Queenie Padilla excited about her first TV project "Totoy Bato"

"I'm emotional, verysensitive, loving, caring, and very compassionate. May nakita akong batang payatat nagtitinda ng sampaguita. Naawa ako, binigyan ko siya ng Oreo. Naiyak akonang mag-smile siya sa ibinigay kong biscuit," relates Queenie Padilla when asked to describe herself.



Malapit nangmapanood sa telebisyon ang panganay na anak ni Robin Padilla na si Queeniedahil kasama siya sa upcoming primetime series ng GMA-7, ang Totoy Bato napagbibidahan ng kanyang ama. Gagampanan niya rito ang isang babaengnangangarap maging boksingero. Naalala tuloy ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Leila Ali sa kanya na sinang-ayunan nito.

"I'm so, so excitedand nervous!" bulalas niya tungkol sa kanyang first TV role. "Sa November daw ang start ng taping atmagpapapayat talaga ako after Ramadan. Regular ang practice ko, pero basic langat kailangang itodo dahil sa TV you gain extra pounds. Gusto ko ringmag-showbiz dahil naiinggit ako kay Kylie. Mas matanda ako sa kanya, pero siyamay bank account at may sariling money na."

Nagre-review siQueenie sa Great Way as a preparation sa pagkuha niya ng PEP Test paramakapag-enroll sa college. Gusto niyang kumuha ng Journalism sa Ateneo de Manila University. Nangipaalala ng PEP kay Queenie na Catholic university ang Ateneo, okey lang daw sabi ni Queenie na isang Muslim. Ang gusto ni Robin sa mga anak ay sa Harvard mag-aral.

Mas close si Queeniesa youngest nilang si Allih; si Kylie naman ay kay Zhenzhen mas close. Inilarawan ni Queenie si Zhenzhen. Aniya, "Siyaang fashionista sa amin. Color-coded lagi ang damit parang si Mommy Eva [theirgrandmom]. Pati headband nun, kakulay dapat ng damit at sapatos.

Paano naman niyaide-describe ang sarili and how is she different from Kylie?

"I love food!"bulalas ni Queenie. "Paksiw, kare-kare, seafood, at bagoong kahit allergic ako.Umiinom na lang ako ng gamot after kong kumain. Nag-try na rin ako ng balut,ang sarap! I love to cook at specialty ko ay honey chicken.

"I'm emotional, verysensitive, loving, caring, and very compassionate. May nakita akong batang payatat nagtitinda ng sampaguita. Naawa ako, binigyan ko siya ng Oreo. Naiyak akonang mag-smile siya sa ibinigay kong biscuit," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What else? I loveU2 at gusto ko ang songs nilang ‘OneLove'and ‘Without You.'I love Coldplay, Ashlee Simpson, Hillary Duff, and Avril Lavigne. Salocal, gusto ko ang Zelle at Hale. I love to dance, writing stories andphotography. Nag-direct na rin ako ng short film noong bata pa ako."

What is the song ofyour life?

"Ay, ang gandangquestion niyan! I like ‘True Colors'of Cyndi Lauper dahil nakaka-relate ako. Minsan, na-dedicate ng momko sa akin ang song na ‘yan at na-touch ako't niyakap ko siya.

"Ang differencenamin ni Kylie," patuloy ni Queenie, "tahimik yun, ako laging tawa nang tawa.Madali akong makipagkaibigan; si Kylie, ina-analize muna ang taong lumalapit sakanya. She's also taller than me, she's 5'6" and I'm 5'5" lang yata. Very girlysiya, ako rocker. She likes pink, ako ang favorite color ay black and red"

Ipinakanta ng PEP kayQueenie ang "True Colors"attunog rakista nga ang boses nito; buo at malakas, pero maganda at may timbre.Malaki pa ang igaganda ng boses nito ‘pag nahasa nang husto.

Being the eldest,kay Queenie itinanong ng PEP how is Robin as a father.

"Hindi strict si Papa. He's very caring and very understanding. He's very religious at lahat ngmaganda sa ama, nasa kanya. Ideal dad siya sa amin at kahit pagod na, ‘pagnagyaya kaming lumabas at manood ng sine, labas pa rin kami. The last movie wewatched together was Zohan at tawa kami nang tawa!" kuwento niya.

Kung sina Queenie atKylie lang ang masusunod, gusto nila na sa Pilipinas na lang sila manirahan atpupunta na lang sila sa Australia para magbakasyon. Pero sina Robin at Liezelpa rin ang magdedesisyon kung ano ang mas mabuti para sa kanila. Gusto na nilarito't marami na silang kaibigan at narito ang kanilang mga pinsan at ibangkamag-anak.

Sabi ni Queenie,"Ang hirap nung first five months namin dito, ang hirap mag-adjust. Paglabas namin,nakatingin ang ibang tao at naririnig naming sinasabing mga anak ni Robin. SiKylie nga, ang feeling ‘pag lalabas kami, dapat nakamaskara kami para hindikami pinagtitinginan ng tao. Pero ngayon, sanay na kami at talagang mas masayakami rito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN