Bunny Paras denies daughter with Mo Twister has brain cancer

"It's not brain cancer. Thank you for allthe concern, pero no, I'm gonna be devastated kung ganoon. It's just a cyst inher brain. She was able to acquire this very rare syndrome or virus. You know,it just happened parang flu, gano'n, but this one is very rare virus thatattacks her body," explains Bunny Paras about the virus that attacked her daughter Moira.



Pinabulaanan ng dating aktres na si Bunny Paras sa Startalk angnaisulat sa blog entry ng kontrobersiyal na si Brian Gorell noongSeptember 1, na may brain cancer diumano ang anak niya kay DJ Mo Twister na siMoira. Now based in the United States, nakausap ng Startalk si Bunny satelepono at sinabi nitong hindi totoong may brain tumor ang kanyang anal

"No, no, no...it's not brain cancer. Thank you for allthe concern, pero no, I'm gonna be devastated kung ganoon. It's just a cyst inher brain. She was able to acquire this very rare syndrome or virus. You know,it just happened parang flu, gano'n, but this one is very rare virus thatattacks her body."

Ang tawag daw sasakit ni Moira ay "Miller Fisher Syndrome." Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, "Miller Fisher syndrome is a rare, acquired nerve disease that isconsidered to be a variant of Guillain-Barré syndrome. It ischaracterized by abnormal muscle coordination, paralysis of the eyemuscles, and absence of the tendon reflexes. Like Guillain-Barrésyndrome, symptoms may be preceded by a viral illness. Additionalsymptoms include generalized muscle weakness and respiratory failure.The majority of individuals with Miller Fisher syndrome have a uniqueantibody that characterizes the disorder."

Ayon kay Bunny, mahirap lang daw sa ngayon para sa anakniya, who is now in Grade V, ang pagpasok sa school dahil ang room niya ay nasasecond floor.

"She's Grade Five, pero very small. Alam mo yun, maliitna palaging nahuhulog. So the school is always worried that she might fall. So,I have a classmate who helps her all the time. Like mino-monitor sa umaga,so parang doble alaga talaga," kuwento ng dating miyembro ng That's Entertainment.

Sa panayam ng Startalk kay Bunny over the phone, mapapansinang magandang disposisyon pa rin nito kahit nasa gitna ng ganitong situwasyonang kanilang love child ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang namin siya masyadong bine-baby, so she can haveself-confidence," banggit ni Bunny.

Dahil din naman daw sa pangyayaring yun sa kanilang anak niMo, mas naging daan yun para kahit paano ay maging maayos ang lahat sa pagitannila ng DJ at TV host. May mga panahon din naman daw that Moira gets to spendtime with her father.

"Usually ‘pag summer, kapag nandito na si Ate, si Sharmaine[Arnaiz]. I'm able to send Moira home. ‘Tapos yung lola kasi ni Moira, on Mo'sside, talagang very close sila. Mabait talaga yun sa anak ko. Si Mo, verybusy lang palagi but I think that they were able to spend a little time,"kuwento ni Bunny.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Bunny sa ama nganak. Aniya, "Thanks for spending time with Moira when she was home. And I hopeyou could do more of that kasi lumalaki na yung bata. And thank God that, atleast, Moira gets to spend time with his [Mo's] family."

Inaasahan na magbibigay rin ng kanyang pahayag si Mosa Showbiz Central mamaya, September 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN