanatin hindi lang ang pag-develop niya na magaling na actor, napatunayan dinniyang isa siya sa magaling na artista sa kanyang henerasyon. Ang Obra aypatunay na naniniwala ang network sa kanya at may ibubuga siya. Masaya ako nakasama ako sa pag-unlad ng kanyang craft."

Maryo J. de losReyes: "Naobserbahan ko sa Dear Friend na may wide range siya saperformance and I feel marami pa siyang ibubuga. I look forward to directing him. He's one of the best and heshows a lot of promise."

IN THE MIDDLE OF CONFLICT. Samantala, hindimaiwasang mabanggit ang isyu sa manager ni JC na si Annabelle at kay Ms. WilmaGalvante, SVP for TV Entertainment ng GMA Network, na siyang may hawak ng Obra.Hindi ba naapektuhan ang kanyang career sa isyu ng dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope not at tuloypa rin naman ang project ko sa kanila. Hanggang April 2009 pa ang kontrata kosa GMA-7. Bukod sa Obra, gagawin ko ang La Lola with RhianRamos," saad ni JC.

Paano kung after hiscontract expires, i-pullout siya ni Annabelle at ilipat sa ABS-CBN?

"Kaya lahat ngproject na ibinibigay sa akin ay ginagalingan ko. Serious ako sa craft ko lalona sa mga ganyang sitwasyon, para at least may dating. ‘Pag pinullout ako dahilsa nangyari, sana salbahin ako ng network," sagot ng young actor.

Hindi ba siyanatakot noong mainit pa ang isyu sa manager at kay Ms. Wilma?

"Siyempre natakotdin. Sa GMA ako nag-start, nag-grow at nakilala. Mahirap lumipat nang ganun nalamang. Sobrang respetado ko si Tita Annabelle at never akong kumontra sakanya. Alam kong may sarili siyang plano for me, pero sana maayos na anglahat," asam ni JC.

Busy ang calendar niJC ngayon dahil lagare siya sa taping ng Obra at shooting ng "Emergency"episode ng Shake,Rattle & Roll X. Magiging busy lalo siya ‘pag nag-taping na sila ng LaLola. Ayaw magreklamo ni JC dahil trabaho naman daw talaga ang hanap niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN