Jolina Magdangal and Bebong Munoz "emotionally ready" to settle down

"Ang characteristic kasi ng relationship namin, very careful kamiand we take our time. Kamukha noong bago i-share ni Jolina sa public yungrelationship namin, talagang maraming taon ang pinagdaanan namin to make surethat our relationship is strong enough. Ganoon din ang ginagawa naminbefore we make the decision to get married," says Bebong Muñoz (inset) about his relationship with girlfriend Jolina Magdangal.



Live na nag-guest si Jolina Magdangal sa Startalk kahapon,September 6, to promote GMA Films' I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You). Si ButchFrancisco ang naatasang mag-interview kay Jolina at ang una ngang tanong nitosa multi-media artist ay kung ano ang pinaka-memorable place na napuntahan niyanang ginagawa nila ang pelikula.

"Well, para po sa akin, lahat ng pinuntahan namin memorabledahil yung iba run, first time ko pong pinuntahan, lalung-lalo na yung Venice.Hindi ko akalain na mapupunta ko kasi dati, palagi ko lang siyang tinitingnansa libro. Palagi ko lang siyang nababalitaan at saka nababasa na romantic anglugar. ‘Tapos kung sasakay ka ng gondola. Napapanood ko sa mga Hollywoodmovies, hindi ko akalain na makakasakay po ako at yung mga tao, papalakpakanako na parang feeling ko, gumagawa ako ng Hollywood film. Napakaganda po talagang experience!"

Kumusta naman ang mga OFW (Overseas Filipino Workers) nanakasama nila sa cruise ship na Costa Magica, kung saan nila kinunan angkaramihan ng mga eksena.

"Yung sinakyan po namin, yung Costa Magica... Bale gustonaming magpasalamat sa Magsaysay Shipping sa pagtulong nila. Almost 60percent ay Pinoy ang crew ro'n. Kaya hindi kami masyadong nahirapang mag-shootkasi tinulungan nila kami. Yung pag-a-adjust, siyempre, first time ko pongmakasakay ng ganyan kalaking ship. Para na siyang Megamall, talaga! Hindi akonagbibiro!

"Kaya noong unang sakay ko po na mahilo-hilo ako, tinulungankami ng mga mga kababayan natin doon. Binigyan kami ng gamot, ng mga pagkain.Sobrang supportive nila. At saka kapag nagkukuwento sila, sobrang saya nila nanakakita sila ng mga pasaherong Filipino. At saka ang saya nilang kausap,parang barkada po namin ang mga Filipino crew run," lahad ni Jolina.

Mas lalo ba siyang humanga sa mga OFW pagkatapos niyanggawin ang I.T.A.L.Y.?

"Base sa mga kuwentuhan namin, lalo akong humanga sa kanilakasi yung iba run, ramdam na ramdam yung lungkot kasi malayo sila sa mgapamilya nila. Pero kapag napagkukuwentuhan na pag-uwi nila, mapapagawa na angbahay, mabibigyan na nila ng bonggang birthday party ang anak nila. Angsarap ng feeling na ginawa nila yun. At kahit malayo, makikita mong kinakayanila para sa family nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Jolina, sa pelikula raw nila ay hindi makikitaang sobrang drama. Makikita raw na kahit malayo sa pamilya, fun and fulfillingang ginagawa nila.

"Comedy ito at talagang pasasayahin kayo kahit na siguroyung kamag-anak n'yo nasa ibang bansa, makikita n'yong masaya naman pala."

Tinanong ni Butch si Jolina kung kumusta naman ang workingrelationship niya with her co-stars like Rufa Mae Quinto and Eugene Domingo.

"Masaya, e, walang paistaran. Pagkatapos ng shooting,talagang hindi kami natutulog kaagad or naghihiwa-hiwalay. Nagpupunta kami saisang room doon at yun ang nagsisilbing dressing room namin. ‘Tapos, kuwentuhanpa rin kami. Parang walang sawa na hindi kami nagsama doon sa eksena. Kaya loveko talaga ‘yang dalawang ‘yan. At gusto kong mag-thank you na pumayag silanggawin itong movie na ito."

CONVERSATION WITH BEBONG. Sa puntong ito, kinausap naman ni Butch ang boyfriend niJolina na si Bebong Muñoz sa telopono at tinanong kung may role raw ba ito saI.T.A.L.Y.

"Wala, wala akong role," sagot ni Bebong. "Pero meron akongparticipation but I hardly call it a role. It's one of the innovative ideasthat they added to the movie. Tingin ko, innovative movie kasi ito and I can'tdescribe it, kasi bawal yatang i-describe."

Sa I.T.A.L.Y. ay naghahanap si Jolina ng signs for Mr.Right. Butch asked Bebong kung siya naman ay naghahanap ng Ms. Right onahanap na niya ito in the person of Jolina.

"Well, nakakatuwa. Just recently, I was talking about thesame topic to my close friend. Legally separated siya sa asawa niya and sabiniya, sobra raw siyang sure nang magpakasal siya dahil may nakita siyang isangsign. Pero sabi niya, mali raw pala. So, sabi niya, wina-warn niya ako namag-ingat ka. But I told her that iba yung situation ko dahil kay Jolina naman,hindi lang ako nakakita ng isang sign, all signs point to her," saad ni Bebong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy, nasabi ni Jolina na "ang tangkad ko!" at saka natawa.

Butch asked the couple kung handa na ba silang magsabihan ngITALY, which means, I Trust And Love You sa harap ng dambana.

Si Bebong ang unang sumagot. Aniya, "I can always literallysay that. Ang characteristic kasi ng relationship namin, very careful kamiand we take our time. Kamukha noong bago i-share ni Jolina sa public yungrelationship namin, talagang maraming taon ang pinagdaanan namin to make surethat our relationship is strong enough. Ganoon din ang ginagawa naminbefore we make the decision to get married.

"But I think, emotionally, we are both ready. But as far asour relationship is concerned, we are happy with the journey of therelationship that we have right now."

Dugtong naman ni Jolina, "Well, sabi nga sa movie, love is ajourney. Talagang fun and fulfilling ang mga journey papuntang pag-ibig."

Hirit ni Butch, kung emotionally ready na sila, mas lalonaman daw ang financial na matagal ng ready. So, the question is kailan nga basila magpapakasal?

Si Bebong ang sumagot para sa kanila ni Jolina. Aniya, "Yunnga, like I've said, we're not gonna share the date. But as of now, as far aswe are concerned, we're really happy, excited, and ready."

Sa huli, nag-thank you si Jolina sa boyfriend na angtawag niya ay "Muni" at si Bebong naman ay "Kulet" kay Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN