Dennis Trillo talks about Italian leading lady Andrea de Lugo

Dennis Trillo and Italian actress Andrea Lugo obliged to kiss in front of the entertainment press during the presscon of I.T.A.L.Y. "Siyempreninerbiyos siya sa simula, pero pinapa-relax ko muna siya bago kami mag-take.Kahit ‘yong kissing scenes namin, hindi na siya nagtanong. Ang nakatulongsa amin, marunong siyang magsalita ng English, kaya hindi siya mahirap turuankung ano ang gagawin," says Dennis about his elading lady.



Naintriga pa si Dennis Trillo nang pumayag siyang mag-lips to lips sila ng katambal niyang Italian actress-singer na si Andrea de Lugo saI.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) sa harap ng entertainment press sa pressconng pelikula nila last week. Natawa na lang si Dennis dahil yung iba naman,natuwa at pinalakpakan pa sila ni Andrea, na game na game naman sa ginawa nila.

"Natuwa nga ako nang malaman kong matutuloy pala siyangpumunta ng Pilipinas para tumulong mag-promote ng aming movie," saad niDennis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)."Sayang nga lang na kailangan na nilang bumalik ni Barbara sa Milan, Italy.Isinabay lang kasi niya ang pagpu-promote din nila ni Barbara ng bago nilangalbum [Cinema Dos: Suave na distributed dito sa Pilipinas ng VivaRecords]. Pero sinulit naman niya ang promo dahil nag-guest siya sa lahatng mga live shows ng GMA-7.

"Actually, bago kami natapos mag-shooting noon sa iba'tibang lugar sa Rome and Milan in Italy, kinausap na siya nina Direk Mark[Reyes] at si Ms. Elaine [Lozano, executive producer of GMA Films] kung puwedesiyang pumunta ng Pilipinas para nga sa promo ng movie. Pumayag naman siya pero magdi-depend pa rindaw ito sa kanyang schedule.

"Singer talaga si Andrea sa Milan, sila ng boyfriend niya. Mahilig pala siyang mag-artista kaya nang magpa-audition sina Ms. Elaine [Lozano, executive producer of GMA films],siya ang nakapasa to play the role. At happy naman ako nang malaman kongfirst movie pala niya ‘yon at ako ang naatasan ni Direk Mark na tulungan siyasa pag-arte."

Hindi ba siya nahirapang turuan si Andrea?

"Hindi naman," sagot ni Dennis. "Si Direk Mark pa rinnaman ang nagbibigay ng instructions kung ano ang gagawin niya. Siyempreninerbiyos siya sa simula, pero pinapa-relax ko muna siya bago kami mag-take.Kahit ‘yong kissing scenes namin, hindi na siya nagtanong. Ang nakatulongsa amin, marunong siyang magsalita ng English, kaya hindi siya mahirap turuankung ano ang gagawin. Napakabait at napaka-cooperative niya. Kahitsa pagsasalita ng ilang Tagalog words, madali rin niyang natutunan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang role ni Andrea, bakit sila ang nagingmagkatambal?

"Ito po ang isang aabangan sa I.T.A.L.Y. kung bakit akonapunta sa Italy, sakay ng Costa Magica [luxury liner], dahil hindi naman akoOFW na ‘tulad ng roles nina Jolina [Magdangal], Eugene [Domingo], Mark[Herras], at Rufa Mae [Quinto]. Bale kami ni Rhian [Ramos] ang talagangpasahero ng barko.

"Ang maganda po rito, may kanya-kanya kaming story ritowithin the story, at tiyak na maraming makaka-relate na mga manonood, lalo na‘yong mga pamilyang may mga mahal sa buhay na nagtatrabaho abroad. Hindipo ito ang usual sob story ng mga OFWs, mayroon ding malulungkot na eksena,pero ang iha-highlight dito iyong masasayang nangyayari sa kanila sa iba'tibang lugar na napupuntahan nila, mas light panoorin.

"At siyempre po, yung magagandang lugar na pinuntahannamin sa three continents [Asia, Europe, and Africa], five countries, and 13cities, tiyak na magugustuhan ninyo. Ako talaga, ang pinakagusto ko atsana makabalik ako, sa Barcelona, Spain. Hindi ko maisip kung bakit ‘yongSagrada Familia Church, sa kabila ng napakarami nang taon ay hindi pa natapos.Pero ang ganda-ganda niya at ginawa nang isang tourist attraction, na paranghindi complete ang pagpunta mo sa Spain kung hindi mo iyon napuntahan. Marami pang magagandang simbahan doon, pero iba ang Sagrada Familia," lahad ngmatinee idol.

Sa September 14 na ang premiere night ng I.T.A.L.Y. sa SMMegamall at sa September 17 ang playdate nito. Magkakaroon din ito nginternational premiere night sa Milan, Italy. Nag-promise si Andrea naimi-meet niya ang cast para mag-attend siya ng premiere night.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN