Regal Films celebrates year-long 48th anniversary with "Mag-ingat Ka Sa...Kulam"

Judy Ann Santos (right) is slated to do four movies for Mother Lily Monteverde's (left) Regal Films as part of the film company's year-long 48th anniversary presentation.



Regal Films is all set for its one-year 48th anniversary celebrationstarting this October.

Month of August dati isini-celebrate ng Regal Entertainment ang anniversarynito magmula nang ipapalabas ang unang pelikulang iprinodyus nila, ang Kayod Sa Araw,Kayod Sa Gabi noong dekada ‘70. Binago ni Mother Lily Monteverde ang buwan ngselebrasyon dahil sa dalawang rason.

Una, ibinilang ng Regal ang taon na una silang pumasok sa showbiz hindilang bilang producer ng local movies kundi sa pagsisimula nila bilangtaga-release ng foreign movies. Dating Good Harvest, sila ang nag-release ngisa sa pinakamalaking pampamilyang pelikula ng Hollywood noong 1962 na All Mineto Give.

Ikalawa, "sa Chinese tradition, August is the month of the dead and theghosts," paliwanag ni Mother Lily sa presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam. Sainternational movie ni Alessandra de Rossi na The Maid, ito ang naging tema ngpelikula—ang pagdating niya sa Singapore na panimula ng celebration of theangry ghost sa buwan ng Agosto.

Isang taon magsi-celebrate ang Regal at sunud-sunod na projects ang gagawinnila. Dapat sana'y ia-announce ito ni Roselle Monteverde-Teo sa generalquestion and answer ngunit naputol ang pagsagot niya sa isang segue questionkung kaya't kinausap na lang namin siya pagkatapos ng Q&A.

"Marami. Una na yung apat na movie ni Juday [Judy Ann Santos]," pauna niRoselle.

Dalawang two-picture contract ang pinirmahan ni Juday para sa Regal. Una nanga rito ang Mag-ingat Ka Sa... Kulam kasama si Dennis Trillo na ipalalabas nasa October 1. Gagawin na ang kasunod, ang balik-tambalan nila ng kanyangreal-life boyfriend na si Ryan Agoncillo, na malamang ay maging opener ng Regalpara sa 2009.

Sa dalawa pang pelikula ni Juday, una ay ang pagsasama nila ni RichardGutierrez at ikalawa ay ang isang pelikula naman na pagsasamahan nila ni MarianRivera.

Hinahanda na rin ang dalawang festival entries ng Regal sa 2009 MetroManila Film Festival-Philippines na Shake, Rattle & Roll X at Desperadas 2.Next year, makiki co-produce pala ang Regal sa GMA Films para sa ikalawangpagsasama nina Richard at KC Concepcion na When I Met You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa sa pinag-uusapan pa lang at pinaghahandaan ng Regal ay angpagbabalik ni Gabby Concepcion sa Regal at binabalak nilang iparehas si Mariansa dating matinee idol ng dekada ‘80. Naitanong namin kung co-produced din baito with GMA Films. Hindi raw, iba kasi ang plano ng GMA Films para sa isangpicture contract nila kay Gabby, si Iza Calzado ang binabalak nilang ipareha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN