Yayo Aguila and William Martinez dismiss reports that sister-in-law Liezl has breast cancer

"Siguro nagkaroon lang ng impression na si Liezl ang may sakit dahil madalas siyang sumasama kay Mama, sa mama nila [sabay turo sa asawang si William], sa pagpunta sa hospital. The truth is, yung mother-in-law ko ang may sakit, siya yung may cancer at si Liezl, siya yung madalas na nakakasama," explains Yayo Aguila (in photo, with husband William Martinez] about reports that her sister-in-law Liezl Martinez has breast cancer.


Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol sa diumano'y pagkakaroon ng breast cancer ng misis ni Albert Martinez at anak nina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez na si Liezl Sumilang Martinez. Nagsimula ang naturang usap-usapan sa pamamagitan ng blind items na tumutukoy sa misis ng isang aktor na diumano ay may malubhang karamdaman.

Kalaunan ay pinangalanan na ang nasa blind item, na si Liezl nga. Pero kahit na iba't ibang haka-haka at balita na ang naglalabasan, wala pa ring nagsasalita sa kampo ni Liezl—maging si Albert at ang ina nitong si Amalia—tungkol sa totoong kalagayan ng dating aktres.

Pero sa taped interview ng Startalk sa brother-in-law ni Liezl na si William Martinez at ng asawa nitong si Yayo Aguila kahapon, September 6, binigyang-linaw nila sa kauna-unahang pagkakataon ang balitang kumakalat tungkol kay Liezl.

Ayon kay Yayo, wala naman daw silang alam na sakit ni Liezl, lalo pa ang pagkakaroon nito ng breast cancer. Posible raw na may mga nag-i-speculate lamang dahil madalas na nakikita si Liezl kasama ng mother-in-law nila, ang ina nina Albert at William, sa pagpapa-check-up sa hospital.

"Siguro nagkaroon lang ng impression na si Liezl ang may sakit dahil madalas siyang sumasama kay Mama, sa mama nila [sabay turo sa asawang si William], sa pagpunta sa hospital. The truth is, yung mother-in-law ko ang may sakit, siya yung may cancer at si Liezl, siya yung madalas na nakakasama," paliwanag ni Yayo.

Dagdag niya, madalas daw silang magkausap at magka-text ni Liezl kaya alam daw niyang maayos ang kalagayan nito.

"Kulang na lang talaga, magkasama kaming gumimik. Kaso si Liezl kasi, hindi talaga siya yung mahilig lumabas, mas gusto pa niya yung nasa bahay lang. Siguro, kaya hindi na lang din nila sinasagot yung mga isyu kasi nga, si Liezl, hindi naman siya yung artista talaga."

Pero hanggang sa huli, sinabi ng mag-asawang William at Yayo na kahit sila raw ay nagugulat sa mga nagtatanong sa kanila tungkol sa kalagayan ni Liezl. Pareho nilang sinabi na hindi totoo ang lumalabas na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, during the press conference of ABS-CBN's Kahit Isang Saglit last Thursday night, September 4, dumating si Albert na kasama sa cast. Pero may advise agad ang PR Department ng Kapamilya network to avoid asking questions on Albert regarding the condition of Liezl.

Bago magpaalam ang lahat ng cast member, namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Albert na naunang umalis at hindi na nakapag-stay for a sit-down interview with the entertainment press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN