Dingdong Dantes: "Nice boy? I don't believe I'm nice."

"Proud ako dahil wala akong nilampasan na step. Kumbaga, yungintroductory level at pagpasok ng tao sa industriyang ito [showbiz], masasabikong napasok ko siya," says Dingdong Dantes about attaining his success from scratch.



Nagkaroon ng special feature ang Kapuso Mo, Jessica Soho ngGMA-7 kagabi, September 6, on Jose Sixto Dantes III—better known as DingdongDantes—tungkol sa pagkakapili sa kanya ng E! Television as one of the 25Sexiest Men of the World hanggang sa pagiging isa sa most sought-afterendorser, hottest young actor, at leading man ng Pilipinas.

Intensive ang ginawang pagtalakay ng Kapuso Mo, JessicaSoho, kung saan may one-on-one interview si Jessica kay Dingdong. Ipinakita rindito ang ipinadalang VTR ni Mr. Dan Railey, ang executive producer ng E!, nanagpapahayag ng pagkakapili nila kay Dingdong sa hanay ng 25 Sexiest Men of theWorld.

Ang unang tanong ni Jessica kay Dingdong ay kung ano angpakiramdam niya when people say his sexy, hindi ba siya nase-self conscious?

"Actually yes, yes... Hindi kasi ako sanay, e. I mean, hindiako sanay na matawag na ganoon," nakangiting sabi ni Dingdong.

Tanong ni Jessica, "What is it like for a non-showbiz personlike me to be up there na tinitingala at tinitingnan na halos hubad na [gaya sa Bench pictorial]?"

"I would say na comfortable ako dahil kung hindi, hindi siyalalabas na ganoon," sagot ni Dingdong. "Pero siyempre, pinaghahandaan yun.Kumbaga, pinaghandaan ko ‘yan ng tatlong buwan, just for that one photo shoot.And after that, balik na ko sa normal. And if you will ask me now kung magagawako ulit na mag-pose na ganoon, e, teka lang, maghahanda akong muli."

Bagamat natutuwa raw si Dingdong na siya lang angbukod-tanging Pinoy na nakasama sa listahan, along with other male celebritiesmula sa iba't ibang bahagi ng mundo gaya ng soccer superstar na si DavidBeckham ng Great Britain, mas mahalaga pa rin daw na may maipakita siyangkahusayan sa napili niyang propesyon kesa sa mapag-usapan lang dahil sa kanyangmagandang pangangatawan.

LOOKS IS NOT ENOUGH. Tinanong ni Jessica si Dingdong kung hindi ba sapat angpagiging guwapo lang para sumikat sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kailangan talaga may puso," sagot ni Dingdong. "Kasi,yun ang nakikita ng tao. Kaya ka nila nagugustuhan dahil nararamdaman ka nila.Ngayon, kung nakikita ka lang nila, naayusan lang sila sa hitsura mo, ang dalingpalitan ‘yan, e. Bukas may darating na mas goodlooking sa ‘yo, mas appealing sakamera. You can be forgotten in an instant."

Ipinakita rin sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilang videos niDingdong noong bata pa siya at ilan sa mga TV commercials niya na makikitangchubby pa siya. Sinabi ni Jessica na hindi plinano ni Dingdong ang pagpasok sapag-aartista, lalo pa't maayos naman ang lagay ng pamilya niya.

Nag-elementary at high school sa Ateneo de Manila.Napabilang sa Abztract Dancers. Nakatungtong din ng kolehiyo sa Ateneo pa rin,pero muling na-discover ng isang taga-Viva Films at isinali siya sa sikat nayouth-oriented show noon na T.G.I.S. bilang si Iñaki. Since then, hindi nanakawala si Dingdong sa showbiz.

Sinabi ni Jessica kay Dingdong na he's not the typical nanaging artista because he actually came from school, kumpara sa iba na dala ngkahirapan kaya naisipang pasukin ang pag-aartista.

Sabi naman ni Dingdong, "Pero nalaman ko rin noong bata palang ako na nasa akin na yung kahit paano, passion ko. Being creative in someaspects. Mahilig na akong mag-collect ng mga laruan, action figures...mgacostumes, kung ano-ano ang sinusuot ko. So, alam ko na kahit na noong bata palang ako, nabubuhay na that side of me."

Hindi raw naging madali para kay Dingdong ang lahat kahitsabihin pang biniyayaan siya ng good looks. Pero si Dingdong din mismo angnagsabi na, "Proud ako dahil wala akong nilampasan na step. Kumbaga, yungintroductory level at pagpasok ng tao sa industriyang ito [showbiz], masasabikong napasok ko siya."

PERFECT COMBINATION. Ayon kay Jessica, bagamat marami na rin naging proyektosi Dingdong, masasabi na napansin ng publiko nang husto ang young actor nanggumanap siya bilang Sergio sa Pinoy version ng Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula noon, pumailanlang ang kanyang career, tinilian, atsinubaybayan lalo pa nga't naging mainit din ang pagtanggap sa kanyang kaparehana si Marian Rivera. Tinanong ni Jessica si Dingdong kung sa palagay niya ay kung walangMarian Rivera at walang Marimar, hindi siya makakarating sa kinalalagyan niyangayon.

"It's a combination of everything, e. Mawala man siguro yungisa ro'n, hindi siguro magiging ganoon kalakas ang impact," sagot ni Dingdong.

Dugtong ni Jessica, masyado raw popular ang mga character napinu-portray niya gaya ni Sergio sa sa Marimar at si Fredo sa Dyesebel na baka angDingdong Dantes the actor or the person ay hindi lumutang.

"Ang pagsasabuhay ko sa kanila ay hinahaluan ko ng kontingreyalidad ng pagiging ako," saad ni Dingdong.

Si Jessica rin mismo ang nagsabi na kung akala raw ng iba aymadali ang maging artista at madaling sumikat, malayo raw ito sa totoong buhay.So, the award-winning host of GMA-7 asked Dingdong kung ano ba ang mgapinagdadaanan niya kapalit ng mga tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

"Yung oras ng trabaho sa amin ay hindi pareho ng normal natrabaho sa nasa opisina. Yun ang mga mawawala sa ‘yo, oras for yourself, foryour family, at sa mga bagay na gusto mong gawin."

Apat na beses raw sa isang linggo kung mag-taping siDingdong ng Dyesebel. The show's director Joyce Bernal was also asked aboutDingdong. She said, "Hindi puwedeng mawala ang interpretasyon niya sa characterniya. Even sa scene, palaging nagtatanong. ‘Tapos, kailangang malaman niya kungano ang intensiyon niya doon sa eksena. So, he's a thinking actor. "

SOMETHING YOU DON'T KNOW ABOUT DINGDONG. Nalaman din na si Dingdong pala ay hindi masyadong maselansa kanyang pananamit, pero ibang usapan na raw pagdating sa kanyang buhok.Tinanong ni Jessica ang young actor kung ayaw ba niyang pinapakialaman oinaayos ng iba ang buhok niya.

Natatawang inamin ni Dingdong na, "Inaayos ko pa rin siya.Kahit sabihin na nating inayos na nila in a certain way, unconsciously, yungkamay ko, inilalagay ko na sa buhok ko at inaayos ko na. ‘Tapos sila yung, ‘Huwagmo nang galawin.' Nakakalimutan ko kaya ako, ‘Ay, sorry, sorry!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadiskubre rin ng Kapuso Mo, Jessica Soho na si Dingdong ay isangreserve para sa Philippine Army. Ipinakita rin ang ilang videos ni Dingdong nanaka-army uniform at kasama sa medical missions ng mga sundalo sa bansa.

"Isa sa mga childhood frustration ko ay ang maging sundalo.In a way, naisasabuhay ko siya at the same time, nakakatulong ako becausekasama ako sa grupo ng mga doctors, abogado na nagbibigay ng medical mission,"kuwento ni Dingdong.

NOT SO NICE. Sa edad na 28 years old, marami nang naabot si Dingdong,pero siya raw mismo ang nagsasabing hindi siya perpekto. Tinanong ni Jessica siDingdong kung ano ang ginagawa ng isang nice boy na tulad niya sa showbiz.

"Nice boy? I don't believe I'm nice," nakangiting sabi niDingdong.

Ano ba ang masasabing mga kalokohan ni isang Dingdong? Umiinomba siya?

"Yes, yes!" pag-amin ni Dingdong. "That's one of the thingsthat I look forward at the end of the week. Social drinking na, at least, yungtipong pag-uwi mo naman ay sulit naman ang naging pag-inom mo."

Binabaltik (sinusumpong) din ba si Dingdong?

"Kapag may mga bagay na disorganized. Ayoko ng magulo,"ang nakangiti niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN