Kylie Padilla likes the Philippines better than Australia

"I'm very artistic, very girly namarunong lumaban. I'm also a very loving person, I'm sweet at ‘pag nagkamaliako, itatama ko. I'm very secretive at sa food, favorite ko lahat especiallyfish and chicken at gusto ko ng paksiw. I wear a size 8 ½ shoes and my favoritecolor is pink," Kylie Padilla describes herself.



Almost two hourskausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang magkapatid na QueeniePadilla, 17, at Kylie Padilla, 15, sa isang "one-sided lunch" saTaste of L.A. sa Roces Avenue, Quezon City, last September 4. One-sided dahil kami lang ang kumakain dahil Ramadan, at sa paglubog pa ng araw puwedeng kumainang magkapatid. Pareho kasing Muslim ang magkapatid, katulad ng kanilang ama na si RobinPadilla.

Queenie's real nameis Rozelle Elizabeth at very proud na ipinaalam na combination ng pangalan ngamang si Robin at inang si Liezel ang kanyang pangalan. Ang full name naman ngkapatid niya ay Kylie Nicole, with Kylie as her screen name.

Two years ang agwatng edad ng magkapatid at kahit in-admit na Kylie na mas close siya sa kidsister niyang si Zhenzhen, at si Queenie ay mas close sa youngest nilang siAllih, hindi made-deny na love ng magkapatid ang isa't isa.

Ilang beses silangnagyakapan sa harap ng PEP, lalo na kung na-feel nilang na-hurt nila angfeelings ng bawat isa. Touchy person din si Kylie na maya't maya, nakahawak sabraso ng kanyang ate. Sabagay, minsan na nitong na-declare na "I'm the numberone fan of my ate" who is into singing.

Habang kausap angmagkapatid, hindi kami nagtaka kung bakit very proud si Robin sa mga anak dahilmahal at nirerespeto silang mga magulang at mahal ang mga kapatid nila; patiang Ate Camille nila, na anak ni Robin sa dating artista na si Leah Orosa. Thesisters volunteered that their 18-year-old sister is in the States and liveswith her mom. Nang mag-debut daw si Camille, isa pa si Queenie sa mga kumanta saparty nito.

"Mas gusto namindito tumira, kasi sa Australia malungkot. Dito nakakagimik kami at masaya ‘pagfamily outings dahil marami kaming magpipinsan. Si Allih lang ang ayaw umuwirito, maiiwan daw ang girlfriends niya sa Queensland!" pambubuking ni Kylie sabunsong kapatid.

Adjusted na rin siKylie sa showbiz mula nang lumabas sa Joaquin Bordado at hinihintay ang PandayKids, next project daw niya sa TV, at ang pagsisimula ng pelikulang BandanaGang to be directed by her dad Robin and Deo Fajardo, their manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Third year highschool si Kylie; sa college, gusto niyang mag-enroll sa Visual Arts. She's intodrawing, painting, sketches, singing, dancing, and sports.

Aniya, "First dreamko rin ang maging singer, nauna lang akong naging artista. Favorite singer kosina Regine Velasquez, Kyla, Mandy Moore, and Delta Goodrem, an Austaliansinger. Sa actors, siyempre my dad at si Zhang Ziyi of Memoirs of A Geisha.Gusto kong mag-aral ng piano."

Ni-request namingkumanta si Kylie at pinagbigyan niya kami. Kinanta niya ang "Kailangan Ko'y Ikaw"ni RegineVelasquez at "If I Could Love Agaim" niBarry Manilow. She has the sweetest voice at nagtataka kami kung bakit hindipa siya nagge-guest sa SOP o SiS.

PEP asked Kylie todescribe herself at heto ang sagot niya: "I'm very artistic, very girly namarunong lumaban. I'm also a very loving person, I'm sweet at ‘pag nagkamaliako, itatama ko. I'm very secretive at sa food, favorite ko lahat especiallyfish and chicken at gusto ko ng paksiw. I wear a size 8 ½ shoes and my favoritecolor is pink."

Kahit hindi itanong,obvious na pink nga ang favorite color ng bagets dahil yun ang color ng dressniya at bangles.

Kinorek din ni Kylieang biro ni Queenie na hindi siya nagse-share ng kinita niya sa showbiz. Angtulis ng nguso nito nang sabihing, "Hindi ako madamot, careful lang ako samoney ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN